Ram's POV:
Its been two months after nung aksidenteng makita namin ni Lyrics ang ex boyfriend nyang Si Tristan pero bakit ganun pakiramdam ko pa rin nakikipag kumpetensya ako sa lalakeng yun?Kampante naman akong mahal ako ni Lyrics pero bakit ganun ang pakiramdam ko?.Honestly hindi alam ni Lyrics ang nararamdaman ko,ayoko ring ipaalam sakanya,ayokong magtanong at lalong ayaw kong pagmulan ng away namin ang ex boyfriend nyang yun.Pero mahirap magpanggap na hindi ka apektado sa nangyayari at sa posibleng mangyari.
Kitang kita ng dalawang mata ko at rinig na rinig ng tenga ko kung paano ang naging reaksyon ni Lyrics ng makita nyang lasing na lasing ang dati nyang nobyo.Ako ang boyfriend nya pero nung mga oras na yun para lamang akong isang sponge absorb lang ng absorb ng mga nasasaksihan at naririnig.
[FLASHBACK]
Patakbong papunta si Lyrics sa exit ng bar na ito.Sasalubungin ko na sya dahil nasa iisang direksyon lang kami,bale papunta ako sya naman palapit.
"Babe?"-bati ko na may ngiti
Sa hindi malamang kadahilanan,tumingin lamang sya sa akin at dun ko napansin na tila may mga luha ang kanyang mga mata.
" Babe whats wrong?"-tanong ko
Pero nagpatuloy lamang sya sa pag lalakad ng tyempong magkadikit na kame tinangka kong hawakan ang kanyang kaliwang kamay ngunit kinabig nya ang kamay ko,at nagpatuloy sa paglakad.Nabigla ako sa nangyayari kaya minabuti kong sundan sya ng marinig kong tinatawag ako ng kaibigan ni Lyrics na si Roan.
"Ram?sandali yung bag ni Lyrics nasa back stage pa."-roan
Ngunit tinignan ko lamang sya at nagmadali muling sinundan si Lyrics.Nang malapit na ako sa kinaroroonan ni Lyrics,napansin ko na may dalawang bouncer ng bar na ito na may akay na kay isang lalake na sa tingin koy nasobrahan yata sa ininom at mukhang miserable ang hitsura.May kasama rin itong babae na pamilyar ang mukha.Hanggang sa marinig ko na magsalita si Lyrics.
" Okay lang ba si Tristan?."-lyrics
Napatingin ako kay lyrics.Tama ba ang narinig ko?Pangalan ba ng dati nyang boyfriend ang binanggit nya?Tumingin muli ako sa lalakeng akay akay ng mga bouncer.At duon ko napagtanto na si Tristan pala ito.Ang exboyfriend ng girlfriend ko kaya pala pamilyar ang mukha nya at ng babaeng kasama nya.Si hikari pala, ang bestfriend ni Tristan.
"Kanina mo paba nakikita si Tristan na parang tanga dun sa stage na nagkakakanta?ni hindi mo man lang nilalapitan para naman hindi sya nagmukhang tanga sa mga tao?"-hikari
Nakatingin lamang ako kay Lyrics sa mga sandaling ito,nagaantay ng isasagot nya,patuloy rin sya sa pag iyak.
"Hindi ko kayang lapitan sya."-lyrics
Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni Lyrics,ano bang nangyayari sakanya?gusto kong sumingit sa usapan nila pero hindi lumalabas sa bibig ko ang gusto kong sabihin.
" O?talaga?bakit nandito ka sa daraanan namin?kala ko ba hindi mo sya kayang lapitan?"-hikari
Nagpatuloy lamang si Lyrics sa pag iyak pero halata skanyang pinipigilan nya ang pag patak at pagkabasag ng boses nya dahil sa walang tigil na pagluha nya.Hindi ko na kayang makitang umiiyak ang girlfriend ko na sa kadahilanang kahit akoy hindi ko alam kayat minabuti kong hatakin syang palayo ngunit sa pangalawang pagkakataon tinabig nya muli ang aking kamay at bahagya nya akong tinulak,sanhi para akoy mapalayo sakanya ng kaunti.
"Gusto ko lang malaman kung okay sya?"-Lyrics
Tinitigan ko maigi ang reaksyon ng mukha ni Lyrics.Bakas na bakas dito ang hindi maipaliwanag na emosyon?Ano bang ibig nyang sabihin?ano bang nararamdaman nya at bakit nya ito kailangan pang sabihin sa kaibigan ng exboyfriend nya.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.Para akong sasabog sa kinatatayuan ko.Ano? bakit ganito ?ang nakikita kong kilos kay Lyrics?.Hindi kaya?
BINABASA MO ANG
Broken Promises (COMPLETED)
RomansaPangako? May mga tao pa bang tapat sa mga binibitawan nyang pangako? Paano kung yung taong inalayan mo ng mga ito ay committed na sa iba? Kaya mo bang panindigan pa ito hanggang huli?Aasa ka pa rin ba na matutupad mo ang pangakong sakanya'y ipinanga...