Chapter 4

18 5 0
                                    

Zach's POV

Tahimik lang akong nakaub-ob sa mesa habang nakikinig sa usapan ng mga kasama ko.

"Why are you so excited to go Ley? Didn't you miss me?" - narinig kong tanong nung kakambal ni Cailey ayon sa pagpapakilala niya kanina.

Ilang minuto na ang lumipas pero di pa sumasagot si Cailey at kanina pa binabanggit ni Jess ang pangalan niya.

Nagtaas ako ng ulo para makita kung ano ang nangyayari pero bahagya akong nagulat ng makita ko silang dalawa na nakatayo.

Kung hindi ko lang matandaan ang suot ni Cailey ay hindi ko makikilala kung sino siya sa kanila.

Pero di lang yun ang nakakuha ng atensyon ko dahil nababakas sa mukha niya ang sakit at lungkot kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha na di niya namamalayan dahil nakating lang siya sa kapatid pero parang di naman siya ang tinitingnan niya.

Bahagya ng tumaas ang boses ni Jess na kanina pa siya tinatawag kaya naman agad nagbalik ang atensyon ni Cailey sa amin.

Agad siyang umiwas ng tingin at nagpunas ng luha saka walang sali salitang tumalikod palayo sa amin. Hindi na niya pinansin ang pagtawag sa kanya ni Jess.

"Ahm, pasensya na kayo ha? Sadyang ganun lang talaga yun pag naaalala niya si Mom. Maybe because she is still guilty hanggang ngayon." - sabi ng kambal ni Cailey at ngumiti ulit sa amin.

Tss!

"Nagagawa mo pang ngumiti sa lagay na yan Cara. You know how it affects her and hurt her everytime she hears that nickname. Why are you doing this to her?" - medyo galit na turan ni Jessica kay Caralee

"Hindi ko kasalanan na guilty pa rin siya sa pagkawala ni Mom, Jess." - sagot naman nito na bahagyang nakakitaan pa ng galit ang mukha.

"Alam mo sa sarili mo mismo na hindi totoo yang sinasabi mo. Alam mo ang totoong nangyari Cara." - mariin na sabi ni Jess sa babae.

" I'm leaving." - paalam ko sa kanila at nagdirediretso na ng lakad palabas.

Wala namang nagreklamo sa kanila kasi alam nilang nabobored na naman ako.

Malapit na ako sa kotse ko ng makita ko si Cailey sa gilid ng poste na nakaupo. Ano na naman ba ang ginagawa niya don?Akala ko ba umalis na siya?

Napakunot noo ako habang nakatingin sa kanya.

Naramdaman niya siguro na may nakatingin sa kanya kaya agad siyang nag angat ng tingin at nagsalubong ang mga mata namin.

Lumiwanag ang mukha niya na kanina lang ay parang pinagsakluban ng langit pero agad ding kumunot ang noo niya then her nose crinkled at nagbuntong hininga saka yumuko ulit.

Di ko na lang siya pinansin at nagpunta na sa kotse ko but before I could start the engine, someone opened the other door of my car then komportableng naupo sa passenger seat.

"Can you please give me a ride?Kahit hanggang dorm lang naman. Ituon mo na lang ang pansin mo sa harap para kunyari wala ako dito." - aniya saka nag seatbelt then pumikit na.

"Out." - I said while looking at her intently.

Agad naman siyang nagmulat ng mata then diretsong tumingin sa akin.

"Hey Dude! Isipin mo na lang na bumabawi ka sa pagpasok mo bigla sa room ko at makakita ng di dapat makita. Nakalimutan ko ung wallet at phone ko kaya di ako makahanap ng sasakyan." - aniya na talagang diniinan pa yong Bigla. The nerve of this woman!

Cailey's POV

" Tss! "-ani Zach pero inandar din naman niya yong kotse.

Oo na! Ako na ang makapal ang mukha para makisakay! Eh sa alangan namang lakarin ko papuntang dorm.

Scared to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon