"Bakit ang tagal niyo?" - nakataas kilay na bungad sa amin ni Ethan pagpasok pa lang namin sa pintuan ng room na inookupa ni Kuya
Tinaasan ko din siya ng kilay tsaka pinaningkitan si Jessica ng mata dahil alam kong nagdaldal na naman siya tungkol sa narinig nila. Iniwasan lang ako ng tingin ng bruha.Tss!
" Duh Ethan. Marami pong tao sa mall at may pila pa. Anong gusto mo makipagsiksikan kami? Tsk!" - sabi ko sa kanya pero binigyan niya lang ako ng nagdududang tingin saka bumaling kay Zach na tahimik lang na naupo sa sofa matapos niyang ilagay sa gilid yong mga pinamili namin
" Baka naman may ginawa pa kayong iba bukod sa pamimili ng groceries? "-tanong niya na nakatingin pa rin kay Zach na ngayon ay nakapikit na naman.
"Baka naman nagdate sila. May narinig kasi kami kanina nung kausap siya ni Jess sa phone eh. Ano na nga ulit yon Babe?" - sabi naman ni Jiro saka bumaling kay Jess na nakangisi
"Umamin ka nga Zach. May nangyari na ba sa inyo ng kapatid ko? Matagal na ba kayong magkakilala at tinago niyo lang sa amin?" - tanong naman ni Kuya kaya napatingin ako agad sa kanya
"What the heck Xander Park! Sapak gusto mo? At kung ano man ang narinig niyo kanina na siyang ikinalat niyo sa dalawang ugok na to walang ibig sabihin yon. Ang dudumi ng utak niyo!" - naiinis kong sabi sa kanila saka binalingan si Zach na tahimik lang na nakaupo
" At ikaw!"-turo ko sa kanya na agad niyang ikinalingon sa akin. Inirapan ko muna siya bago ipinagpatuloy ang sasabihin
" Wala ka bang balak na magsalita diyan habang iba yong iniisip nila?This was your fault for all I know!" - inis kong sabi sa kanya pero nagkibit balikat lang sya
"Eh anong ibig sabihin ng sinabi niyang 'nakita na niya lahat sayo'? And he also describe it as sexy. Ano sa tingin mo ang iisipin namin lalo na ako? Na matagal na kayong may relasyon at may nangyari na din sa inyo? Na kahit akong bestfriend mo eh hindi mo masabihan ng tungkol sa inyo? "-nakasimangot na tanong ni Jess sa akin
" Seriously? What he is saying is nung unang araw ko sa Xavier University. Yun ang unang pagkikita namin. "-sabi ko sa kanila na halatang naghihintay pa ng mas malawak na paliwanag ko. Psh!
"What?Unang araw pa lang kayong nagkakilala may nangyari na agad sa inyo?Oh my!Gurabe kayo!"- exaggerated na sabi ni Jess
" I accidentally entered her room that day because there were some idiots who have been following me. That's when I saw her. "-sa wakas ay sabi ni Zach
" Naked? "-tanong ni Kuya na nakataas na ang kilay na palipat lipat ang tingin sa amin ni Zach
"Kuya! How can you ask that question infront of me?" - pagalit kong sabi kay Kuya
"No. Just half naked." Kibit balikat na sagot ni Zach na ikinapula ng mukha ko sa inis at kahihiyan. Seriously these guys can really talk about it infront of me?
"Yieeeeeee! Nakakakilig naman pala meeting niyo eh." - ani Jess na para talagang kinikilig
"Baka ang gusto mong sabihin is nakakahiya?" - taas kilay kong tanong sa kanya pero ngumiti lang siya ng painosente.
"Akala ko may nangyari na sa inyo. Huwag na huwag mo lang sasaktan ang kapatid ko Zach kung ayaw mong samain sa akin. Walang kai kaibigan pag kapatid ko na ang usapan.Pero panagutan mo yan." - sabi ni Kuya na ikina nganga ko
BINABASA MO ANG
Scared to Love
Novela JuvenilIs there such thing as Perfect Love? Love is Imperfect and that is what makes it Beautiful. Because of love, we get broader, we crumble down, shrink, become satisfied, become weak and become strong. Because of being hurt by the one we love, we learn...