Part 21

21.2K 375 6
                                    

ADAM WAS busy with his laptop and cell phone. Mukhang trabaho iyon base sa mga naririnig niyang sinasabi nito sa kausap sa telepono. Nakakatawa man pero nakakadama siya ng pagka-proud sa binata. He was young, gorgeous, and successful. Maybe he was really destined to be this great. Masuwerte ang babaeng mamahalin uli nito at pakakasalan.

Ah, shit, bakit may kumurot sa puso niya sa isiping iyon? Na para bang nanghihinayang siya? She loved Adam. Pero naka-move on na siya sa pagmamahal na iyon, hindi ba? Hindi lang niya ito makalimutan dahil sa guilt niya. Pagak siyang tumawak. Bakit ba parang sa tuwina ay sarili lang niya ang kinukumbinsi niya na naka move on na siya? Na wala nang ibang kahulugan ang kakaibang tibok ng puso niya kapag malapit si Adam.

Kanina ang naging pagtatalik nila ay... well it was... it was beautiful. She was so happy. She enjoyed it. Ni hindi pumasok sa isip niya na nagtatalik sila dahil sa paghihiganti ni Adam. It feels as if she was making love to the man she loves. Iyon lang iyo--- naputol ang daloy ng iniisip niya nang makarinig siya ng tunog ng helicopter. Napatayo siya mula sa kinauupuang recliner. Mabilis siyang lumabas sa terrace. Sa dulo ng terrace ay kita niya ang helipad. Nag-iinit ang mga mata niya sa isiping makikita at mayayakap na uli niya ang anak.

Lumabas si Adam ng bahay. Sumunod siya rito. "Thank you," aniya.

He looked at her arrogantly. Kung hindi arogante ang klase ng tingin nito sa kanya ay malamig naman. O kaya ay galit. But when he wanted her, his cold eyes turned hot, scorching hot. Iyong klase ng tingin na ipagpapalit nito ang lahat para lang maangkin siya.

"Ito ang unang beses na makikita ako ni Aiden. Do the introduction properly."

Nakapag-landing na ang helicopter sa helipad nang makarating sila doon. Mahina na rin ang ikot ng elisi. Bumukas ang pinto. Hindi napigilan ni Glaysa ang sarili at tumakbo siya pasalubong nang makita ang anak. "Aiden!"

"Mommy!" hiyaw ng bata. Hindi ito napigilan ng babaeng kasama nito at tumakbo papalapit sa kanya. Lumuhod siya at ibinuka ang mga bisig ng malapit na ito. "Mommy!"

Nalaglag ang mga luha niya nang tuluyang mapaloob sa bisig niya ang anak. "I missed you. I missed you so much, my love," aniya. No, hinding-hindi siya papayag na malalayo sa kanya ang anak. No way.

"I missed you, too, Mommy."

Pinahid niya ang luha ng anak. Namalayan na lang niyang nasa himpapawid na uli ang helicopter. Paglingon niya, nakita niyang hawak na ni Adam ang isang bag na ang laman siguro ay gamit ng bata.

"Aiden, I want you to meet someone," aniya.

"Sino po, Mommy?" Sinulyapan nito si Adam. Halos isang dipa na lang ang layo nito sa kanila.

"Make a guess."

"A friend of yours?"

Umiling siya. "You've been asking for him..."

Namilog ang mga mata ng bata. "My daddy?"

Sinenyasan niya ang binata na lumapit. He looked slightly nervous. Binitiwan nito ang bag at lumapit. Lumuhod din ito.

Hinawakan niya ang maliliit na kamay ng bata. "Aiden, meet your daddy. He's here now. And he badly wanted to see you."

Aiden's lips quivered. Sinulyapan nito si Adam. His nose was flaring. Nangislap sa luha ang mga mata nito. "I---Ikaw po si Adam? Adam Cordovo?"

Napatingin sa kanya ang binata. Yeah, right, Adam. He knows your name. Nang bumalik ang alaala ko, saka ko ipina-late register si Aiden at inilagay ang pangalan mo sa birth certificate niya. Dahil hindi ko naman talaga binalak na alisin ka sa buhay niya, gusto sana niyang isagot dito.

Lumunok-lunok si Adam. Na para bang may napakalaking bara sa lalamunan nito. His eyes were red. "A... A-ako nga."

Tumayo si Glaysa at binigyan ng espasyo ang dalawa. Pumalit sa puwesto niya si Adam na noon ay namamaybay na sa magkabilang pisngi ang mga luha.

"So, y-you're really my daddy?"

"I am. I am your daddy," basag ang boses na sagot ni Adam.

"D-Daddy..." umiiyak na yumakap ang bata kay Adam.

Adam hugged him tightly. Sunod-sunod ang pagtuo ng luha sa mga mata nito. "N-nandito na ang daddy. H-hindi ka na malalayo kay daddy."

Glaysa looked away. Pasimpleng pinahid niya ang mga luhang naglandas sa pisngi niya. Hindi alam ni Adam pero pinapangarap niya ang ganitong sandali. Na makilala ni Aiden ang ama. At si Adam naman ay walang pag-aalinlangan na tatanggapin ang anak.

"Daddy..." patuloy na pag-iyak ng bata.

Naglulunoy na rin sa luha ang mukha ni Adam. "I-I'm so sorry, son. S-sorry ngayon lang dumating ang daddy. I love you. P-please know that I love you."

"A-alam ko po. Mommy told me so. I know you love me. And I love you, too, daddy."

Muling sumulyap sa kanya si Adam. Nag-iwas naman siya ng paningin.

Pleasurable Revenge  (Erotic Romance) Completed!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon