"MATATAG KA na at successful. Nagawa mong bumangon. I bet, kahit ano o sinong gustuhin mo, makukuha mo. So, why still dwell in the past? Your success is enough revenge; don't you think so? Ganoon ba talaga kahalaga sa 'yo na balikan ako at saktan? Ganoon ba talaga kahalaga sa 'yo na mapasakitan mo ako?"
Marahas na huminga si Adam bago bumangon. Ibinaba niya ang mga paa sa sahig, kapagkuwan ay itinuon ang mga siko niya sa ibabaw ng mga tuhod bago isinubsob sa mga palad niya ang kanyang mukha. He couldn't sleep. Naghahalo sa dibdib niya ang sayang dulot ng pormal na makilala ang anak at ang naging pagtanggap nito sa kanya, gayundin ang luhaang mukha ng ina nito.
Tumayo siya. Maybe a drink could help him get some sleep. Gusto niyang matulog. Ayaw niyang mag-isip. Dahil kapag nag-iisip siya, parang gusto ng isip niya na bigyang katwiran ang paglalaro sa kanya ni Glaysa. May kung ano sa kalooban niya na parang tumutunaw sa galit niya. May kung anong humihiyaw nga sa kalooban niya na patawarin na ito.
No, he won't forgive her.
Lumabas ng silid si Adam para pumunta sa bar. Mukhang kailangan na niyang magpabili ng mga alak dahil kakaunti na ang nandon. Why, he was drinking and Glaysa was drinking.
Natigil siya sa paglapit sa bar nang makita ang bulto ng katawan na nakahandusay sa sahig. Agad din naman siyang tumakbo papalapit. He sighed. Mukhang nagpakalunod talaga ito sa alak at hindi na kinayang pumunta ng silid kaya doon na natulog. Tinapik niya ang balikat nito. "G-Glaysa... Glaysa."
Hindi ito tuminag. Muli siyang bumuntong-hininga bago kinarga ang dalaga. Tinungo niya ang silid nito na kinaroroonan ni Aiden. Pero nagbago ang isip niya at doon siya dumeretso sa silid niya. He opened the light. Ibinaba niya ito sa kama. Dahil maliwanag, kita niya ang bakas ng luha sa magkabilang pisngi nito, maging sa gilid ng mga mata. She looked hurt. She wasn't sleeping peacefully.
He honestly didn't know what to do. What to do with her now. Naupo lang siya sa gilid ng kama bago isinubsob ang mukha mga palad habang ng kanya siko ay nakatuon sa mga tuhod.
"I'm sorry, Adam."
Natigilan siya at nilingon ang dalaga. Natutulog pa rin ito.
"I'm so sorry," muling ungol nito.
"M-minahal kita, Glaysa," sabi niya. Hindi niya alam kung bakit, pero kusa na lang iyong nanulas sa mga labi niya na para bang gustong-gusto niyong makalabas sa bibig niya.
"Alam ko, alam ko..." ani Glaysa, may tumakas na butil ng luha sa mga mata nito. Akala niya ay gising na ito pero nakapikit pa rin ito. Gumagalaw ang ilong at labi na para bang bubulalas ng iyak ano mang sandali. Maybe she was dreaming. "I know you loved me. Pero wala akong ibang ginawa kundi pasunurin ka sa gusto ko. I don't know why I enjoyed it so much kapag napapasunod kita. Kapag ipinaparamdam mo sa akin na hindi mo kayang mabuhay na wala ako. I don't know why. I don't know why..."
Umalis siya sa pagkakaupo sa gilid ng kama at naupo sa sahig, sa harap ng ulo nito. Nag-init ang mga mata niya. May kailangan siyang itanong dito na hindi niya alam kung magagawa nga ba niyang itanong sa normal na sitwasyon. "L-laruan lang ba talaga ako noon? H-hindi mo ba talaga ako minahal?" Hot tears run down his cheeks.
Glaysa opened her eyes. Itinutok nito sa kanya ang namumungay at nangingintab sa luha na mga mata. Hindi siya nag-panic. Alam niyang ang akala nito ay nanaginip pa rin ito.
Glaysa's lips trembled. Tumulo ang luha sa malulungkot na mga mata. "It was... it was too late... too late when I realized that I really loved you."
Napahagulhol si Adam. "You loved me?"
Gumalaw si Glaysa. She extended an arm. Inabot nito ang mukha niya. Pinahid ang mga luha niya. "G-gabi-gabi akong nanalangin na sana... sana magawa mong bumangon," anito. Bakas sa luhaang mukha ang paghihirap.
"Why did you leave me then?" naghihinanakit niyang tanong. "K-kung minahal mo ako, sana hindi mo ako iniwan. Sana tinulungan mo akong makabangon. Sana tinulungan mo akong makaahon sa kumunoy na pinagtulakan mo sa akin. Bakit, Glaysa, bakit?" Humahagulhol na tanong niya.
Hinaplos ni Glaysa ang mukha niya, at natagpuan niya ang sariling mas idinikit sa palad nito ang pisngi niya. "G-God knows I wanted to be there. By your side. I tried to. God knows, Adam. Pero... pero... I don't know. Something was holding me back. At hindi ko alam kung ano iyon. Ang alam ko lang... I ruined you. And it was too late when I realized that I love you. I was so sorry. I am still sorry. I'm sorry, Adam," humagulhol ito ng iyak. "Maybe we're not meant to be."
"Oh, God, what happened to us?"
Papiling-piling na ang ulo ng dalaga habang humihina ang paos na boses at patuloy na umaagos ang mga luha. "I didn't know why ruined you. I didn't know why I did that to you... Oh, God, it doesn't make sense. I don't know, Adam. I'm sorry. I'm so sorry."
Adam couldn't believe it. Bawat patak ng luha ni Glaysa ay parang humuhugas sa galit na nasa puso niya. At ang bawat 'sorry'nito ay ramdam na ramdam niya.
"I wronged you. P-pero bakit ganito, Adam? B-bakit ganito pa rin ang tibok ng puso ko kapag malapit ka?"
"W-what do you mean?" Kumakabog ang dibdib na tanong niya.
"H-hindi na kita mahal, Adam. M-matagal na akong naka-move on. Guilt na lang nag nararamdaman ko. 'Yan ang paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko. P-pero bakit ganon? B-bakit p-pakiramdam ko niloloko ko lang ang sarili ko? Kasi... kasi iba ang sinasabi ng puso ko."
Hindi makahuma si Adam. Ibig bang sabihin ni Glaysa ay... ay mahal pa rin siya nito hanggang ngayon?
"I'm pathetic. P-pathetic..." patuloy na usal nito.
Hanggang sa natagpuan ni Adam na humihiga sa tabi ng dalaga. He held her in his arms. Ang dalaga naman ay nagsumiksik sa kanya. She buried her face in his chest. Panay ang sigok nito. Ramdam niya ang maiinit na luha na bumabasa sa dibdib niya. "I'm sorry. I'm sorry," halos wala ng boses na usal nito. "I wish I know why I ruined that. Adam, please forgive me. Forgive me..."
His lips trembled. "Sshhh. Sshhh," pagpayapa niya sa dalaga habang umaagos rin ang mga luha niya. Was it possible that she still loves him? Could it be true? Dahil... Oh, God, gustong umasa ng puso niya.
Galit siya kay Glaysa kaya hindi siya maka move on, iyon lang ang rason na alam niya. Galit siya at gusto niyang maghiganti kaya ipinahanap niya ito. Pero bakit ngayon, pakiramdam niya ay excuse lang niya ang galit niya para ipahanap si Glaysa? At ngayong narinig na niya ang pagsisisi nito at ang sinabi nito ay parang... parang... Oh, God, bakit ganito na ang pintig ng puso niya?
BINABASA MO ANG
Pleasurable Revenge (Erotic Romance) Completed!
RomanceAdam Cordovo--- Nerd. Shy. Innocent. Virgin. Glaysa Ramirez--- Gorgeous. Sexy. Alluring. Liberated. A man's fantasy. Pinaglaruan ni Glaysa ang inosenteng si Adam. Tinuruan niya ito ng tungkol sa kama at sex. Tinuruan niya itong maging makamundo. Ini...