WBT 2

9.3K 234 2
                                    

Miracle


"First day of school, Miracle Rances!! " napangiwi ako nung marinig ko yung boses na yun, wala lang yun saakin to be honest pero ngayong first day of school? Wrong move, Miracle. Lagot ka nanaman.

Humarap ako dito at napakamot ng ulo nang makita ko siyang namumula sa inis at naka pamewang. "Hi Ms. Rina, you look beautiful today. " pambobola ko dito. Actually totoo naman, bata pa lang si Ms. Rina saka maganda lalo na pag galit siya mas gumaganda siya at palaging magandang sabihin sakanya.

"Guidance office, NOW. " nag simula na siya maglakad kaya kinuha ko muna yung string bag ko bago sumunod dito. "Even you, Mr. Waren. "

Pagkapasok ko pa lang ay sumalubong na saakin yung masungit na mata ni Ms. Rina ngunit maganda naman, ngumiti ako at umupo bago inayos yung suot suot ko. Buti na lang hindi nadumihan.

"Nababaliw na ba kayo!? First day na first day, nag susuntukan kayo agad sa parking lot ng school! "

"Sorry po ma'am. " sabi ni Warren kaya wala sa oras na napa hilot ng noo si ma'am Rina.

"Sorry!? Lagi mo na yun sinasabi but still nakikipag away ka pa din. You do stupid things again and again! " me? Hindi ako nag sosorry, natango na lang ako in response. Hindi ako nag sosorry, lalo na alam kong gagawin ko pa rin yung bagay na yun. Para kasi saakin, the word 'sorry' is sacred. Para saakin lang, hindi ko lang alam sainyo. Kay Waren naman, ang sorry niya ay para sa susunod niyang kasalanan.

Pinalabas na kami ni Ms. Rina at pinalagpas yung nakita niya dahil first day of school daw. Nung magka tinginan kami ni Waren ay humagalpak kami sa kakatawa, hindi kami magkaaway o may tanim ng galit sa isa't isa. Actually we're taekwondo's buddies since 6 years old, masyado lang namin namiss ang isa't isa kanina kaya humantong kami sa sapakan. Waren Gonzalez, Grade 12 ABM student.

"Una na ko, nag hihintay na mga tropa ko e. " pag paalam niya saka ako tumango, naglakad na ko papuntang cafeteria dahil tinext ako ng mga kaibigan ko naandun sila. First day namin dito ay orientation lang, lahatang orientation sa Auditorium kaya nakakatamad pumasok pero still pumasok pa din ako. It's an achievement for me, i changed.

"Got in a fight again? " natatawang tanong ni Paco saakin, Paco Alvido. Grade 12 STEM student, captain ng basketball team dito at isang heartthrob din. Yucckk. Ewan ko ba kung bakit ang daming nagkakagusto dito, mas ma appeal pa nga ko sakaniya.

"Not a fight. Namiss lang namin ang isa't isa. " kinuka ko yung fries ni Marissa na ikina roll eyes niya. Marissa De Luna. Grade 12 HUMSS student, leader ng cheer leading squad ng school at syempre mawawala ba dun ang katangian na sikat na sikat din ito. Palagi ba naman nananalo sa mga modeling competition.

After naming kumain ng kaunti ay pumunta na kami sa auditorium at doon sinalubong yung isa pa naming kaibigan na si Dwade. Dwade Ancheta, Grade 12 ABM student at captain ng soccer team. Playboy din kaya ingat ingat. Kung tutuusin isa kami sa mga binabansagan nila na 'Popular ' daw dito sa school, bukod sa mga sports namin, academic, face value. Kami din kasi yung tinitingala ng iba, inspiration kumbaga at hindi mawawala yung expectations lalo na nanggaling kami sa pamilyang kilala.

Barumbado din ako, sa aming apat ako lang yung laging na guguidance. Ako lang yung walang pake kung masira ko yung image ng pamilya namin dahil mismong sila wala ng pake at hindi na bago sakanila iyon.

