Miracle
Feelings. Love. Like. Or whatever it is, can make you feel crazy. Like you question yourself repeatedly and not believing your self after all you made an answer.
"What are you thinking? " tanong ni kuya Xavier sakin, naandito kami ngayon sa isang restaurant para mag dinner. Hinihintay namin ngayon yung asawa't anak niya bago e serve yung inorder niyang pagkain. Nakatitig lang ako ngayon sa glasswall na basa dahil sa ulan.
"Nothing. " napabuntong hininga siya at nag tumitig saakin.
"I heard na, na involve ka nanaman sa away. "
"Nothing's new. " simple kong sabi na ikinatawa niya. "Always. "
"You can fight for justice in other way, Xylin. Hindi na ko magtataka kung mag lalawyer ka. " naka ngiti niyang sabi.
"STEM kinuha ko kuya, wala siyang connect sa pagiging lawyer. " iiling iling na sabi ko dito.
"Wag mo ko lokohin, pwede ka pa din mag take kahit anong courses sa college. " ngisi nito saakin saka umiling iling.
"Then anong gusto mo? " salita niya ulit, napatingin ako sakanya at napatitig. This is the first time in five years, ngayon niya lang ulit ako tinanong.
"I want to be a doctor, gusto kong maiba sainyo. " sincere na sabi ko dito, ang lagi kong sinasabi sakanya is gusto ko maging lawyer katulad nila.
"That's nice but choose the one you really want, hindi yung gusto mo lang maiba. "
"Tita Xylin! " napatigil kami sa pag uusap nung may tumakbo papalapit saamin at yinakap ako, hindi ko tuloy alam kung yayakap din ako o hindi since i don't do skin ship. "I miss you, tita! "
"Xeno, dahan dahan baka nasasakal tita mo. " awat ni ate Lori na ikinatawa ni kuya. Xeno Scarlo Rances, pamangkin ko at Atty. Lori Rances, asawa ni kuya na isang lawyer din.
"That's okay, sige lang Xen yakapin mo pa si tita Xylin. " sinamaan ko ng tingin si kuya habang pasimpleng inaalis yung yakap ng pamangkin ko. Don't get me wrong, i love this boy but i do not do skin ship and i am not a fan of that.
"Xav. " pag babanta ni ate Lori at tinignan ako ng mapag pasensiya, nguminiti na lang ako at buti na lang pinatigil na niya si Xeno saka sinerve yung mga pagkain. Tag iisang malaking plate na meat yung inorder ni kuya saamin at dalwang bowl ng salad.
I mentally say 'yay' to myself because i really really need to eat meat, nawawalan ako ng energy sa training dahil sa gulay na pinapakain saakin ni mama at ni Amber. Vegetarian kasi.
"how's school, Xylin? " tanong ni ate Lori habang nag hihiwa nung meat niya.
"Fine ate. "
"Suntukan at it's finest. " natatawang sambit ni kuya Xav habang nainom ng wine.
"Sana lang ay hindi matulad si Xeno sainyong dalwa. " tumingin ako sa batang katabi ko na busy sa kakakain.
Pagkatapos kumain ay sinamahan muna ni ate Lori ang anak niya sa classmate niya na naandito. Bigla ko tuloy naalala yung feelings na naramdaman ko kanina, hindi naman ata masama na magtanong ako kay kuya.
"Kuya. " pagtawag ko dito habang inuubos namin yung salad kaya tumingin siya saakin. "How do you know you have feelings for ate Lori? "
Napatigil naman siya pagnguya at tumawa ng nangangasar. "Ano ba kuya, seryoso ako. " naiinis na sabi ko dito. "Hindi ka ba masaya na after 5 years nag tanong ako sainyo about ate Lori? "
"Well, masaya but i think behind that question is something you... you know nararamdaman mo din na hindi ka sur–"
"Wag na nga. Wag mo na sagutin. " pagtataray ko dito.
"Joke lang to naman, hindi mabiro. Simply, i kiss her. " ngingiti niyang sabi.
"You kiss her? "
"Yes I kiss her directly on her lips. " is it too rude to kiss someone?
"and then? "
"I feel those magical feelings, comfortable ako sakanya, my heart told me that she is the one. Plus true love never fails and never gonna go. "
"Then, we always kiss because we can't forget that feeling. Ang sarap sa pakiramdam nun hanggang sa you know at nabuo si Xeno. "
Xeno is 5 years old, 3 years silang kasal so nauna si Xeno bago sila makasal. So pag hinalkan ko ba si Ms. Brenda maramdaman ko din yung sinasabi ni kuya na feeling? Hindi niya kaya ako masampal or ibagsak sa subject niya dahil sa bigla biglaan ko siya hinahalikan?
Wait wait, first of all bakit ko pinoproblema toh? Why do I look interested in love? The last time I checked wala akong pake dun and I don't even think of being in love.
"Yieee dalaga na kapatid ko. " kinikilig na sabi ni kuya kaya napa roll eyes ako.
"Gago, hindi. Never, hindi ako interesado. " Pag mumuktol ko at sumandal bago uminom nung wine. Buti na lang pinayagan ako ni kuya uminom ngayon, well it's good for the heart and mas gusto ko ito kaysa sa ibang alak.
"Hay nako, Xylin. You can't stop love, even if it's not the right time it will come. Hindi mo yan mapipigilan, you just need to accept it and keep it or else mawawala siya sayo. "
"Whatever, i just gonna shoo h–" i stopped, don't know what to say. Her or him?
"Tita Xylin, can you go with me in the cr? " tanong ni Xeno na ikina ngiti ko, you just saved me baby Xeno!
"Of course. "
"Mauna na kami sa sasakyan, sumunod na kayo okay? " instruct ni kuya na ikinatango namin, hinayaan ko pumasok si Xeno sa boys rest room at ako naman sa girls. Mag hintayan na lang kami kung sino mauna since he knows it already.
Natapos na ko lahat lahat at nag hintay sa labas ng restroom.
"Miracle? "
"Ms. Brenda. "
"Anong ginagawa mo dito? " parehas naming tanong na ikinatawa niya, i just fucking smile.
"I have a date with Var, sayang naman effort nasa mamahaling restaurant pa. " tumango na lang ako at ngumiti. Nabanggit ko ba sainyo na naka short shorts pa din ako at jacket. Siya naman ay bihis na bihis, mukhang umuwi muna siya saglit para makapag palit.
Actually wala akong pake sa suot ko, restaurant naman to ng pamilya ni ate Lori at kilala naman siya ng lahat so walang nangangahas na tarayan ako. This is what i don't like being in fancy restaurant.
"Ikaw? "
"Waiting for someone. " napa 'ohh' na lang siya habang tumango, tahimik ang bumulot saamin.
Bigla ko tuloy naalala yung sinabi ni kuya kanina. "I just kiss her. "
Kiss her. Kiss her, Xylin. You need to KISS her for fucking sake Xylin. Lumapit na ko onti onti at hahawakan na sana ang braso niya ng bumukas yung boys restroom.
"I'm done na Tita Xylin! "
Fuck.
"Oh, hi cutie. Nice name huh. " banggit nito at tumingin saakin. Fuck, her smile.
"Hello, my name is Xeno and she's my tita Xylin. " turo ni Xeno saakin na naka School uniform pa din kaya nag mumukhang matino but he's not, really. Katulad lang namin siya ni kuya Xavier.
"Hello, Xeno, nice to meet you. I'm–"
"Sorry to interrupt but your daddy and mommy is waiting for us Xeno. " sabi ko dito. Tumango na lang siya at hiwakan yung kamay ko.
"Bye, Ms. Brenda. " actually, we are supposed to call teachers as Teacher. Teacher Brenda. Pero hindi ko ginawa, i find it weird. Saka mas better na ang Miss or Ma'am.
"Xeno, hindi ka ba tinuruan ng mommy at daddy mo na 'Don't talk to strangers'? " tanong ko dito habang naglalakad kami.
"Ahhh no? Saka i see naman po na kinausap niyo isa't isa so i thought you knew her tita. "
Gosh, this boy. Sakit din sa ulo.
––
BINABASA MO ANG
We between them
RomanceBrenda Mikayla, the gorgeous chemistry and physics teacher at Sun High University and the STEM 12-A advisor, wants the school year to be as enjoyable and memorable as possible. This girl was in her class when she met her. She is easily distracted an...