Lara
Napaka ingay ng bahay ngayon dahil sa presensya ni Zeus at nung makulit na si Rip. Na bo-bored daw ito sa trabaho at sumama sa kanya dahilan ni Zeus ng pag buksan ko siya ng pinto. Day off ko ngayon,balak ko nga sana na ipasyal ang mga bata pero masama ang panahon.Nakaupo lang ako sa single sofa ng maka rinig ako ng matinis na tili ng aming anak. Nakasakay ito sa likod ni Rip, piggyback ride. Habang ang mag ama naman ay nakaharap sa play station. Hindi ako ang bumili sa bagay na iyon. Si Zeus ang may dala nyan kanina at agad naman nilang isinet-up.
"Mommy! I'm flying! Hihihi"
Nginitian ko lang ito saka pinag sabihan na humawak ng mabuti sa Uncle Rip nya, pero kinorek lang ako nito dahil Uncle pogi daw ang pangalan ni Rip.
Mabilis naman nagkapalagayan ng loob ang kambal at ang binata. Hindi naman obvious sa ginagawa nila diba?
Napatayo ako ng marinig ko ang Door bell ko. Napatingin sa akin si Zeus.
'' may inaasahan kang bisita? "
" wala. Baka kapitbahay lang. Titingnan ko lang. "
Nagulat ako ng pagbukas ko ng pinto ay ang masayang mukha ni Rick ang humarap sa akin.
Anong ginagawa nya dito? Bakit ngayon pa?!
" Rick, napadaan ka? "
Binigyan naman ako nito ng magaang ngiti. Saka inabot sa akin ang dala nitong Pizza at donuts.
"Hindi naman kasi ganoon ka busy sa ospital kaya naisip ko na bisitahin ang mga bata. Miss ko na rin kasi sila. Sinabi ko naman sayo na bibisita ako kapag maluwang luwang na ang schedule,diba?"
Shit!!oo nga pala.!
Sa lahat lahat ng araw ngayon pa naging maluwag ang scheduled nya.
" Ganon ba. Pasok ka"
Ang sama ko naman kung hindi ko sya pa papasukin, nag abala pa naman yung tao saka si Zeus lang naman yun at Rip. Siguro naman walang tinatagong something si Zeus kay Rick ilang taon narin ang lumipas.
Nanlaki ang mata ng kambal ng makita nila si Rick, agad namang bumaba si Zandra sa likod ng uncle nya. Sabay nilang niyakap ang tito Rick nila.
"tito Rick!" zandro
"Tito daddy!" Zandra
Nakita ko ang pag taas ng kaliwang kilay ni Zeus ng marinig nito ang tawag ng prinsesa nya kay Rick.
"How's my babies, huh? Hindi nyo naman pinapagod si mommy no?"
"babies your ass" narinig kong bulong ni Zeus.
Inaasahan ko ang gulat o kaguluhan sa mukha ni Rip pero mukha naman itong nag e-enjoy sa kinakain na Pizza at donuts.
"Zandra you should not call tito Rick daddy, he is not our dad."
"but he is still my tito daddy!"
"it's OK little man."
Lumapit naman si Zeus sa kambal. Kita ko kung paano nya sinamaan ng tingin si Rick bago inilapit sa kanya ang kambal.
"your brother is right, I'm your daddy right princess? Masasaktan si daddy kapag may iba ka pang Daddy. Do you want daddy to get hurt?"
"No, sorry daddy"
Niyakap naman kaagad ni Zandra ang ama.. Hindi naman kailangang sabihin iyon ni Zeus, matagal nang nakasama ng kambal si Rick na to the point na tito daddy na ang tawag ni Zandra dito. Ito ang tumayong ama ng kambal ng nasa ibang bansa pa kami, yung mga panahon na hindi pa sya nag e-exist sa buhay ng kambal.
BINABASA MO ANG
One Hot Night
RomanceWhat if your normal night had been a One Hot Night that left you with a memorable memory. What will you do? NOT EDITED you will encounter typo,grammatical error and misspelled words. Chapter 2 was doubled sorry. I don't know what happened. @Ath...