"Marami daw tayong bagong teacher. " pag aanounce saamin ni Dwade. 

"Yes! "

"Mabuti naman. " sabi ko at ngumiti, nakakasawa na kasi pag mumukha ng mga teacher namin plus madami din kasi nag reklamo last year sa mga teachers na hindi nag tuturo or hindi maganda ang way of teaching kaya madami dami din ang nawala. Nag start na yung program at inannounce na lahat ng kailangan hanggang sa na bored na ko. Nag paalam na ko na mauuna na umuwi dahil masakit ulo ko.

"Miracle naman, please stay. Ipapakilala na mga teachers oh. " paki usap saakin ni Mari na ikina buntong hininga ko.

"I want too Mari pero masama na pakiramdam ko. " wala na siyang nagawa kaya tumango na lang sila. Pumunta ako agad sa parking lot at pumasok sa kotse ko. Pag 18 ko kasi kumuha agad ako ng driver's license, eto talaga ginawa ko buong summer para lang makuha tiwala ng pamilya ko na kaya ko na mag isa sa pag ddrive.

-

I believe that family and the people you love are more important than anything else. You can have the most precious thing in the world that you can have, I have everything even family, but we don't have this so-called 'family time'.

"How's the orientation? " That's my grandma or mama, siya ang palaging naandiyan para saakin simula pagkabata. Actually dalwa sila, pero simula nung nagka pamilya na si kuya at naging lawyer na din. Wala na siyang silbi sa buhay ko, i mean wala na siyang pake or time para saakin.

"Boring, walang nakaka excite. " umupo ako sa tabi niya dito sa garden ng mansion, tumingin siya saakin at nginitian ko siya ng nakakaloko.

"Pupusta akong marami ka nanaman paiiyakin this school year na mga babae at lalake kaya huwag mo ko maloko loko diyan ah! " natatawa niyang sabi habang umiinom ng tea, she knows everything about me and she's also cool kala mo kung sinong teenager. "Basta ang mapapayo ko lang saiyo, take your consequences huh? Babalik at babalik yan sayo. "

iiling iling akong tumawa habang pinagmamasdan yung mga bulaklak. "Ako? Iiyak sa pag ibig ma? No way, I don't even want to fall in love. "

"Hindi mo masasabi yan anak, magugulat ka na lang inlove ka na pala. "

"That's not gonna happen, i don't even know what love feels like. " nakangiti kong sabi habang inaalalayan siya papasok sa loob.

"It feels like heaven Miracle. " umupo siya sa mahiwagang upuan niya, what i mean in mahiwaga is gumagalaw siya ng back and forth.  "Hindi mo man lang ba tatanunun saakin kung nasaan ang mommy at daddy mo? " may kalungkutan na tanong saakin ni mama. Ngumiti lang ako nang pilit at umiling.

"Alam ko naman ma kung nasaan sila, no need na. " tumango siya at pumikit, pinag masdan ko yung mansion namin. Ang laki nga at ang ganda, wala naman kabuhay buhay sa loob.

Si mommy? She's a congresswoman and a lawyer, busy helping others for free or not. Sa korte man o hindi, she's Atty. Susan Mendoza–Rances. Si daddy naman ay isang judge slash gardener sa bahay, he's Alexander Rances, si kuya? Lawyer din. Atty. Xavier Scott Rances with her wife Archi. Lori Asis–Rances and their 4 years old son Xeno Scarlo Rances. Lastly my mama, Alexandra Scarleta Rances.

Do you believe na iba ang ugali ng isang tao sa school at sa bahay? Kung oo well you're right and one example of that is me. Iba din ugali ko depende sa tao.

I'm Miracle Xyliana Scarlett M. Rances, a Grade 12 STEM student, the SHU Volleyball team captain, and the 'war freak' daw.

––

We between themTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon