CHAPTER 5: WITH YOU

9 4 0
                                    




CHAPTER 5: WITH YOU







NEXT MONTH LATER





THIRD PERSON'S POV









Mag iisang buwan ng nasa El Nido si Mark, mag iisang buwan naring mag kasama sina Novva at Denzel, Dahil ayaw nitong mag isa lang ang dalaga, Hindi nya alam kung bakit ayaw nyang nakikita itong malungkot at mag-isa parang gusto nyang palagi s'yang nasa tabi nito.



Ilang beses nadin silang lumabas para kumain, O di naman kaya'y sinasama n'ya ito sa mga taping nya pag Vacant ang dalaga, Hindi alam ng asawa ni Den ang tungkol sa pag lalabas nilang dalawa, Pero kilala nya si Novva na nililigawan ni Mark na pinsan ni Denzel.



Lahat ng lakad ni Novva o team building na titatrabahuan nya ay sya ang nag hahatid sundo dito, Kaya nagiging close na sila sa isa't-isa.






Hindi alam ni Denzel na tumitindi na ang nararamdaman ni Novva para sa kanya, Hindi na alam ng dalaga kung ano ang gagawin, Dahil kung ang ibang tao makakakita sa kanila hindi mag kaibigan ang mga kilos ng lalake para sa kanya, nararamdaman n'yang higit pa doon.



Lagi n'yang iniisip na wala lang 'to sa kanya, na para  lang 'to sa Pinsan n'ya.



Bukas naka schedule na pupunta sya sa Cavite para bisitahin ang mga magulang n'ya at lolo't lola nito.








"Ihahatid kita bukas sa Cavite, Tutal may dadaanan din ako sa may Tagaytay"  Kanina pang pag pupumilit ni Denzel kay Novva


Nasa isang Japanese restaurant sila ngayon nag hapunan, Niyaya nya ang dalagang kumain sa labas.





"Ahh, Den wag na kaya? Nakakahiya na kasi ehhSagot ng dalaga sabay inom ng pineapple juice





"Haha grabe ah ngayon kapa nahiya? Novva, parang hindi tayo mag kaibigan, Ang lapit lang din ng Cavite, kaya sige naPag pupumilit ulit ni Den sa dalaga



Ngayon ay hindi malaman ni Novva kung malulungkot dahil kaibigan lang talaga ang tingin sa kanya ng lalake o magiging masaya dahil nag pupumilit ito, Andami na n'yang tanong sa sarili kung bakit umaasa s'ya na may nararamdaman si Den sa kanya, Pakiramdam nya tuloy malaki na ang kasalanan nya kay Mark.

Hindi naman sila, pero may isang parte ng puso n'ya ang tila nag paparamdam ng kirot, konsensya? o awa?




Sumagot na lang sya ng,

"Wag na Den, kaya ko naman na ang sarili ko"

Parang gusto nyang magsisi kung bakit nya sinabi yun, baka di na mag pumulit uli si Den.


AKO'Y DI PARA SA'YO [SHORT STORY] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon