"Ano ba kasi ang gusto mong mangyari?" Tanong ni Fernan sa akin.
"Wala! Wala akong gustong mangyari! Bakit ipinapipilitan mo yang tanong mo sa akin?" Sabi ko.
"Magtapat ka nga?! Are you still in love with your past? Are you still in love with EJ? Answer me!" Tanong niya na may halong galit at pagdududa
Di ako makasagot. Alam ko sa sarili ko ang totoo na mahal ko si EJ pero mahal ko rin sya.
"I think I know the answer. Salamat sa lahat Christian." Sabi ni Fernan at umalis.
Iyak ako ng iyak. Bakit ba humantong to sa ganito? Ayokong manakit ng tao pero nasasaktan sila sa mga ginagawa ko.
Tinatawagan ko sina Leo, Algean, Dara, Ray at Reine pero lahat sila di sumasagot. Pati narin sina Jason, DJ, at Nicole.
Tinawagan ko mama ko. Sinagot niya.
"Ma, di ko na kaya. Palagi ko nalang sinasaktan mga mahal ko sa buhay." Sabi ko habang umiiyak.
"Anak, wait bakit ka umiiyak? Nasaan ka?" Tanong ni mama habang natataranta.
Biglang kumulog at umulan ng malakas at kasabay nito ang pagdidilim ng paningin ko. Hindi ko na matandaan ang mga sumusunod pa na mga nangyari basta alam ko nakalutang na ako sa sahig at unti-unting nawawalan ng malay.
"Christian, sorry for what I.... Christian? Christian! What the actual fuck!" Sabi ni Fernan.
Pero huli na siya. Huli na ang lahat.
--------End of Prologue------
BINABASA MO ANG
Of the Rainbow's Will [ONGOING]
RomanceMay mga taong sadyang naniniwala sa mga haka-haka at kung ano-anong bagay na nagbibigay swerte o hiling at isa na rito si Christian. Matutulungan kaya sya sa kanyang paniniwala lalo na't may dalawang lalaking naglalaban sa puso niya?