Battle of the Chef's

221 9 0
                                    

Chapter 53

Jackson POV

Jackson POV

Habang magluluto ang tatay ni Dan, si Dan naman ay naghahanda ng Plato sa lamesa.

Si Michael naman ay chat ang future baby niya, syempre si Alice yon.

Yung dalawang babae naman naguusap lang.

"Sorry po talaga Ma'am Annalisa, nag cr lang kasi talaga ako kagabi pero pag balik ko, wala na po kayo sa pwesto niyo. Sorry po talaga." sinsero na paghingi ng tawad ni Alia sa boss biya

"Ano ka ba Alia nagtatanong lang ako! Hindi ako galit kaya huwag ka nga magsorry."

"Sorry po-"

"Bat ka ba nagsosorry!" masungit na bulyaw ni Annalisa kay Alia " I told you that I'm not mad so don't feel sorry. Kailang ka ba magbabago? Noong bata pa tayo lagi ko na naririnig ang sorry sa bunganga mo."

"I'm sorry po."

"See! You said sorry again! Tsk."

At ako naman tinatawagan ko ang cellphone number ni Shaira pero kanina pa talaga siya hindi sumasagot. Haist, nag-aalala ako na baka galit siya sa'kin.

"Dan." tawag ko sa kay Dan na tapos na maglagay ng mga plato.

"Ow?"

"May load ka pang tawag?"

"Oo, baket?" tanong niya at lumapit sa akin

"Patawag nga, ayaw kasi sagutin ng girlfriend yung tawag ko eh."

"Okay." ani niya. kinuha niya mula sa bulsa ang cellphone niya at inabot sa'kin

Lumabas ako saglit ng bahay nila. Tapos ay tinawagan ko nga si Shaira, laking tuwa ko ng sagutin niya ang tawag ko.

"Hello?"

"Pards." sabi ko.

"Oh, buti naisipan mong tumawag?!" I feel so guilty ng marinig ko na parang galit siya

"Naki tawag na ako kasi ayaw mo sagutin ang tawag ko eh-"

"Aba 'di ko talaga sinasagot kasi naiinis ako sayo alam mo yon?sasabi-sabi ka na tatawag ka tapos ano?! naghintay ako sa wala! Kahit isang text nga wala eh!"

"Sorry na lobat kasi ako eh-"

"Pwede naman makitawag o maki text huh?! Di Pwede yon?"

"Kaya nga sorry na please."

Let me remind you. May girlfriend ka hindi ka single! Kaya sana naman kung hindi mo kayang tumawag mag text ka naman para alam ko na ligtas ka. Hindi yung para akong tangang nanlilimos ng attention mo, nag hihintay na mag text ka o magparamdam man lang"

Ramdam ko na ang tampo niya sa akin sa pananalita niya habang kausap ko siya ngayon sa kabilang linya. I feel so guilty.

"I'm sorry, please forgive me."

"Subukan mo pa muling paghintayin ako, I swear to you na maghihiwalay tayo!" sabi niya na may diin ng pagsasalita sa sinabi niyang 'maghihiwalay tayo'

Bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi niyang iyon at parang ang sakit pero kahit ganun pilit akong ngumti.

Naalala ko kung gaano ka sakit yung oras na iniwan ako ng unang babaeng minahal ko, si Celina.

"Sorry, maghiwalay na tayo."

"Celina b-bakit? Dahil ba gusto ko maging police at ayaw mo yun?"

"Oo! Ayaw kong pigilan ka sa pangarap mo pero ayaw ko din naman na ang ipapakilala ko sa magulang ko ang isang hamak na police lang. Look, masyadong mababaw ang pangarap mo." nasaktan ako sa pang-iinsulto niya sa pangarap ko

Police Story 2: Back at School (Romantic Comedy  Action Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon