WBT 4

7.6K 192 2
                                    

Miracle

Dalwang linggo na ang nakakalipas, natagpuan ko na lang sarili ko na laging naka tunganga kay Ms. Lauretta. Yung mga nilelesson niya hindi ko maintindihan kaya lagi akong humihiram ng notes kay Paco saka ako ng seself study sa subject niya, nag tataka tuloy si mama kung bakit daw ako nag aaral sa bahay e hindi ko naman daw yun gawain saka bakit iisang subject lang daw nirereview ko. Minsan chismosa din tong si mama, mali mali pa nakukuhang balita e dalawa kaya nirereview ko. Chemistry at Physics, siya din kasi pala Physics namin saka bobong bobo ako dito sa Physics.

Kaya pati ako na weweirduhan na sa sarili ko na nag eeffort ako and that's not good.

"Bwiset! " napa alis ako ng earphones ko ng dumating sina Dwade at Paco dito sa tambayan namin sa school, maganda kasi dito. Mahangin na, maganda pa ng view at tahimik. Umiingay lang dahil saamin.

Napa taas ako ng kilay sa inaakto ni Dwade kasi naihagis niya yung bag niya saka ginulo yung buhok. Kay Paco naman ako tumingin na parang naawa sa kaibigan namin at naasar din.

"Anong meron? " naguguluhang tanong ko.

"Si Marissa kasi. " sagot ni Paco na mas lalong kinagulo ng isipan ko, anong meron kay Marissa? Alam naman namin ni Paco na itong si Dwade ay may gusto kay Marissa simula una at for the first time, nainis siya dito kasi puro pagpapantasya ang alam nito.

"Sinagot na si kupal. "

"Ano!? " putangina, nahihibang na ba si Marissa? Sa dinami dami ng lalake, sa dinami dami ng manliligaw niya. Yung kupal pa talaga na iyon yung napili niyang sagutin? Wala bang ka taste taste si Marissa, taena e mas pogi pa sasakyan ko dun.

"Nasaan si Marissa? " naasar na tanong ko at tumayo na, nagsimula na ko mag lakad ng mabilis para hanapin siya o kahit si kupal. Sumunod naman sina Paco saakin, okay na din yun para may taga awat ako baka kung ano pa gawin ko kay kupal.

"Marissa! " sigaw ko dito kaya agad ito lumapit saakin at yinakap para pigilan ako, sakto naman na kasama niya si kupal. "Bitawan mo ko. " linayo naman nila Paco si Marissa saakin at agad lumapit kay kupal.

Time for a show. Matagal tagal na din yung huling suntok ko.

"Mira! " sigaw ni Marissa ng sikmuraan ko si Carlos, ang lalaking galit na galit saakin at naiinggit kung anong meron ako. Sabagay, yung mga gusto niya kasi napupunta saakin na hindi ko inaasahan. Mabuti nga lang ay walang gusto saakin si Marissa kung hindi ay pati siya naagaw ko na, i take my relationship seriously pag kaibigan ko na ang involved. Susugod din dapat si Dwade ng hilain siya ni Paco at pinigilan, buti na lang malakas tong si Paco at napipigilan niyang lumapit yung dalawa kahit nag iisa lang siya. Hinila ko yung collar ni Carlos at tinapat sa mukha ko.

Baho naman nito potek.

"Subukan mong saktan o pagbuhatan ng kamay yung kaibigan namin, ikaw ang malalagot saamin. " pagbabanta ko dito.

"Scary, Rances. " pang aasar pa rin niya kahit nasasaktan na siya sa pagsuntok ko.

"You should Hernan. " susuntukin ko pa dapat sita ng  may sumigaw sa harap namin.

"Ms. Rances! " there she is, Ms. Lauretta na gulat na gulat sa nakita niya. Tinulak ko si Carlos at umalis na doon kasama sina Paco.

"Anong pumasok sa utak mo at sinagot mo yung kupal na yon!? " tanong ko kay Marissa ng makabalik kami sa tambayan.

"I love him Mira. " simple niyang sagot na ikinatawa ko.

"Love? Are you sure with that? " natatawang tanong ko.

"Yes, palibhasa you don't know the word and the feeling of 'love'. " and that shoot me, love? Wala yun sa buhay ko.

"Mari. " pag saway ni Paco kaya parang natauhan si Marissa, mag sosorry na dapat siya ng may mag salita.

"Excuse me, may i talk with you Miracle? " it's Ms. Lauretta, who else. Sumunod siguro siya saamin dahil parang hinihingal ito, ang bilis pa naman namin maglakad kanina. Pinasunod niya ko sa kung saan man. Nasa unahan ko siya habang nag lalakad. That sexy legs of her and body is just so perfect. Pumasok kami sa classroom, at pinakatitigan niya ko.

and that makes my heart beat fast. What the heck is that? Her stare has something.

"What's that Miracle? "

"Oh, sinuntok ko lang siya. No big deal. " easy kong sabi at ngumiti ng nangangasar. Hindi naman talaga siya big deal sa iba pero kasi bago siya kaya ganito inaakto niya. Normally, titignan lang ako ng mga teachers at sesenyas na pumunta guidance and that's it.

"No big deal? You just punch someone. " nagagalit na sabi nito saakin at umupo sa table niya tila ba na sstress.

"That's nothing to me. Look, Miss it's now new. " napa tawa siya ng hindi makapaniwala at umiling iling pa.

"Tama nga yung mga co teachers ko, akala ko mabait ka and well discipline and well mannered person but you're not. I was wrong. " seryoso niyang sabi habang nakatingin saakin at naka crossed arms. "You dissapoint me. "

Napa ngiti naman ako dun at umiling iling. "You will see more Ms. Lauretta, i'm not that student you expected. I'm a trouble maker. " tumango na lang ako bilang pagtatapos ng usapan namin at umalis na. "Oh one more thing, i am well educated naman po. "

That's it. I disappoint everyone. Wala naman bago, kung ano gusto nilang tingin saakin ay hinahayaan ko na lang. Wala naman silang ambag sa buhay ko.

Imbis na bumalik sa tambayan ay pumunta ako sa kotse ko at napag desisyunan na wag na lang umattend ng  susunod kong klase, uuwi na lang ako.

Para akong napag kakarerahan sa highway, buti na lang walang pulis ngayon at mas mabilis pa ang nagagawa ko.

"Guess who's here, apo. " natutuwang salubong saakin ni lola, yung pag ka bad mood ko is nawala yung salubungin ako ni lola at makita yung ngiti niyang na excite.

"Hmm it's... Nobody? " sumeryoso yung tingin niya saakin at hinampas ako. "I'm just joking grandma, now who's really here? " natatawang tanong ko dito.

"Oh my gosh Xyli, you just ruined grandma's good mood. " natatawang sabi ng pinsan ko sa mother side ng maka labas siya sa mansion.

"Hey! " yinakap ko siya agad ng makalabas siya. It's Amber Yvette Mendoza–Moraleda. Sila lang dalwa ni lola yung kakampi ko sa pamilya na to, mas natuto akong pahalagahan si Amber nung mga bata pa kami. Pagkatapos nung saktan ko si Amber sa sobrang galit ko, she still accept me even if that make her traumatized. That makes me more guilty kapag naaalala ko yun, hindi ko ma control sarili ko nun.

"Sinabihan ko nina mommy na dumalaw muna dito bago umuwi sa condo. "

"Next week pa ba pasukan niyo? " tanong ko nung maka upo kami.

"Yup, kagagaling ko lang din sa province. May dala pala ako diyan na mga prutas galing Hacienda at sabi na din ni Daddy tinabi daw niya talaga yun para sainyo. " natutuwang sabi ni Amber habang pinapanood si lola na ilabas isa isa yung mga prutas, halatang bagong pitas pa lang at matatamis.

"Thank you, Amber. "

"You're always welcome Xyliana, you want to drink? " nabuhayan naman ako ng dugo dun.

"Kilalang kilala mo na talaga ako, bukas ka na umalis. " tumango naman siya at kinindatan ako, dali dali kaming tunaas at pumunta sa mini bar ng bahay.

––

We between themTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon