"Don't give that look on me, Cailey. Alam mong napag-utusan lang ako ni Dad na sunduin ka." - sabi ni Kuya Xander na kasalukuyang nagdadrive. Sinundo niya kasi ako sa airport dahil kagagaling ko lang ng Korea.
"You told him didn't you?" - nakatiim - bagang na tanong ko sa kanya.
"What?!? No! We had a deal and you kept my secret hidden. Believe me Baby princess. I never told Dad about it and I don't really have any idea of why asked you to come home after all these years." - mahabang paliwanag niya.
Pumikit na lang ako at nagkunwaring tulog.About a week ago, Dad called Tita Ven, his younger sister na siyang nagpalaki sa akin. Sinabi niya kay Tita na kailangan kong umuwi ng Pilipinas. Labag yon sa kalooban ko at alam iyon ni Tita. But she said that I have to because maybe Dad had already have a change of mind and finally maybe it is time for him to be a father to me. Ako kasi ang sinisisi ni Dad sa pagkamatay ni Mom noon at dahil dito ay nagawa niya akong ipamigay, literal na ipamigay kina Tita Ven. Ni minsan ay hindi siya tumawag o kahit nagtext man lang para ikumusta ako. Tanging si Kuya lang ang bumibisita sa akin tuwing break nila sa school para makasama ako. He always tell me that it was never my fault.
"Hey baby princess. Wake up. We are already here." - gising ni Kuya sa akin.
Agad kong minulat ang mga mata ko at luminga linga sa paligid.
"Where are we?" - nakakunot noo kong tanong sa kanya
"We're here at your new school. Dad said na dito kita i diretso. It's a boarding school Cailey." - paliwanag niya
"He must really hate me." - bulong ko pero narinig ata ni Kuya dahil sinulyapan niya ako
"Baby princess -
" Can you accompany me to the Dean's office first? Then you can leave afterwards. "-putol ko sa kung anuman na sasabihin niya.
" You can just rest today then attend your class tomorrow. I will talk to the Dean about that. "-aniya habang papasok kami sa building.
Xavier Academy
Basa ko sa logo ng school sa may hagdanan papasok sa loob.
"Good morning, Mr. Park. It is nice seeing you again. Oh, this must be Caralee. She's already grown up now." - masiglang sabi nung Dean pero matalim ko lang siyang tinignan.
"Excuse me? I am Cailey Park, not Caralee. Siya naman pala hinihintay nila dito Kuya eh bakit di siya yong dinala mo?" - iritadong sabi ko sa kanilang dalawa na ikinagulat ng Dean.
"She is Caralee's twin sister, Mr. Davids. She's from Korea."-pakilala ni Kuya sa akin dun sa Dean na gulat na gulat pa rin.
"Oh, sorry. But, I j-just did not know Mr. Park has 3 children." - she apologetically said
"It's fine. He don't consider me as one anyway. Can I have my class sched now? It looks like my brother has something very important to say to you." - sabi ko sabay ngiti ng matamis sa kanya. Agad naman siyang tumalima para kunin yong class sched ko.
Sinulyapan ko lang si Kuya habang kinuha yong sched ko at yung mga gamit ko saka naglakad palabas at may sumalubong naman sa akin.
" Hi! Ihahatid na kita sa Dorm mo." - anito saka kinuha ang mga gamit ko at nauna na siyang naglakad
Sinundan ko lang siya habang palinga linga din sa paligid. Malawak ang school na ito pero mas malawak pa rin sa Korea.
"Here's your key and may roommate ka nga pala pero baka mamayang lunch na siya babalik dahil siguradong nasa klase pa siya." - sabi niya at iniabot ang susi ng room namin saka sya nagpaalam.
Pagkabukas ko ng pinto ay agad kong inilibot ang paninhin ko sa loob. Malawak sa loob na may dalawang kama at yung banda sa may bintana ang sa akin dahil wala pa iyong kagamit gamit. Nag unpack lang ako saka nagtungo sa banyo para magshower.
Nagriring yong phone ko ng lumabas ako ng banyo. Pero di ko muna ito sinagot ng malaman kong si Kuya yong tumatawag.Nagtext naman siya agad ng di ko sinagot ang tawag niya. Pero nagsuot muna ako ng shorts ko bago ko binasa yong message nya. Pero magsasando na sana ako ng biglang bumukas yong bintana at may pumasok na lalaki. Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko yung sando na isusuot ko sana at nanlalaki ang mga mata na napatitig sa mukha ng lalaki. Kamukha niya si Sehun ng EXO. Pero langhiya naman! Kahit si Sehun pa mismo yan nakakahiya! Naka bra at shorts lang ako!
Nang matauhan ako ay agad kong inabot yong towel sa kama at binalot ang sarili ko saka ko siya dinuro.
"Yah! Don't you know this is the girls Dorm!? Pervert ka ba? I'm going to report this -
" Ang ingay mo. "-bored na sabi niya sa kabila ng lahat ng sinabi ko.
Seriously??
" What?!? Sa dinami rami ng pwede mong sabihin like saying Sorry that's what you're going to tell me?" - bulyaw ko sa kanya. Pero ang damuho tinitigan niya lang ako habang naka poker face then naglakad na patungo sa pinto.
"Yah!" - sigaw ko ng malakas pero ang hudas tuloy-tuloy lang sa paglalakad hanggang mabuksan niya ang pinto at lumabas ng di man lang lumilingon.
"Aarrgh! You Jerk!!!!" - nanggigigil na sigaw ko na lang.
A/N:
Hi po! Sana po may magbasa ng story and pasensya na po kung medyo lame. First story ko pa lang kasi.. Hehe.. Anyway enjoy reading!
BINABASA MO ANG
Scared to Love
Teen FictionIs there such thing as Perfect Love? Love is Imperfect and that is what makes it Beautiful. Because of love, we get broader, we crumble down, shrink, become satisfied, become weak and become strong. Because of being hurt by the one we love, we learn...