Ang wish ko

185 6 0
                                    

Chapter 60



Dan POV



"Huh? Talaga aalis ka sa lunes papuntang ibang bansa?" tanong ko kay Charlie habang nasa sasakyan kami.

"Oo aayusin ko na passport namin ni nanay para mapagamot ko na siya."

"Ilang araw ka naman doon?' tanong ni Vanessa na katabi ni Jackson.

"Dispende, kung kailan siya magiging okay siya pagtapos ng operasyon."

"Alam na ba Ito ng mga katrabaho nyo?" tanong ni Jackson.

"Oo." sagot niya



Sinamaan ko siya ng tingin at medyo naiinis ako kasi ako lang pala ang walang alam, ako ang bestfriend niya pero ako pa ang huling nakaalam.


"Sorry Dan kasi ngayon ko lang sinabi sayo."

"Akala ko ba best friend tayo, eh bakit kami pa ang huli naka alam?!" kunwaring nagtatampo na tanong ko pero naiintindihan ko naman siya eh

"Sorry na, naghahanap kasi ako ng tyempo para sabihin sa inyo."

" 'Di wala! Ganyan ka naman eh!"

"Alam mo Dan huwag kang ano dyan hindi ka marunong umakting Hahahaha tampo-tampuhan epek ka pa Diyan eh Kilala kita TANG'NA KA Di ka marunong magtampo!" natatawang sabi ni Charlie.

"Ay hindi ba kapanipaniwala?" napasimangot ako sa kanya sabay tawa

Pagkatapos, marahan kong tinapik ang braso niya na kunwari maiiyak.

"Okay lang basta tandaan mo saan ka man magpunta, size 12 ang paa ko at saka gusto ko kulay pula."

"Ako rin, size 12 ang paa ko kahit anong kulay ng sapatos basta maganda okay na." sabi ni Jackson.

"AKO SIZE 10 PAA KO!" sigaw ni Michael na naka angkas sa likod ng sasakyan.

"Oh eh ano kung size 12 paa niyo?! Wala akong tinatanong!Saka ang titibay na naman ng mukha niyo may pera kayo bumili kayo ng sapatos niyo!"

Grabe siya, basta pera ang pinaguusapan nagiging masungit siya.

"Pero bago ako umalis may aminin ako sayo, Dan." seryosong sabi ni Charlie.

"Ano naman yun?"

"Saka ko na sasabihin ka pag aalis na ako, pero sana mapatawad mo ako pag sinabi ko sayo."

Kinabahan naman ako sa kanya, napaka seryoso niya kasi. Parang may nagawa siyang kasalanan.

"Ano pinagsasabi mo? Siguro aminin mong bakla ka at may gusto ka sa akin." biro ko sa kanya para mapagaan ang usapan

"Huh? Bakla ka Charlie?" gulat na tanong ni Vanessa na alam kong crush niya kaya hindi ko napagilan na matawa

"HINDI NOH! Tss, tang'na mo Dan wala kang kwenta kausap!"

Seryoso siya pero lalo lang akong natawa.

"Joke lang! Ang seryoso mo naman, ano ba kasi ang aaminin mo at 'di mo na lang ngayon sabihin?" tanong ko pero hindi niya ako pinansin

"Matutulog muna ako gisingin niyo ko pag nandun na tayo."

Kita mo 'tong isa na 'toh, tinatanong ko tapos tutulugan lang ako.

~~~

Police Story 2: Back at School (Romantic Comedy  Action Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon