Chapter 3. Maskuladong Roommate

119 18 14
                                    

Before reading this, sana nabasa mo yung "Kape at Gatas" sa "UGHTOG Short Love Stories".

Christian's POV

August 14 2018, 6:30 AM

Umaga na nang umalis ako kina Jason. Di ko talaga alam na may boylet siyang kasama pero infairness ang gwapo nya. Plano ko sana doon na magstay pero tumawag na si Ms. Mataro sa akin at dapat daw doon ako sa hotel mag check in provided by the company para di na daw ako malalate.

Habang bumabyahe, may nakita na naman akong bahaghari. This time, hiniling ko na sana mawala natong sakit na nararamdaman from fifteen years ago. Sana makahanap na rin ako ng lalaking iibig sa akin na tunay kahit medyo dambuhala yung ate ninyo. Sana matupad lahat ng mga hiling ko.

"This is a new day, Christian! Laban!" Sabi ko sa sarili ko.

Di pa available yung hotel room sabi ni Ms. Mataro kaya dumiretcho ako sa office namin. Pagdating ko wala namang imik mga tao puro nakatunganga sa kani-kanilang monitor. What a grand welcome kung ikanga.

"Good Morning, Mr. Barreda. Maayong pagbalik (Maligayang pagbabalik)." Sabi ni Daeserie na mata at tenga ni Ms. Mataro dito.

"Paki sabi kay Madame (Ms. Mataro) nandito na ako sa office. Oh wait ichachat ko nalang pala." Sabi ko.

Papunta ako sa station ko nang may bumangga sa akin. Aaktong sisigaw na sana ako pero ng makita ko ang likod niya ay beh nahiya si Hercules sa balikat niya. Yung katamtaman lang ang pagkamaskulado na bumagay sa puting t-shirt niya. Ang aga-aga nalilibugan ako jusko.

Pero natauhan din ako. Parang ako yata ang naagrabyado dito bat pinupuri ko pa tong hayop na to.

"Hoy! Porket maskulado ka pwede ka ng bumangga ng iba. Umayos ka nga!" Galit na Sabi ko.

Pero hindi man lang ako nilingon at lumabas pa ng opisina. Jusko yung highblood ko parang dam na umaapaw.

"Daeserie!? Sino Yun? Uminit ulo ko dun." Tanong ko.

"Bagong hire po sir. Pagpasensyahan mo na. Yung beauty mo baka mastress ka."Sabi ni Daeserie.

Pumunta ako agad sa station at bumulagta sa akin ang mga regalong nakatambak sa lamesa ko. Nakakaiyak. Akala ko di ako mahal ng mga katrabaho ko.

"1...2...3... Go! Welcome back sir!!!!" Sigaw nilang lahat.

"Hala! Thank you! Mga gago kayo haaaa kala ko di niyo na ako namiss." Sabi ko.

Pero biglang tumahimik ng lumabas ang anino ng amo naming Hapon pati pisikal na anyo ng amo namin kuhang kuha yung pagkapayat na matanda.

Awra palang kuhang kuha na niya. Siya ang head of operations dito sa Cebu. Sir Sungit tawag namin sa kanya kasi di namin ma pronounce pangalan niya.

"Sana di ka nalang bumalik pa, Christian" Biro ni Sir Sungit.

"Ay? Biro yan? Di ko sure sir." Sabi ko.

Tumawa lahat pero huminto ng mag-iba ang mukha ni sir Sungit. Biglang nagkumaripas ng pagtakbo papunta sa kani-kanilang stations ang mga empleyado.

"By the way Christian, punta ka muna sa office". Sabi ni sir Sungit.

Pumunta ako sa opisina ni sir Sungit. Tulad ng pagkatao niya, napakadull at boring ng opisina niya.

"Yes po?" Tanong ko.

"Umupo ka. Meron kang upcoming project para sa isang sports clothing line. We will have a meeting two weeks from now." Sabi niya sa akin.

"Ay bet. Anong sports po ba?" Tanong ko.

Of the Rainbow's Will [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon