Cailey's POV
Maaga akong nagising dahil sa tawag ni Kuya. Uuwi na daw siya mamayang gabi. At dahil hindi na rin naman ako makatulog, napagpasyahan kong magluto na lang ng almusal namin ni Jess. Habang nagluluto ako ay may tumawag na unknown number kaya nag alinlangan akong sagutin ito pero sinagot ko din sa huli.
"Hello?"
"Hey,Sky." - aning napakapamilyar na boses sa kabilang linya. Hindi ako agad nakasagot sa pagkabigla dahil iisang tao lang ang nasa isip ko.
"It's me, Snow. Narito ako ngayon sa Pilipinas and balita ko -
" What? Anong ginagawa mo dito sa Pilipinas? "-nagtatakang tanong ko sa kanya.
" I will explain later. Let's meet. Bored na bored na ako rito sa condo. I will text you the details. "-sabi nito at saka pinatay ang tawag. Binilisan ko naman ang pagluluto at agad nagtungo sa banyo para maligo. Saktong paglabas ko ay nakita ko si Jess na nakaupo sa kama ko.
" May lakad ka ngayon? "-tanong niya na tinanguan ko.
" Nakaluto na ako ng almusal. Initin mo na lang." - sabi ko sa kanya bago siya lumabas dahil magbibihis ako.
Nang makarating ako sa coffee shop na tinext ni Snow ay agad ko naman siyang namataan dahil kapansin pansin naman talaga siya. She still have that platinum blonde hair pero wala na yung higlights nito na red.
Napangiti ako ng mapansing nakasimangot ito at alam ko na ang dahilan. She hates attention but she is already in the spotlight merely because of her hair color that she kept receiving those stares. Lumapit na ako sa kanya at napanganga siya ng makita ako at unti unting kumunot ang noo niya."The heck! Anyare sayo?" - gulat niyang tanong kaya inirapan ko.
"Bakit? Masama bang magbago ng hairstyle?" - nakangising sagot ko sa kanya pero ang bruha inirapan lang din ako. Bigla naman siyang tumayo at hinatak ako palabas diretso sa motor niya.
"You have to change that hairstyle of yours. Baka sa susunod mapagkamalan ko na naman yong kakambal mo na ikaw." - sabi niya na ikinataas ng kilay ko
"You saw her?" - usisa ko
"Yes and muntik ko pa siyang yakapin but I came to realize how much you hate dresses." - aniya saka inabot ang helmet sa akin
"Hop in." - aniya kaya sinuot ko na lang iyon at sumakay at bigla niyang pinaharurot papunta sa isang salon.
"What color do you want? My treat!" - nakangiti na sabi niya
"Yung dati." - sagot ko habang nakangisi at mas lumawak ang ngiti niya.
"Platinum blonde with sky blue higlights."
Pumasok naman kami agad at binati siya ng mga tao roon.
Napansin niya siguro ang pagtataka sa mukha ko kaya sinabi niyang pagmamay ari niya ang salon at dahil sa Korea siya namamalagi ay iba ang nagmamanage nito.Ipinaliwanag niya sa isang staff ang gagawin sa buhok ko
BINABASA MO ANG
Scared to Love
Teen FictionIs there such thing as Perfect Love? Love is Imperfect and that is what makes it Beautiful. Because of love, we get broader, we crumble down, shrink, become satisfied, become weak and become strong. Because of being hurt by the one we love, we learn...