*Bzzzt*Bzzzt*Bzzzt
Kanina pa nagba vibrate ang phone ko pero di ko sinasagot. Eh sa unknown number. Nag-ayos na lang ako at nagpuntang cafeteria. Gutom na ako at nawala ang antok at pagod ko dahil sa lalaking yun.
Nagtanong tanong ako kung saan banda ang cafeteria dahil ko pa naman masyado alam ang pasikut-sikot dito.Dumiretso ako agad sa pila dahil baka mamaya matagalan pa ako pag dumating na ang ibang estudyante.
May nahanap naman ako ahad na table na medyo nasa gilid malapit sa pintuan. Susubo na sana ako ng may naupo sa harapan ko. Agad akong napairap ng makita ang damuho.
"Yah! Bakit di mo man lang ako ininform na umuwi ka na pala? And you're even going to study here." - sabi ni Ethan na nakapout pa. Kaibigan siya ni Kuya Xander, bestfriend to be exact.
Tinaasan ko lang siya ng kilay pero ginulo lang niya ang buhok ko. Tsk!
" Baby princess, I know it's you. Mas maganda ka kaysa kay Cara eh." - sabi niya na malawak pa ang ngiti.
Sapukin ko kaya to? Magkamukha lang kaya kami. Tsk!
Baby princess ang tawag nilang dalawa sa akin ni Kuya. Sa totoo lang, magkaedad sila ni Kuya pero mas naunang magtapos si Kuya kaysa sa kanya dahil naaksidente siya noon na siyang nagpatigil ng isang taon sa kanya sa pag aaral. Sa Korea siya noon dinala para ipagamot at doon ko siya nakilala hanggang naging close na din kami. Tanda ko pa nga kung gaano siya kagulat nung makita ako. Nang makauwi siya rito sa Pilipinas, kada bakasyon ay sumasama siya sa kapatid ko kapag binibisita ako ni Kuya.
"Pagkain ko yan!" - sabi ko sabay tampal sa kamay niya kumuha sa pizza ko.
"Tss. Ang damot talaga." - nakapout na aniya
Kaya hindi ko siya tinatawag na Kuya dahil may pagka isip bata sya.
"May pera ka naman ah. Go buy your own food." - sabi ko pero sumimangot lang ang loko.
"Ethan, practice daw tayo mamaya." - sabi ng isang guy na biglang sumulpot at naupo sa tabi ni Ethan. He seems familiar.
"Yeah. Gusto mo manood Baby princess?" - tanong ni Ethan na nagpataas ng kilay nung lalaki.
"Gf mo?" - tanong nito kay Ethan
"Nope! Kapatid siya ni Xander. Cailey Park." - pakilala ni Ethan sa akin dun sa lalaki
"Hi! I'm Jiro Han. Nice to meet you Cailey." - sabi nito na tinanguan ko lang
"Ganyan talaga yan. Masungit sa mga pangit." - sabi ni Ethan at tumawa pa
"So finally, alam mo na kung bakit masungit ako sayo?" - sabi ko na ikinatawa ni Jiro at napasimangot naman si Ethan
"Aping - api talaga ako sayo, Baby princess." - nakasimangot na sabi niya habang tumatawa pa rin si Jiro
"Ang saya natin ngayon pareng Jiro ah." - sabi ng isa sa dalawang lalaki na dumating at nakipag apir kina Ethan at Jiro.
"Gf mo pre?" - tanong nung super cute na guy kay Ethan
"Mukha bang papatol ako sa kulugong yan?" - tanong ko habang nakataas kilay pa.
Napatawa sila sa tinuran ko na siyang nakakuha ng atensyon ng mga estudyante sa paligid.
"Kulugo ka pala eh." - natatawang sabi ng kasama nung cute guy.
"Pero alam mo, you look famiar." - sabi ni Cute guy habang nakahawak pa sa baba niya na akala mo ang lalim ng iniisip.
"Naku yang mga linyang yan Clein, laos na yan!" - sabi ni Jiro kay Cute guy na Clein pala ang pangalan.
"Hindi. Para talagang -
" Cailey? Babe?" - putol ng isang boses sa sinasabi ni Clein at lahat kami napatingin sa nagsalita.
" Tama! Ikaw yung nakita namin ni Stanley sa cellphone ni Jin. Di ba sya yon?" - tanong ni Clein dun sa kasama niya na Stanley ang pangalan
Tumango lang ito.
" Teka, bakit Babe ang tawag niya sayo? Boyfriend mo sya Baby princess?" - takang tanong ni Ethan then napataas kilay sya. Okay, he looks like Kuya.
" Hindi ah. Ambisyoso lang talaga yan." - sabi ko kaya natawa sila. Napasimangot naman si Jin.
"Babe naman! Ang kj mo talaga." - sabi ni Jin sa akin pero nginisihan ko lang siya.
Well, I met Jin in Korea. Nang minsang nagbakasyon sya sa Korea eh nagkataong sya ang nahila ko noon at sinabing boyfriend ko dun sa taong umaali aligid sa akin para tigilan na niya ako.
Simula noon lagi na niya akong inaasar na kesyo daw bakit di ko na lang aminin na na love at first sight ako sa kanya. Dun din nagsimula ang aming "friendship" kung tawagin niya.
"Zach dito!" - biglang sigaw ni Stanley.
Napalingon ako dun sa tinawag niya at agad din akong nag iwas ng tingin ng mamukhaan ko kung sino yung tinawag niya.
Siya yun! Yung guy na pumasok sa kwarto ko at kamukha ni Sehun!
Naku naman! Baka makilala niya ako. Nakakahiya! Paano ba umalis ng di nila nahahalata? Sana mapatid siya at di na makalakad pa. Ugh! Bakit kasi magkakakilala sila?

BINABASA MO ANG
Scared to Love
Teen FictionIs there such thing as Perfect Love? Love is Imperfect and that is what makes it Beautiful. Because of love, we get broader, we crumble down, shrink, become satisfied, become weak and become strong. Because of being hurt by the one we love, we learn...