WBT 8

5.7K 175 4
                                    

Miracle

Pumasok ako ng maaga dahil ayun din bilin saakin ni kuya Xavier kung ayaw ko daw pagalitan at makatanggap ng sandamakmak na sermon nina mommy at daddy. Dahil maaga nga ako, napag pasyahan kong pumuntang cafeteria at kumain doon tutal wala akong breakfast.

Ine enjoy ko yung pagkain kong sandwich at yung paligid dahil walang tao naandito ngayon plus mahangin pa ng may mapansin akong pumasok.

"Ms. Rances? Nice to see you here huh. " natutuwa niyang sabi ng makalapit siya saakin. She's full of sexiness and lots of beauty today, damn. Sumenyas siya dun sa babaeng nag titinda at tumango ito bago umupo sa harapan ko.

"Did you ask? " mataray na pagkakasabi ko pero ngumiti lang siya, well a good start for today.

"Oh sorry, pwede maki table? "

"Wala na kong magagawa, Ms. Lauretta naka upo ka na." iiling iling na sabi ko dito at ito din ang pagdating ng pagkain niya. Katulad lang din siya saakin na sandwich at coffee.

"So, galing ka pala sa pamilyang puro Lawyer. " pag sisimula niya, i know she's trying to make a conversation with me kaya tumango na lang ako. I still respect her as our teacher. "but why do you choose to take STEM? "

"because i don't want to be like them. " lagi yan tinatanong saakin since nasa pamilya na namin ang pagiging lawyer, para bang nasa dugo na namin iyon at para bang pagka panganak pa lang ay ito na ang kapalaran namin. Tipong wala ka ng choice kung hindi mag take ng courses related sa pre-law and right after sasabak ka na sa law pero ibahin nila ako buhat ko naman ito kaya dapat wala silang say.

Bata pa lang, tinuturuan na kami kung paano dapat umakto, kung paano sumagot, kung paano tumindig, kung paano ipagtanggol at kung ano ano pa kaya nung namatay ang lolo ko dahil sa pagiging judge, ayoko na. Ayoko isakripisyo ang buhay ko para lang doon pero mas nananaig pa din ang dugo. Although we love helping people, to help the fight for justice they deserve, hindi ko pa din mapigilan na mangamba sa kaligtasan namin lahat.

"Gusto kong maiba sakanila. " tumango lang siya pero alam kong may gusto pa siyang sabihin. Alam kong gusto niyang makipag talo at hindi siya convince sa sinabi kong dahilan. Kita naman sa mga mata niya kaya parang ang dali dali niyang basahin e.

"Another one, It's about your grade. "

"What about my grades? "

"Start pa lang ng klase Miracle and you're failing. As your adviser, i want to help you since it was not too late. You can redeem yourself, pwede ka pa maka habol at hindi ako makaka payag pag hindi ka maka sama sa with honors. " mahaba nitong sabi saakin.

"With honors is nothing to do with me, ang importante saakin ay ang may matutunan. " i said wholeheartedly. "Saka makapasa. " dagdag ko pa na ikina ngiti ko. Ayoko naman masayang pera ng mga magulang ko no.

"You have a point Miracle pero walang masama if you strive for more, you can do more and better Miracle. I can see it, i trust you. " hinawakan niya yung kamay ko na nasa lamesa at pinisil ito. Tinignan ko yung kamay niyang naka hawak saakin bago sa mukha niya.

I don't feel anything or something on my stomach that is rumbling or running around na hindi mapakali or kuryente na dumadaloy saakin wala.

All i feel is comfort, i am comfortable na parang ayoko nang magka hiwalay ang mga kamay namin. Hindi ko ma explain basta iba siya. Para bang ang saya ng kalooban ko, ang hinahon ng loob ko, walang galit sa loob ko. Hindi ko na alam kung ano nararamdaman ko, nalilito ako.

"What should i do? " nanghihinang tanong ko.

"I will wait for you everyday after your last class in our room, Miracle. I will help you. "

Kanina pa tapos ang klase, hinintay ko muna makalabas ang lahat at saka ako lumabas dahil wala pa naman si Ms. Lauretta. Kumuha ako ng books at notebooks na pag aaralan ngayon at mag hahabol ng mga school works dahil ang dami kong hindi na take saka hindi napasa in different subjects.

Nang mabuksan ko yung pinto ng classroom ay bumungad saakin ang magkaharap na sina Ms. Lauretta at Mr. Mendez na sobrang lapit sa isa't isa kaya biglang napa urong si Ms. Lauretta ng makita ako. Gusto ko sanang irapan ang mga ito kaso wag na lang, nasa school pa din naman ako.

"Nakaka istorbo ba ko. " it's not a question, it was a pure statement.

"No, you're just right on time. " naka ngiting sabi ni Ms. Lauretta saka umupo sa upuan niya saka pasimpleng napalinok. Nasabi ko na ba sainyo na mainit dugo nitong si Mr. Mendez saakin, ramdam ko na may inis siya saakin. Why? I don't know too, baka na iintimidate. Wala naman ako ginagawa sakanya. Are you threatened, Mr. Mendez?

"Anong ginagawa niya dito? " tanong ng manliligaw ni Ms. Lauretta saka tinuro pa ako. Ang tanda tanda na, hindi ba siya tinuruan na masama manuro ng tao. Putulin ko kaya yang daliri mo.

"Extended class for her, request ni Judge Rances to the principal. " bigla namang kumunot ulo ko dun. Wala siyang binanggit na ganyan kanina sa cafeteria ah, nangenge alam nanaman si dad. Akala ko pa naman si Miss Lauretta talaga ang may gusto nito.

"Who is Judge Alexander Rances to you? " tanong nito saakin, lahat naman ata ng tao kilala si dad. Hindi lang basta Judge si daddy, napaka galing niya at siya ang nasa taas. Titingala ka talaga, dean din siya sa isang sikat na university na para sa mga iskolar ng bayan, this year ata ay may balak yun tumakbo as a senator. Marami pang hawak si dad, hindi ko na alam yun iba. Ni hindi ko alam kung tama pa ba ito.

"He is my dad, why? "

"Psh, may anak pa lang barumbado si Judge Rances hinahangaan ko pa naman siya. " komento nito na agad na sinaway ni Ms. Lauretta.

"I think you need to leave us Var, mag sisimula na kami. " mahinahong sabi ni Ms. Lauretta na naka tayo na ngayon sa gitna namin.

"Nah, hindi kita kaya iwan dito kasama yang barumbadong bata. " is he really a teacher? Napaka sama ng ugali at hindi tama para maging pangalwang magulang ng mga students.

Actually pede ko siyang isumbong sa principal or even the president of this university para mapatanggal siya, isang sabi ko lang wala na siyang trabaho. Oh even his license, bye bye License Practice Teacher. LPT no more.

"Lalabas ka o ikaw ang bubugbugin ko? "

"Tarantado kang bata ka ah. "

"Var! Please, iwan mo na kami dito. " tinulak niya palabas yung lalake na yun at linock bago humarap saakin.

"You should not said that, or even act like that. " may inis na sabi nito saakin.

"He shouldn't too, besides he's a teacher. I can took his license right now, Ms. Lauretta kaya umayos siya sa harap ko. " i said with full of authority. Eto ang gusto ko sa pagiging Rances, makapangyarihan ako. Saka totoo naman, yung ugali niya ay hindi pang teacher. Dapat lang din na wala akong respeto na maibibigay sakaniya.

––

We between themTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon