Part 1: Prologue

1.3K 32 10
                                    

Kung sa kuwentong gasgas...

Prologue

(ANG UNANG PAGKIKITA)

SELF TALK: Makakapag-YOLO YOLO ba ako kung ang daming bills?



BAL: Emo mode ka na naman sa Starbucks 'no? 'Di man lang mag-take out ng kape. Selfish always, eh?

Me: For what? Para may mai-post ka na naman? Puro ka selfie. Mag-aral ka!

BAL: Nag-selfie lang, di na agad nag-aaral? Judgmental much. 'Te?

Me: Ano'ng proof mong nag-aaral ka? Essay sa Filipino na three over ten ang score mo?

BAL: Ang harsh mo! Ba't sa Filipino agad? Weakness ko 'yan. Try mo sa—

Me: Sa P.E? Kasi exercises at sayaw sayaw? Na bet na bet mo kasi naka-P.E uniform? Na nakakalusot ang make up mong I woke up like this day look, gano'n?

BAL: Ang bitter mo sa earth, ate Geline. Kaya ang dry ng life mo, eh! Wala ka pang twenty-two parang old maid na ang datingan. Maging cool ka rin kaya minsan? Loosen up, hello? Ba't ang serious mo sa life? Parang laging may contest ang peg? May flight 'te? May flight? Feeling mo laging may race? Try mo naman maging carefree minsan! You only live once—Yolo!

Me: Ah, carefree ba? Try ko 'yan mula next week. Basta ikaw ang bahala sa lahat ng bills natin, ha?

BAL: Ay, 'wag naman gano'n. Minor pa ako para ma-stress sa bills—"

Me: Sa on and off na padala ni Mama, 'tingin mo, saan kaya tayo pinulot pagkamatay ni Lola Yeng kung nag-Yolo Yolo ako, Ana May?

BAL: So, ano'ng new sa Starbucks, 'Te?

Me: 'Di ko pa rin ma-explain bakit ang mahal ng kape nila. At 'yung guy...

BAL: Si Kuya Pogi? Hashtag boyfriend goals?

Me: Nando'n na naman...

BAL: The same guy na nakuwento mo dati?

Me: Ang lungkot pa rin ng eyes niya...

BAL: Tapos?

Me: Tapos na.

BAL: WTF? Tapos na? Name man lang 'di mo nalaman? Twice mo nang nakita na lungkot-lungkutan, 'di ka man lang nag-effort? Tumitig ka lang ulit? Ang serious mo sa life pero slow ka sa paghahanap ng love? 'Yan tayo, eh. Siguro, kaya tayo iniiwan, kasi nakulangan sila sa landi—

Me: Ay, leche! 'Wag mong maungkat-ungkat ang ex kong makati, Ana May!

BAL: So, 'yon nga. Hindi ka man naglandi ng slight, Ate? Chance mo na sa new love!

ME: Ang layo ng tingin ni Kuya kasi! Alam mo 'yon—"

BAL: Hindi pa. Hindi ko pa alam.

Me: Parang ang lalim ng pain niya. Parang sobrang lungkot...

BAL: Grabe siya! Nakatingin lang sa labas, deep pain agad? Sobrang lungkot agad? Hindi puwedeng ayaw ka lang kausap?

Me: Isa pa, Ana May. One month kang walang allowance!

BAL: 'To naman. Joke lang!



#Pagibig 1 (Pag-ibig Now)PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon