"DAMN IT, damn it!" gigil na bulalas ni Adam bago ibinalibag ang hawak na kopita. Nakakabuwisit na kung gaano katindi ang galit niya kay Glaysa ay ganoon din katindi ang pagnanasa niya rito. He wanted her so bad!
Adam ground his teeth.
Ni hindi siya binisita ni Glaysa noong ma-hospital siya. Pagkatapos nalaman niyang wala na ito sa Duplex. Para siyang masisiraan ng ulo sa paghahanap dito. His life was a complete mess, and drugs became his bestfriend. Hanggang sa maospital na naman siya dahil sa drug overdose. Pagkatapos noon ay p'wersahan siyang ipinasok ng mommy niya sa isang rehabilitation center. After six months he was out. Akala ng mommy niya ay okay na siya pero bumalik siya sa dating gawi. Bumalik siya sa pagbibisyo. He couldn't take Glaysa off his head. Para siyang masisiraan ng ulo sa pagka-miss dito. He looked for her again. Balak niyang suyuin ito hanggang sa tanggapin siya uli. Balak niyang lumuhod, magmakaawa, at mangangakong magiging mas masunurin siya. But he couldn't find her.
Muli siyang ipinasok sa rehabilitation center. Pero sa pagkakataong iyon, ang pagmamahal niya kay Glaysa ay nauuwi na sa galit.
"Hindi kita mahal! Hindi, hindi, hindi! Pinaglalaruan lang kita, naiintindihan mo. Pinaglalaruan lang kita at pinaiikot sa mga palad ko! Pero ngayon, tapos na ako sa 'yo. Ayoko na sa yo! Go on and kill your self. You worthless piece of a shit." parang sirang plaka na paulit-ulit niya iyong naririnig. Hanggang sa ma-realize niya na... oo nga, pinaglaruan nga lang siya at pinaikot ni Glaysa sa mga palad nito. Tinuruan siya nitong manigarilyo, uminom, magsugal, mag-drugs. Kahit noong malulong siya ay hindi siya nito sinaway ni isang beses. Ni hindi ito nag-alala noong napapabayaan na niya ang pag-aaral niya. She took him for granted. At nang manawa sa paglalaro sa kanya ay basta na lang siya iniwan.
Kaya sineryoso na niya ang pagpapagaling. Umaasa siyang isang araw, magsasalubong uli ang landas nila at maipapamukha niya rito na hindi siya nito tuluyang nawasak. Na nagawa niyang bumangon at ayusin uli ang buhay niya.
Bumalik siya sa pag-aaral. Sobrang nahirapan siya na labanan ang kaway ng droga. But he did it, anyway. Nang maka-graduate nagtrabaho siya sa isang international company, abroad. The big boss became fond of him. Naging napakadali ang pag-akyat niya sa hagdanan ng tagumpay.
But guess what? Nagising na naman siya isang araw na iniisip na naman niya si Glaysa. Lalong yumabong ang galit sa dibdib niya para rito. Ipinahanap uli niya ito. After a year he received the good news. Nakita si Glaysa sa isang malayong probinsiya sa Occidental Mindoro. He saw her and it fucking hit him that he still wanted her. So bad.
Ah, damn her. Damn her. Hinding-hindi niya ito mapapatawad. Sasaktan din niya ito sa emosyonal na paraan.
![](https://img.wattpad.com/cover/156467617-288-k359372.jpg)
BINABASA MO ANG
Pleasurable Revenge (Erotic Romance) Completed!
RomanceAdam Cordovo--- Nerd. Shy. Innocent. Virgin. Glaysa Ramirez--- Gorgeous. Sexy. Alluring. Liberated. A man's fantasy. Pinaglaruan ni Glaysa ang inosenteng si Adam. Tinuruan niya ito ng tungkol sa kama at sex. Tinuruan niya itong maging makamundo. Ini...