WBT 6

6.5K 159 1
                                    

Miracle

Purpose and reason. Kailangan ko nun sa araw araw, nakakatamad gumalaw ng gumalaw pag wala kang ganun. Parang wala ka na ding silbi sa mundong ito kung hindi huminga. Sa araw araw na gumigising ako wala akong excitement na dadama, hindi ako maka relate doon sa para kanino ka bumabangon? Pag tinatanong ko yan sa sarili ko, wala man lang pumapasok sa isip ko.

"Here we are. Sumabay ka na lang sa mga kaibigan mo pauwi. " natatawang sabi ni Amber kaya napa buntong hininga na lang ako at kinuha yung bag ko sa likod.

"Kaya mo ba? Pwede naman kitang ihatid at umabsent muna ako. " suggest ko dito.

"No need Xylin, i can manage. Wag kang tamadin pumasok couz. " sabi nito sabay tapik sa balikat ko.

"I'm not, gusto lang kita samahan noh. "

"Don't me, alam kong tinatamad kang pumasok. " natatawa niyang sabi kaya napabuntong hininga na lang ako at tumango. It's tru din naman, nakakatamad at tinatamad ako. Paulit ulit na lang yung nangyayari sa school, mas gusto ko pa samahan tong pinsan ko. "To be honest Mira, you need companionship or a love.. someone you know. "

"I don't need that shit, Amber. Sakit lang yun sa ulo. "

"Oh trust me Mira, nakaka excite pumasok pag meron nun. Grabe yung feeling tuwing umaga na you are so eager to see that someone of yours. " nangingiti ngiti niyang sabi kaya tinignan ko lang ito na para bang na weweirduhan. Is she okay?

"Nevermind, now, shoo and get a one. " tinulak niya ko papalabas ng sarili kong kotse.

Dumiretso ko kaagad sa main lobby kung saan nag hihintay yung mga kaibigan ko, nakakapag taka at may sarisariling kumpulan ang mga students, yes laging may kumpulan of friends but this one is.. New and strange. Parang may nangyayari ba.

"Hey, what's going on? " tanong ko kila Paco na naka pabilog din kaya sinalo nila ako dun ng makalapit ako.

"Narinig mo ba yung usapan, Mira? "

"Anong usapan? " takang tanong ko.

"Yung isang teacher daw ng HUMSS liniligawan yung adviser natin. " sabi ni Paco na ikinataas ng kilay ko, may nang liligaw kay Ms. Brenda? Sa pag kakaalam ko pati sa teachers ay bawal PDA, lih puta PDA agad.

"Baliw, dati pa daw ng liligaw yun. " Singit ni Dwade.

"Si sir Var yun, Varic Mendez. Teacher namin yung sa isang subject, ang kwento niya is dati pa daw siya nanliligaw since college. " pag kekwento ni Mari na isang humss student nga pala.

Buong pag uusap ay tahimik lang ako hanggang sa mag hiwahiwalay na kami at kami na lang ni Paco ang natira. Ano ba tong nararamdaman ko? Ano tong mabigat sa dibdib ko. Bakit ako nag seselos? Selos ba to? Wow, nakakaramdam pa pala ako.

"Huy, okay ka lang? " pag aalala ni Paco.

"Huh ah oo okay lang ako. " pag aassure ko dito hanggang sa mag start na ang klase kay kalbo, i mean kay Mr. Gonzo.

"Wow, nice to see you here Miracle. " pag babati saakin ni Mr. Gonzo na ikinapalakpak ng niya at ang loko kong kaibigan ay may pa sigaw pa kaya napatawa ang lahat.

"Well, nice to see you hairy today Mr. Gonzo. " naka ngiti kong sabi na ikinatawa lalo nung mga classmates ko.

Kala mo ha. Mabuti nga ay kahit papaano may tumutubo pa sakaniya.

Liniligpit ko yung mga books ko sa locker ng may marinig akong ingay galing sa faculty, malapit lang kasi ang locker ko sa faculty kaya rinig ko. Wala na din masyadong tao ngayon dahil gabi na, ginabi kasi kami kaka training. Malapit na ang schools league kaya ganun.

We between themTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon