WBT 1

15.5K 249 16
                                    

Brenda


Napatunayan ko mismo sa sarili ko na, hindi talino ang kailangan para umunlad ka. Para maging successful sa larangan na gusto mo at maka ahon sa hirap. Sipag at tiyaga, ayan ang kailangan. Pati na din ang ugali. Hindi ako makakarating kung nasaan ako ngayon kung hindi dahil sa sipag, tiyaga, at kagustuhan kong magkaroon ng magandang buhay kasama ang pamilya ko.

"Brian! Pumasok ka na at maligo! " sigaw ko sa aking kapatid na nag lalaro ng basketball kasama ang mga tropa niya.

"Opo ate! " tumira muna siya ng isa bago tumakbo papalapit saakin.

"Ayan, pawisan ka nanaman. Mag pahinga ka muna saglit bago maligo, maya maya lang ay dadating na si papa at sabay sabay na tayo kumain. " tumango siya at umupo sa sofa namin bago nag punas ng pawis.

Tinignan ko yung mumunting bahay namin, hindi siya gaano kalakihan at kaliitan. Sakto lang siya saaming tatlo at simple, simula nung naka graduate ako sa college ay wala na kong inaksayang oras, nag review ako ng mabuti kasama mga kaibigan ko para sigurado na one take ay makakuha na agad ako ng license and thank God i was able to do it with my Friends. Together, nag hanap kami ng trabaho at natanggap magkakasama. Sa apat na taon na nag tuturo ako ay ako na ang nag pa aral sa kapatid ko, sumasagot ng gastusin at ang pag papagawa ng bahay. Lahat ng ito pag hihirap ko, sa tutuusin ay kulang pa to. Nasa kalagitnaan pa lang ako na maahon sa hirap ang pamilya ko.

Sa susunod na buwan ay pang limang taon ko na bilang isang teacher, umalis ako sa dati kong school dahil gusto ko ng bagong paligid. Ayoko man dahil napa mahal na din ako sa mga students ko doon ay hindi ko maiwasan mainis sa mga ibang guro doon. Masyadong toxic at hindi rin maganda ang bigayan ng sweldo kumpara sa mga efforts ko kaya nag hihintay ako ngayon ng letter naipapadala na tanggap ako sa napili kong university. Nag dadasal na makapasa talaga at matanggap dahil ayoko magtagal nang walang trabaho kahit na ay may ipon pa ako.

"Ate, si papa naandiyan na! " sigaw ng kapatid ko habang nag pupunas siya ng basang buhok niya, pinatay ko yung gas stove at sinundan siya sa labas. Naka park na si papa ng jeep at bumaba na kasama yung dalwa niyang taga tawag ng pasahero. Kasama niya din ito sa pamamasada dahil minsan ay umaarkila yung dalawa ng ibang jeep. Isa pa yan sa pinag iipunan ko, ang makabili pa ng isang jeep para araw araw ay kahit 500 mayroon na pumapasok sa amin.

"Hi teacher! " masaya at kinikilig na bati nila saakin kaya napatawa ako at bumati din sakanila.

"Hoy Dadoy at Osset, huwag yang dalaga ko. " pag babanta nanaman ni papa sa dalwa bago binigyan nang pera.

"Liligawan lang naman namin, tatay Mark. " sabi ni Osset na may medyo katabaan, si Dadoy naman ay matangkad ngunit payat. Mag kaibigan yung dalwa pero mag ka iba ng hugis.

"Hindi pwede! " iiling iling din na sabi ni Brian dito at tumabi pa saakin na para bang tinatago ako.

"Oh siya! Umuwi na kayo at bukas ay sasabak nanaman tayo sa kalsada. " pag papaalis ni papa sa dalawa kaya tumango ang mga ito.

"Sige po tatay Mark, paalam na sainyo! Lalo na sayo binibining Brenda! " sabi nung dalwa at may pag kindat pang nalalaman.

"Sige ingat! " sigaw ko at kumaway.

"Yihii! " nag tulakan yung dalwa at nag unahan sa pag takbo, iiling iling kami pumasok at dumiretso sa hapag kainan. Nag handa na ko habang sila ay naka upo na.

"Pa, mukhang pagod na pagod kayo ah. " pansin ni Brian habang nag lalagay ng mga kubyertos.

"Oo e, kailangan dahil para sulit yung gas. Ang mahal mahal e oonti ang mga sakay namin minsan. " na momroblemang sabi ni papa kaya nung maka upo ako ay ako na ang naglagay ng kanin at ulam sa plato niya.

"Pa, sabi ko naman sayo na tumigil ka na diyan sa trabaho mo e. Kaya ko naman kayo buhayin. "

"Anak, ayoko naman na ikaw lang ang gumagastos dito. Hayaan mo na ko kahit ako na ang mag bigay ng baon kay Brian at saakin ka lang manghihingi ng pera ha Brian. " nakatingin na sabi ni papa sa bunso namin, tumango lang ito at sumubo.

"Huwag mo naman aabusuhin Brian, pagkain at school related lang. Pag ako nalaman laman ko yan na ginagamit mo sa computer shop nako! " pag babanta ko dito at umiling iling.

"Ate naman, sa com shop nga ako gumagawa ng mga project ko e. " pag dadahilan niya.

"Ayun okay lang yun, basta huwag mo gagamitin yun sa iba ah. Baka malaman laman kong nag cucutting ka at naglalaro ng kung ano ano. " tumango siya at ngumiti. Mabait at masunurin si Brian kahit na may katigasan ng ulo, para saakin ay normal naman yun dahil sa age niya pa lang at dahil lalake na din. Mabuti na lang ay with high honors etong kapatid ko, sana lang ay mapag patuloy niya yun sa susunod pa. Grade 7 na siya sa pasukan.

Ako naman ay nakapag tapos nga pero walang honors o ano, simple lang akong isang tao at hindi babagsakin. Sakto lang din yung grades ko, hindi siya pasang awa pero kahit ganoon kung mag turo ako ay buong puso ko ang binibigay ko at sinisigurado ko na lahat ay nakikinig at nakakasunod.

"Oh may tao. " pinatayo ko si Brian upang tignan kung sino yung kumatok. "Ate, sina kuya Var at ate Lindsey! " tumayo na ko dahil tapos na rin kami kumain, pumunta kami sa sofa dahil naandun yung mga kaibigan ko.

"Magandang gabi po tatay Mark. " nag bless silang dalwa bago umupo.

"Anong ginagawa niyo dito? Naka kain na ba kayo? "

"Ay opo! " sagot nilang dalwa. "Naandito po sana ako para manligaw sa iyong unica hija. "

Lindsey Cruz, ang aking matalik na kaibigan simula highschool. Simula nun ay hindi na kami nag hiwalay. Varic Mendez, kaibigan at masugid na man liligaw ko nun simula college pero lagi akong humihindi dahil hindi pa ko handa. Kung iibig man ako, gusto ko yung sigurado at may nararamdaman talaga ako dun sa tao. Teachers din sila at parehas na school ang gusto namin pasukan maliban kay Var dahil gusto niya kasama ako at bantay ako lagi para daw walang magtangka na ligawan ako, minsan napapa isip ako tatanda akong dalaga nito dahil kay Var.

"kay Brenda pa rin ang desisyon Var, susuporta lang ako sakanya. " simpleng sagot ni papa na ikina ngiti ko.

"Tumigil ka Var, bakit nga pala kayo naandito? " tanong ko at tumabi kay lindsey, may kinuha lang siya saglit sa pouch niya at binigay saakin.

Isa siyang envelope, nung baliktarin ko ay halos lumundag yung puso ko at napa talon. Bigla ko tuloy siyang yinakap pati na din napa tili. "Totoo ba to? "

"Buksan mo, meron din kami. " medyo na excite ako dahil may tatak ito ng Sun High University o SHU. Isa sa mga sikat na unibersidad dito sa pilipinas. Pagka bukas ko ay inunfold ko yung letter at binasa ng malakas yung importanteng part.

"We would like to inform you that you passed and welcomed you now as a part of the faculty members in Sun High University this upcoming school year as a Chemistry and Physics teacher of senior high school and an adviser of STEM 12-A. " basa ko at tumalon talon bago yinakap sila Brian sa sobrang kasiyahan na nararamdaman ko. Gusto ko sa school na ito dahil dito ko gustong mag aral dati bukod doon ay malaki pa sweldo at kompleto yung mga gamit.

"Grade 12 pala advisory mo, kasi kami Grade 11 e. " last advisory ko is grade 10 kaya feeling ko mahihirapan ako mag adjust, okay lang yun basta kakayanin ko. HUMSS 11-B si Var at si Lindsey naman ay ABM 11-A. Hindi ko naman inakala na magkaka advisory kami dahil bago pa lang kami.

"Galingan niyo sa trabaho huh, pag butihan niyo. " natatawang sabi saamin ni papa na ikina tango namin.

Thank God, this is a huge opportunity for me. Hindi na ko mamomroblema sa pag bubudget ng kailangan namin sa bahay.

Again, I'm Ms. Lauretta. I am now a math teacher at Sun High University, I hope I will have a peaceful and happy year at SHU.

––


We between themTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon