Xander's POV
Agad-agad akong bumangon ng patayin ni Cailey ang tawag. Tinawagan ko rin si Ethan habang nagsusuot ng t-shirt pero nakakailang ring na di pa niya sinasagot.
Ibababa ko na sana pero may sumagot na.
"Oh Xander? Natutulog si Ethan eh. Kakagising ko rin lang." - sabi ni Jin sa tinatamad pang boses
"Gisingin mo siya at sabihin mong pumunta agad sa bahay. Ngayon na." - sabi ko
Ibinaba ko na din yong tawag saka nagtatakbo sa parking lot.
Pagkarating ko sa parking sakto tumatawag ulit si Ethan."May problema ba? Nasaan si Cailey, Xander? Nawawala yong bigbike ko." - bungad nito na halatang kakagising pa lang
"Yun siguro ang kinuha niya. Dumiretso ka sa bahay dahil sabi niya kaninang pupunta sya roon. Galit siya Ethan - Shit! Naman! Bat ngayon pa nagkatraffic?" - reklamo ko saka binusinahan yong nasa harapan ng kotse ko.
"Okay." - narinig kong sabi niya bago naputol yung tawag
Ano na naman bang ginawa ni Dad? Hindi basta basta uuwi si Cailey sa bahay lalo at bukas pa ng gabi yong family dinner namin.
Ethan's POV
Pinaharurot ko agad yong sasakyan at buti nakarating ako agad dahil rinig na rinig ko ang sigawan nina Cailey at Caralee kahit nasa gate pa lang ako. Lagot! Kapag nasa loob si Tito kawawa na naman si Cailey. Tumakbo ako papasok at saktong sinuntok ni Cailey si Caralee at tumama ito sa ilong ng huli.
Gulat na gulat si Cara pati na rin yong ilang kasambahay nila.
"You Bitch!"
"Cailey Park!"
Sabay na sabi nina Caralee at Tito na kakalabas lang galing sa library niya.
Lumapit ako agad sa kanila dahil galit na galit ang mukha ni Tito habang dahan dahang lumalapit sa kinaroroonan ng dalawa.
"You're the Bitch here Cara. How dare you!?! Ako pa talaga ang pagsasabihan mo ng ganyan? Matapos kang magpanggap na ako at lumapit kay Zayne para makipagbalikan sa kanya?" - nanggagalaiting tanong nito habang nakakuyom pa ang kamao at napakatalim na titig ang iginagawad sa kambal niya.
Napailing ako sa narinig. Wrong move, Cara. Tsk!
" Ano bang pinagsasabi mo? Do you think I'm as crazy as you? "-tanong naman pabalik ni Cara
"Oh. You're denying it? Bakit? Dahil ayaw mong malaman ng Ama mo ang ilan sa itinatago mo? So anong gusto mong sabihin ngayon? Na may nawawala tayong kakambal at siya ang kumausap kay Zayne kagabi ganun?" - sarkastikong turan nito
"Cailey, get out." - maalumanay pero halatang may autoridad na sabi ni Tito kaya napatingin agad si Cailey sa kanya saka tumawa.
"Daebak! Yan lang ba ang sasabihin mo sa akin? You won't even ask why I came here all of a sudden kahit na ayaw na ayaw ko ang bumalik sa bahay na to?" - tanong nito sa ama na hindi parin kinababakasan ng emosyon sa mukha.
"You already heard Dad. You should go. You are not even welcome-
" At kahit kailan di ko pinangarap na tumuntong ulit sa bahay na ito. At pwede ba? Wag kang sumabat dahil di ikaw ang pinagsasabihan ko. Mahilig ka talagang sumingit ano? "-putol ni Cailey sa sasabihin sana ni Cara
"I. Said. Go." - galit na galit na sabi ni Tito pero insimiran lang sya ni Cailey.
Tahimik ko lang silang tinitingnan at sana dumating na si Xander dahil di ko kayang umawat ng mag isa lang kung sakali.
BINABASA MO ANG
Scared to Love
Teen FictionIs there such thing as Perfect Love? Love is Imperfect and that is what makes it Beautiful. Because of love, we get broader, we crumble down, shrink, become satisfied, become weak and become strong. Because of being hurt by the one we love, we learn...