Masarap mag mahal,lalo na kapag kasama mo siya,kapag nasa tabi mo siya,kapag tinotopak ka at tanging siya lang ang may kayang magpawala nito,yun bang patatawanin ka,yayakapin,kikilitiin at hahalikan,mawala lang ang pagkabugnot mo,pakikinggan ka kapag may problema ka,yun tipong nahulog yung piso mo sa kanal at hindi mo na nakuha pa,yung mga bagay na sa iba walang kwenta pero sakanya napakalaking bagay na...pero may hangganan ang lahat,lalo nat kung siya na mismo ang sumuko,kahit gustuhin mo mang pigilan siya,hindi mo na magagawa,kung yung puso na niya mismo ang nagdidikta,masakit isipin pero kailangan tanggapin,na kapag nagsawa na,wala na,kahit mga pangako niyong binuo,maglalaho na parang bula,mababasag ng pinong pino,hanggang sa maging pulbos at tangayin ng hangin,habang ikaw,nagmumukmok,bigo,umaasang,bumalik ang mga oras na kayoy magkasama,umaasang,sana wala nang naimbentong salitang,UMPISA at katapusan,umaaasa na magbago ang isip niya,umaasa ng umaasa kahit ang totoo'y tapos na ang lahat,,,wala nang balikan,wala nang take two,wala nang repeat .WALA NA...
Ngunit kahit WALA NA umaasa pa rin ako sa pangako nya.
BINABASA MO ANG
Broken Promises (COMPLETED)
RomansaPangako? May mga tao pa bang tapat sa mga binibitawan nyang pangako? Paano kung yung taong inalayan mo ng mga ito ay committed na sa iba? Kaya mo bang panindigan pa ito hanggang huli?Aasa ka pa rin ba na matutupad mo ang pangakong sakanya'y ipinanga...