Chapter 7

12 3 0
                                    

Dalawang linggo na ang nakaraan mula ng maospital si Kuya at medyo naghihilom na ang sugat niya. Umuwi na rin siya sa condo niya. Lagi ko siyang binibisita dun kasama ko si Jess.

Sa school naman as usual klase lang dahil wala pa naman kaming mga activities. Kapag breaktime at lunch naman eh kasama namin lagi sina Ethan. Nung una eh nakakailang dahil lagi kaming pinagtitinginan ng mga estudyante pero di nagtagal eh nasanay na rin siguro sila.

Katulad na lang ngayon na kasama na naman namin sila.

"Akin yan! Ano ba Ethan may pera ka bumili ka nga!" - inis kong sabi kay Ethan saka hinampas yung kamay niya na kumukuha dun sa fries ko.

Nagpout lang ang loko!

"Yuck! Wag ka nga magpout dyan. Para kang bakla!" - nandidiring sabi ni Clein sa kanya

"Ang gwapo ko kaya! Di ba Baby princess?" - naka puppy eyes pang sabi nito sa akin pero inirapan ko lang. Natawa naman sila kaya napasimangot siya lalo.

"Sya nga pala, may secret admirer tong si Cailey. Kanina pagdating namin sa room eh may nakalagay na bulaklak sa mesa ng upuan niya." - kwento ni Jess sa kanila kaya lahat sila na sa akin na ang atensyon.

"What? Makatingin naman kayo." - sabi ko na lang

"Who is that person Baby princess? Siguraduhin mo lang na matino ang taong yan." - sabi ni Ethan kaya I rolled my eyes

"Duh! Kaya nga secret admirer kasi di ko kilala di ba? Papaano ko malalaman kung matino sya o ano?" - sabi ko sa kanya saka tinanggap yung chocolate ko na binuksan ni Zach saka niya pinagpatuloy ang paglalaro sa dulo ng buhok ko. Kami kasi yung magkatabi, well lagi siyang sa kanan ko umuupo at sa kaliwa ko naman si Jess katabi niya si Jiro.

Nung una naiilang pa ako pero nasanay na din ako. Ewan ko ba diyan at laging nakatabi sa akin pag andito kami sa canteen

"Kain ka ng kain ng chocolate Cailey. Baka tumaba ka niyan." - sabi ni Stanley sa akin

"Sexy kaya ako." - sabi ko naman kaya napatawa sila

"Sino nagsabi?"- tanong ni Jin

"Oh nakalimutan niyo na ba people?Syempre si Zach nagsabi."I have already seen those baby,no need to remind me how sexy it was". - ulit pa ni Jess sa sinabi noon ni Zach saka sila nagtawanan.Ipaalalla pa talaga eh

"Siya nga pala Cailey, dumating yung pinsan ko, si Jenny. Remember her?" - tanong ni Jess sa akin at agad ko naman naalala yung girl na nagpahiram ng damit sa akin noong natapunan ako ng alak sa bar sa Korea noon. Minsan kasi siyang isinama ni Jess nong nagbar kami noon.

" Yeah. Di ba sa Cali siya? "-tanong ko naman

" Yup pero magbabakasyon kasi sila ng boyfriend niya for a week or two. Anyway, nag aya magbar tonight." - sabi nito kaya tumango ako.

"Okay." - sabi ko pero umangal si Ethan

"Nagpaalam ka ba sa Kuya mo?" - taas kilay nitong tanong sa akin

"Malaki na ako Ethan. Kaya ko ang sarili ko no." - sabi ko na lang

"Palagi nga yang nagbabar sa Korea eh." - sabat naman ni Jin kaya iningosan ko siya.

"Wag kang masyadong gabihin at wag ka ring uminom." - sabi ni Ethan kaya napakunot noo ako

"Eh di para mo na ring sinabing wag siyang pumunta niyan." - sabi naman ni Stanley

"Malaki na siya. Tsaka alangan namang maglalasing yan eh di napahamak pa siya." - sabi naman ni Clein

"Sasama na lang kami." - sabi naman ni Jiro

Scared to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon