WBT 5

6.9K 213 10
                                    

Miracle

Alam niyo yung feeling na nakakawalang gana na mabuhay? Wala kang will to live. Walang kwento yung buhay ko, yung araw araw ko na sinasayang lang. Paulit ulit na lang naman ang nangyayari.

Walang makabuluhan na nang yayari at walang ka excite excite. I always said na it would be exciting but nah, hindi pala.

"Do we really need to talk about this again and again!? " naaasar na tanong ni daddy habang problemadong binagsak yung case niya sa sofa at ako naman ay padabog na umupo.

Anong  nangyari? Ano pa ba, edi nakasali ako sa isang away at suntukan nanaman. I got into fights again and again, they want it pinag bibigyan ko lang sila. Sa totoo lang ay pwedeng pwede na kong ma drop out sa University pero hindi nila kaya dahil ma impliwensiya at mayaman ang pamilya ko.

Money is always the answer.

"Hindi ka ba nahihiya sa mga pinag gagawa mo!? " naiinis na tanong niya saakin kaya umiling ako bago ngumiti. Masasabi kong nainis siya lalo sa ngiti ko kaya nasuntok niya ko sa labi.

"Alexander!! " sigaw ni grandma mula sa kusina habang papunta dito na halatang ma disappoint sa nakita niya. "Anong klase kang ama Alex? Hindi ka namin pinalaking ganyan. " naiilang na salita ni mama.

"I do it for a reason mama. Kung hindi siya madala sa salita, idadaan ko na sa physicalan. "

"Ni minsan hindi ka sinuntok ng papa mo Alex tapos ikaw nagawa mo sa sarili mong anak at babae pa!? Nakakahiya ka, isa ka pa namang judge Alex. " naiinis na din na turan ni mama.

"Ma, sinisira niya ang apilyido natin at imahe. Isa akong judge, isang attorney si Xavier at isang congresswoman si Susan tapos etong isa to na wala pang napapatunayan–"

"Stop. " naiinis na sabi ko, sa lahat pa namana ang ayoko is yung pinapamukha saakin na wala akong mararating dahil sa ugali ko. sa inaakto ko ngayon, sa pagiging pabaya ko.

"Just like you dad, i have a reason. " simple kong sabi saka umakyat sa kwarto ko. Bastos na kung bastos pero alam ko naman ang sasabihin nila. Paulit ulit na lang.

"You need to change Miracle. "

"Hindi ka namin binuhay at pinag aksiyahan ng panahon, pera at luha para lang maging ganyan ka. "

"Be mature enough. "

"Act like a young lady you suppose to be. "

"Xylin. " katok nung pinsan ko mula sa pintuan ng kwarto ko. "Hey, papasok na ko. " sabi nito saka dahan dahan na binuksan yung pinto at sinara iyon ng makapasok na siya.

"Alam kong gising ka Xy kaya bumangon ka na diyan kasi malalate ka. " hinampas niya ko ng unan kaya umingit lang ako bago umayos ng higa ulit.

"Suspended ako Amber, manahimik ka. "

"Duh, kailangan mo pa din pumasok Xy. May papagawin daw saiyo o gusto mo dagdagan yung suspension mo noh? " halatang nangangasar yung boses niya kaya napilitan akong tumayo sa pinakamamahal kong kama saka hinampas siya ng unan.

"Mr. Ancheta! Anong sabi ko sayo!? Diba sa GYM ka naka assign hindi dito sa science lab!? " inis na sigaw ni Ms. Rina kay Dwade.

Nasabi ko na ba sainyo na sobrang ganda at hot ni Ms. Rina kapag nagagalit?

"Ay sorry mam. Punta na ko dun, bye Mira! " napangisi ako sa kagaguhan nitong kaibigan ko kaya tumango na lang ako. Pagka alis ni Dwade ay napa iling na lang si Ms. Rina.

"Na sstress ako sainyo! "

Natatawa akong pinagmasdan si Ms. Rina habang palabas ng laboratory, susundan ata si Dwade baka kung saan nanaman pumunta imbis na sa Gym.

Wala na kong nagawa kung hindi napa buntong hininga at simulan yung paglilinis ng buong lab. Ang laki pa naman nito at ang lapad. Tatlo ngang housekeeper ang nag tutulong tulong dito tapos isa lang ako gagawa nito?

Kagaling.

Wala pa ko sa gitna nang may pumasok sa lab.

"Miss Lauretta. "

Matagal tagal na din nung huli kaming nakapag usap na kami lang dalwa, madalas sa klase na lang tas minsan pa nga ay natutulog pa ko sa klase.

Napabuntong hininga siya bago dumiretso sa pakay niya, ako naman ay tinuloy na din yung pag lilinis baka abutin ako ng gabi dito.

"Ikaw lang maglilinis ng buong lab? " tanong niya kaya sumagot ako ng oo, naandun siya sa mga test tube na kakatapos ko lang punasan. "This is too big, kaya mo ba tapusin to ng isang araw lang? "

"I don't know, hopefully. "

"What made you think to go in a fight again? " tanong nito habang kumuha ng pamunas at nag punas na din.

"They hurt someone kaya lang kami napalaban ng kaibigan ko, ayaw naman namin na panoodin lang. " sinabi ko yung totoo, sana lang ay maniwala siya.

"Suntukan? Sakitan? Physikalan? Do you think that's the best way to protect someone? To help them? " tanong niya na ikinatigil ko, nakikipag sakitan ako at sumasali sa bugbugan for a reason. Hindi ako yung tangang sumasali na lang para maging cool or what. Kung may sinaktan ka physically, you deserve to be in that pain too.

"Yes, wala akong na encounter na usapan lang ang nangyari. " that's the truth. It's either na usapan muna bago suntukan o suntukan muna bago usapan. Kahit nga sa loob ng korte, hindi maiiwasan ang may mag suntukan, pabilisan na lang mang awat.

"Sabagay, you have a point pero as long as possible Miracle. " onti onti siyang lumapit saakin at binaba yung pamunas bago hinawakan yung kamay ko. "Iwasan mo please. Remember what i said on our first day? This is your last year being in highschool so make it memorable and happy one. " seryoso niyang sabi.

"Ang ganda pa naman ng kamay mo pero puro sugat. " dagdag niya, hindi ko alam sasagot ko dahil hindi siya sa kamay ko nakatingin kung hindi saakin.

"May i ask you Miracle, i want an honest answer.  " seryoso niyang sabi at hindi pa din inaalis ang mga mata niya saakin. "What's your question in life? Ano sa tingin mo kulang sayo? Ano yung palagi mong naiisip? "

"Purpose. Purpose to continue my life. " I said honestly. Sometimes, i just want to die kase parang wala akong purpose o role sa mundong ito. I feel so lonely and sad, knowing everyone is eager to persue something in their life. Samantalang ako, wala. Kaya i intend to do things na hindi gusto ng iba.

––

We between themTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon