WBT 10

6.2K 175 5
                                    

Brenda

It was a great day at school, everyone is nice and participating in class. Last class ko na today sa advisory class ko, tumayo ako at naglakad lakad para makita yung mga sinasagutan nila if they really understand the lesson.

Nakakatuwa lang dahil lahat sila ay naka kunot ang mga noo, may nag tatanong at nag tutulungan. Meron din namang mas preferred ang solo dahil mas nakakapag focus yung iba pag ganun pero some of the class still want a partner to help and work with.

Nang nasa likod na ko banda, i noticed someone na natutulog. She is leaning against the wall, head and arms are in her table. She is peacefully sleeping with the cut on her lips. Napapa iling nalang ako, parang nung sabado lang ay maayos pa ang labi nito at nahalikan ko pa pero ngayon may sugat na.

"Miracle.." banggit ko dito habang nakatayo sa harap niya, mahina lang pagkakasabi ko dahil ayoko makatawag pansin. Inulit ko ulit ang pag tawag dito at hinawakan siya sa braso para dahan dahan na yugyugin hanggang sa mag ring na ang bell.

"Okay, class. You can take that as an assignment. " sabi ko kaya lahat sila sumilay ang tagumpay na ngiti, nag paalam na sila at umalis ng room at syempre maliban dito sa natutulog at sa kaibigan niya. "You can leave now Paco, iwan mo muna kaibigan mo dito. "

"Ah sige po. " magalang na sabi nito at umalis na kahit parang labag pa sa kalooban niyang iwan siya dito. Pag ka sarado ng pinto, pinag masdan ko si Miracle na natutulog. Kung titignan mo siya, ang amo ng mukha at napaka ganda. Aakalain mo din na mahinhin ito pero lahat nang iyon ay kabaliktaran. Isa siya sa mga tarantadong estudiyante at nag papasakit ng mga ulo ng mga staffs dito. One of the boys lagi at laging napapa sama sa mga gulo. Sayang, kung babaeng babae ito kumilos siguro tatanghalin siyang Queen Bee ng school at lahat ng lalake ay naka sunod dito pero lahat ng lalake may gusto dito patago nga lang dahil takot din naman sila dito. Napatawa naman ako doon at napa iling. 

Napa mulat siya at pumikit pikit ng maramdaman niyang may nakatitig sakanya, humikab ito at nag inat bago tumingin saakin.

Cute.

"Sleeping in class is a minor offense, Miracle. " sabi ko dito, naka titig lang siya saakin with her eyes na half close pa hanggang sa pumikit na. "Miracle. " pagtawag ko ulit dito. "Get up. "

Napa buntong hininga siya at tumayo na bago isinandal yung noo niya sa balikat ko na ikina gulat ko.

"Miracle! " saway ko dito.

"I wanna kiss you again. " bulong nito saakin, sinusubukan ko siyang itulak pero ang bigat ng katawan niya ngayon. Pinakiramdaman ko kung mainit ba siya dahil baka may lagnat ito pero hindi naman.

"That kiss on your house is not right, Miracle. Forget it. " matigas na sabi ko dito na ikinatigil niya, lumayo siya at pinakititigan ako. Bigla tuloy ako na conscious at natakot sa mga tingin na pinupukol niya saakin.

"Not right? But you kiss me back? " inis na sabi nito.

"Because you make me kiss back. "

"What the fuck!? " inis na sigaw niya.

"Hey! " sakto naman ang pag bukas ni Var ng pinto ng room sa pag mumura ni Miracle. "Wow cursing in front of your teacher is disrespectful. "

"Entering a room without knocking is also disrespectful mister, simple etiquette you can't do it. " umalis na si Miracle at binunggo pa nito ang braso saka malakas na sinarado ang pinto.

"Alam mo, kung ako ikaw pina transfer ko na iyan sa kabilang section. " sabi ni Var habang naiinis na lumapit saakin. Naalala ko tuloy yung sabi niya saakin, lagi daw may pambato pabalik yung bata na iyon sakanya.

"I can handle her, Var saka matalino naman siya kaya hindi mahirap turuan. " sabi ko dito ng totoo.

"Pero yung ugali? Kamusta? F na Brenda. " na iiling na sabi nito saakin bago linapag yung dala dala niyang coffee. Var is doing good sa pan liligawa niya saakin, walang pinag bago. Puno pa din ng effort at pag sisikap. Kung tutuusin lang he is the dream guy of all gurls and ladies pero bakit hindi ko man lang kaya siya ibigin? Hindi ko kayang matutunan kung paano siya mahalin pabalik.

Naalala ko yung sabi ni tatay, huwag ko daw ipilit mahalin si Var kahit na botong boto siya dito dahil kung hindi ito ang isinisigaw ng puso mo hindi ka magiging masaya at hinding hindi mo malalaman ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal at hinding hindi mo mararamdaman ang totoong pag mamahal.

He also believe na God created us with a partner na naka tadhana talaga para saatin. We will just have to wait kase dadating din siya.

"Hindi ata siya anak ni Judge Rances, anak siya ng demonyo. " pag bibiro ni Var na ikinahampas ko.

"Bad, hindi siya masama kung tutuusin. She just need someone na makaka intindi sakanya, half half yung mga kaibigan niya and her kuya Xavier pero whole na makaka intindi sakanya ay wala pa. " pag eexplain ko dito. I just notice it sa 1 week naming pag one on one.

"But she's a grown up now, kung tutuusin e 2nd year college na dapat siya tapos ganyan pa ugali niya? Isip bata pa, walang maturity. " seryosong sabi ni Var na ikina tango ko, he hasa point naman. Wala pa nga akong nakikitang maturity sakanya, lalo na sa pag gawa niya ng desisyon.

Pero pag dating sa pag aaral, she is focus and determined now. Kailangan pa niya mag exert ng kaonting effort and goods na.

"She is loss and confused, Var. " sabi ko dito na iki na agree niya. Hindi pa niya nahahanap sarili niya, she's still discovering and adventuring.

At dapat pa niya ipag patuloy yun to find her self, i think i need to help her. Nararamdam ko, may nag pupush saakin. No doubts i will. Saka hindi ko maintindihan na para bang there's a force na nag lalapit saamin, para bang magnet katulad noon nung nasa library niya kami. Hindi ko rin matandaan kung bakit ako pumikit, lumapit, at humalik din sakaniya kahit alam ko nang mali. Hindi pa ko makapaniwala na nag initiate din ako after, i mean it feels good, her lips and the feeling. The feeling of comfort na sakaniya ko lang nararamdaman. Parang she's, she's my pahinga.

––


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We between themTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon