Chapter 49
Jackson POV
Nandito ako ngayon sa kulungan kung saan nakakulong si kuya para dalawin siya.
Ibang-iba ang selda niya sa selda ng mga criminal dahil nagiisa lang siya selda niya. Maganda, may magandang kama, may tv, may aircon pa at kung may dadalaw man ay pwedeng pumasok doon.
Ayaw niya lumabas kaya ako na lang pumasok.
"Kuya-"
"Kita mong natutulog ako diba?!"
"May dala akong pagkain-" sabi ko tapos bigla na lang nagbago yung awra niya ng malaman na may dala akong pagkain.
"Oh, sabi ko nga hindi ako natutulog" sabi niya at agad na tumayo para kumain.
"Kuya kamusta ka na dito?-"
"Bakit ka pa dumalaw dito?" pagputol niya sa akin. Kagaya ng dati malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin "Hindi naman kailangan na dumalaw ka dito at saka nakalaya na si William kaya okay lang kung siya na lang ang nagdadala ng pagkain sa akin at hindi Ikaw" dagdag niya pa.
Nagsubo siya ng kanin sa bibig at pagkatapos ay uminom ng tubig.
"Gusto ko lang makita kung okay ka lang ba dito kuya-"
"Okay lang ako! Hindi mo na kailangan pa pumunta dito para alamin iyon" malamig na sagot niya sa akin.
Ramdam ko na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako kayang tanggapin bilang kapatid, napakasakit ng bagay na yon para sa akin.
"Kuya, hanggan ngayon ba galit ka pa rin sa akin at hindi mo ako tanggap?"
"Ang nanay mo at ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya ko at kung bakit nagpakamatay ang Nanay ko" tumingin siya sa akin, tingin na puno ng matinding galit. "Kaya bakit kita tatanggapin? Alam mo ba ang Multi personality disorder?
Tumingin siya sa kanang kamay niya na may hawak na tinidor, tumawa siya na parang nababaliw na pagkatapos ay dinilaan niya ulo ng tinidor na hawak niya.
"Kalahati ng pagkatao ko ang gustong pumatay, kalahati ng pagkatao ko ang mamatay tao, iyon ay dahil sa galit na naramdaman ko sa inyo! Kaya ako nagpakulong dito para pigilan ang sarili ko hindi dahil tanggap na kita!"
"Pero Kuya" I choke "Bakit hindi mo subukang buksan ang puso mo para magpatawad? Patawarin mo ang mga nakasakit sayo"
"Oh, shut up!"
Nabitawan niya bigla ang tinidor at na napahawak sa ulo niya.
"Kuya alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng minamahal pero kung bubuksan mo lang ang puso mo makikita mo kung sino pa ang nandiyan at nagmamahal sayo bilang pamilya mo-"
"Sinabi ng tumigil ka!" sigaw niya sa akin at bigla na lang mabilis na dumapo sa leeg ko ang kamay niya.
Nagulat ako pero hindi ako agad na kakilos.
Sinakal niya ako.
Nakita ko ang muli ang matinding kasamaan na nasa mga mata at ngiti niya.
"Ku-ya" I can't breath dammit!
"Pagpapatawad? No! Ang mahihina lang ang nagpapatawad at hindi ako mahina! Hindi kami mahina!" he laugh
"Kuya huwag kang magpatalo sa galit nandiyan sa puso please!"
Nakita ko na unti-uniting bumalik siya sa dati at bumitaw siya sa pagkakasakal sa akin.
"Kuya..."
"Tama na, tumigil ka na! Huwag ka ng umasa na mapagpapatawad ako at matatanggap kita dahil hindi iyon mangyayari-" malamig na sabi niya sa akin pero desisdido ako at naniniwala ako na kahit paano ay may kabutihan parin sa puso ng kuya ko.
"Hindi ako susuko sayo, Kuya. Pupunta punta ako dito at sisiguraduhin kong matatanggap mo rin ako, bubuksan mo rin ang puso mo para magpatawad"
"Bakit ba ang kulit mo?!" sigaw niya sa akin. "Bakit ba ayaw mong tumigil?!!"
"Dahil kuya kita, magkapamilya tayo!Magkapatid tayo kahit magkaiba ang nanay natin"
"Tss, what ever!" he glared at me
Bumalik sa pagkain niya.
"Promise kuya dadalawin ulit kita dito" nakangiting sabi ko sa kanya
"Tss, wala kong pakeilam basta magdala ka ng pagkain lagi" sumubo siya ulit ng pagkain
Napangiti ako, hindi ko naiwasang yakapin siya at ramdam ko ang pag hawak ng isa niyang kamay sa likod ko.
Hindi man ngayon pero balang araw mawawala din ang galit sa puso mo at matatanggap mo din ako bilang kapatid mo.
BINABASA MO ANG
Police Story 2: Back at School (Romantic Comedy Action Story)
Ficção AdolescenteJackson Luis Carter he is a police man who know how to do Martial Arts Meron siyang isang mission na alamin ang nagagandap na kasaman sa isang napakagandang private school Shaira Jhane Watson isang babaeng estudyante,Jackson was in trouble noong o...