Chapter 39
Michael POV
Michael POV
Matapos kong sunduin kanina si Alice ay pumunta muna kami sa motel na tinitirahan namin ni Jackson.
"Why are we here?" takang tanong ni Alice
"Ah, huwag ka magisip ng masama" sabi ko dahil parang mali ang nasa isip niya "Naiwan kasi dito ang kapatid ko, bata pa kasi yun hirap na baka pag gising niya ay lumabas siya eh, baka mawala pa" sabi ko at inalalayan na bumaba si Alice
"Owww...Maykapatid ka pala,Ilang taon?"
"3years old lalaki siya" sagot ko at binuksan ko na ang pinto. "Harley" tawag ko sa katapatid ko at nakita ko siya na nakaupo sa kama, habang naglalaro ng mga laruan niya. "Harley nandito si kuya" nakangiting sabi ko.
"Kuya..." masayang sabi niya nang makita ako pagkatapos ay tumakbo siya sa akin hawak ang mga laruan niya.
"Kamusta tulog mo?masarap ba?" Tanong ko na binuhat pa siya
"kuya achira raruan robot atanggal ulo"
"Ikaw talagang bata ka lagi mo sinisira laruan mo, sige aayusin ko mamaya ah wala pang pera si kuya pambiling laruan kaya aayusin ko mamaya"
"Hindi atanggal ulo tapos abit" sabi ni Harley na di namin maintindihan
"Pasensya na Bulul eh" natatawa kong sabi ko kay Alice
"Ok lang ang cute nga eh" naka ngiting sabi ni Alice at hinaplos ang ulo ni harley "Hi Harley ang cute mo, kasing cute ka ng kuya mo" sabi ni Alice dahilan para mapangiti ako habang naka titig sa kanya.
Hahahah Cute pala ako sa paningin niya
"Oh bakit?" Takang tanong ni Alice
"A-ah wala ha-ha-ha" nahihiyang sabi ko nang mapansin niyang naka tingin ako sa kanya kaya binaling ko na lang kay Harley ang tingin ko
"Ate, sino ka?" inosenteng tanong ni Harley kay Alice "Kuya ang danda niya"
Namula ang mukah niya sa sinabi ni Harley dahilan para lalo siyang gumanda sa paningin ko
"Ang linaw pala ng mata ng kapatid mo noh" biro niya at nahihiya akong tumango tango sa kanya
"Ah, Harley sama ka? kakain kami ni ate Alice" tanong ko kay harley, nakangiti siyang tumango-tango sa akin, pagkatapos ay lumabas na nga kami sa motel.
Sinakay ko sa harap si Harley at sinuot sa kanya ang helmet, pinasuot ko din si Alice ng helpet.
"Eh Ikaw nasaan ang helmet mo?" tanong ni Alice
"Wala eh, dalawa lang helmet ko eh"
"Huh!?, Eh paano ka! huhubadin ko na lang yung helmet ikaw na gumamit-"
"Hindi na! ok lang ako"
"Anong ok ka lang! eh paano kung ma accident tayo tapos mapuruhan ka!" Inis na sabi niya
Hindi ko naiwasang mapangiti at nang mapansin kong parang nagaalala siya.
"Kulugo ka talaga!Anong nginingiti-ngiti mo diyan!?"
BINABASA MO ANG
Police Story 2: Back at School (Romantic Comedy Action Story)
Teen FictionJackson Luis Carter he is a police man who know how to do Martial Arts Meron siyang isang mission na alamin ang nagagandap na kasaman sa isang napakagandang private school Shaira Jhane Watson isang babaeng estudyante,Jackson was in trouble noong o...