Cailey's POV
Kinuwento sa akin ni Tita yung mga ilan sa ala-ala nilang dalawa ni Mom. Tinanong ko na rin siya tungkol sa aksidente na sinasabi niya pero wala talaga akong matandaan o maalala tungkol dun.
Masarap kakwentuhan sina Ate Zari at Tita Czar. Madali ko lang sila nakagaanan ng loob. Inaya pa nila ako na sumama daw ako kay Zach pag umuwi siya sa kanila pero nginitian ko na lang.
"You've been smiling all day." - sabi ni Zach habang nagdadrive.
Pauwi na kasi kami. Tinawagan niya si Ethan kanina at pinakuha niya yung bigbike nito. Sabi ko kasi yun nalang gamitin ko pauwi dahil sigurado akong sasabunin ako ni Ethan pag binalik ko sa kanya yun kaya balak kong lambingin baka umubra.
Ang kaso ayaw pumayag nitong lalaking to dahil baka daw madisgrasya pa ako. Tsk! Di nga ako nasaktan nung papunta ako dun pag uwi pa kaya. Psh!
"Ang bait ng Mama at Ate mo no? Pero bakit ang sungit mo? Kanino ka nagmana?" - tanong ko saka siya tinignan pero he just glared at me.
"Oh, kita mo? Nagtatanong lang ako pero makatingin ka diyan para namang may ginawa akong masama sayo.Sumbong kita kay Tita eh." - sabi ko pero tahimik lang siya.
"Lee?" - tawag pansin nito sa akin
"Hmm?"
"You're not gonna marry him aren't you?" - tanong nito
"Who?"
"Zayne." - maikling sagot niya
"Who knows?" - sabi ko na lang saka tumawa.
I don't wanna marry him or even his brother. Pero alam ko ding kapalit nito ang pagtakwil ni Dad sa akin.
"Don't." - sabi niya saka tumingin sa akin.
"Why?"
"Because... because I don't want to see your life being controlled and ruined for the sake of others." - sabi nito then lumabas na saka ako pinagbuksan ng kotse.
"Zach-
" Don't think about anything that will hurt you. Ako na lang isipin mo para gumaan pakiramdam mo. "-sabi niya saka ako kinindatan.
"Paano naman gagaan pakiramdam ko pag inisip kita?" - taas kilay kong sabi sa kanya
"Sa guwapo kong to sinong di ngingiti pag naiisip ako?" - sabi niya kaya tumawa na lang ako
"Ang yabang mo. Sige na. Thank you." - sabi ko saka ngumiti sa kanya.
"For what?"
"For being always there for me.Lagi na lang ikaw yung nakakasaksi pag malungkot ako o kaya umiiyak ako. Salamat kasi pinapakinggan mo ako. I don't really have anyone para pagsabihan ng lahat kahit si Jess dahil nasanay ako na sinasarili na lang. But with you, you made me feel like I can trust you. "-seryosong sabi ko sa kanya
" Aba dapat lang na magpasalamat ka. Ako lang kasi nakakatiis sa mukha mo pag umiiyak ka. Dapat nga ilibre mo ako eh. "-sabi niya kaya inirapan ko.
" So sinasabi mong pangit ako ganun? "-inis kong tanong sa kanya
" Wala naman akong sinabi. Pasok ka na, crybaby. "-sabi niya habang tumatawa na tumakbo papasok ng kotse niya.
" Yah! "
" Good night, Lee. "-aniya saka pinasibad ang kotse niya.
"At saan ka galing? Uwi ba yan ng matinong babae? Maghapon kang wala tapos lalaki pala kasama mo? Yan ba ang itinuro ko sayo?" - bungad ni Jess sa akin
BINABASA MO ANG
Scared to Love
Teen FictionIs there such thing as Perfect Love? Love is Imperfect and that is what makes it Beautiful. Because of love, we get broader, we crumble down, shrink, become satisfied, become weak and become strong. Because of being hurt by the one we love, we learn...