This part is dedicated to Jastine Aubrey Santos and Rowell Mendoza. Mapapasana all ka nalang talaga sa lovelife nila. Happy advance motmot sa inyu!
At akoy hinihingal sa aming kalokohan. Pagdating namin sa office ay puro ako pawis at hingal na parang naghihingalo. Tawang-tawa si Fernan sa sitwasyon ko.
"*hingal na hingal*! Di ako makahinga! *hingal na hingal* Ang hirap huminga! Bakit ka...*hingal na hingal* tumatawa?" Tanong ko.
"Wala lang meron lang akong naiimagine. Haha!" Sabi ni Fernan.
Hayop! Kung di lang talaga ako obese di sana di ako humihingal ngayon. Sarap pektusan jusko! Nakahinga na ako at papuntang locker room.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya.
"Sa locker room. Magbibihis ako kasi nangangamoy pawis na ako." Sagot ko.
"Samahan na kita." Sabi niya.
"Ay teka lang, I know bago ka lang dito sa office pero di talaga ako sinasamahan ng mga empleyado dito kasi di nila kaya yung amoy ng pawis ko." Sabi ko.
"Weh, di ako naniniwala." Sabi niya.
At ayun lumabas na yung amoy ng pawis ko. Hindi sa naging pabaya ako but I tried to consult some dermatologists at hindi rin nila alam kung bakit ganito ako. I tried all skin care at umiwas ako sa bawang at sibuyas pero waley parin. Minsan nagtataka ako kung ano noong nakaraang buhay. Baka skunk? Ewan. Parang defense mechanism ko na to.
Tiningnan ko yung mukha ni Fernan at bakas sa mukha niya yung pagkasira ng mood niya dahil sa amoy. Well, sanay na sana ako sa mga reaksyon na ganyan pero bakit may konting kirot sa puso ko ngayon. Di ko na hinintay na laitin pa ako at dumirecho na ako sa locker room.
Buti nalang walang tao sa locker room at dumirecho ako sa loob at buti nalang talaga lagi akong handa sa mga ganito. Tinurn on ko lahat ng exhaust fan at saka hinubad ko yung polo ko. Nagsialisan yung mga daga at ipis sa locker room dahil mismo sila hindi makayanan yung amoy ko.
Kinuha ko yung especial na bimpo na pinupunas ko sa katawan ko. Meron kasi etong Apple Cider vinegar na may anti bacterial properties para hindi magkaroon ng amoy at putok yung katawan mo. Mabibili lamang ito sa mga suking sari-sari at grocery stores nationwide. Char endorsement. Haha!
Patapos na akong nagpupunas sa mga braso at kili-kili ko ng may dumating bigla sa locker room.
"Need a hand?" Sabi ng pamilyar na boses.
"Sinu bayan? Umalis ka na dito o baka mahimatay ka pa. Ayoko ng may casualties." Sabi ko.
Hindi sumagot at biglang kinuha yung bimpo sa kamay at pinupunasan yung likod ko. Nabigla ako at lumingon sa kanya.
"Fernan?" Gulat na sabi ko.
Oo. Si Fernan ang nakita ko pero meron syang suot na KN95 na mask. Di ko alam kung maiinsulto ako or kikiligin sa ginawa niya.
"Tumalikod ka. Ako na bahala." Sabi ni Fernan.
"Sure ka? natatakot ako. Dahan-dahanin mo lang." Sabi ko.
"Don't worry. I'll be gentle." Pabulong na sabi ni Fernan.
Bakit namumula ako habang pinupunasan niya. Jusko yung altapresyon ko! Kalma Christian! pinupunasan ka lang at hindi kinakanton!
Isinuot ko na yung bagong polo pagkatapos namin ginawa yon. Si Fernan pawis na pawis din kaya pinunasan ko rin yung noo niya. Umalma siya dahil siya nalang daw. Nang itinaas niya ang braso niya may naamoy ako.
"Okay, it's a tie!" Biro ko.
Inamoy ni Fernan yung kili-kili niya at biglang umasim yung pagmumukha niya. Nagmamadali siyang kunin yung bag niya sa locker niya at pumunta sa CR.
BINABASA MO ANG
Of the Rainbow's Will [ONGOING]
RomansaMay mga taong sadyang naniniwala sa mga haka-haka at kung ano-anong bagay na nagbibigay swerte o hiling at isa na rito si Christian. Matutulungan kaya sya sa kanyang paniniwala lalo na't may dalawang lalaking naglalaban sa puso niya?