18. Conversation

280 17 9
                                    

Kung sa gasgas na kuwentong pag-ibig...

(PAG-UUSAP)

SELF TALK: Kung lalaki at babae kayong magkasama at sinabi ni guy na 'Lipat ako' at sumagot si girl ng 'wait kita' magse-sex na ba agad? Sa akin, hindi! Lipat siya, wait ko siya, 'yon lang 'yon! Kuwentuhan lang kami! Sex agad? Hindi lahat gano'n, besh!

PARA akong statue na nakasandal sa headboard ng kama. Si Prince, nakahiga sa kama ko, walang unan. Ang unan, yakap niya. Nakasubsob pa ang half ng mukha at nakapikit. Parang adik na adik sa tulog talaga. Pero ang cute niyang panoorin na ganoon. Parang ang amo, ang vulnerable. Ang cute pala ng guy na matangkad at maganda ang balikat at biceps na nasa tabi mo lang at parang antok na antok.

Twin bed ang nasa room pero nasa isang bed lang kami—sa bed ko.

Kanina, bago ko siya pinapasok, nilinaw ko talaga kung bakit kami nasa iisang room.

"Kuwentuhan lang, walang sex, okay?" ang sinabi ko, nakaangat pa ang isang kilay at deretso sa mga mata niya ang titig. "Baka lang maling message ang nasa-send ko nang 'di ko alam. Mas malinaw, mas okay. Lumipat ka ba for sex o usap lang?"

Nag-half smile na naman siya. "Sex."

Bigla kong itinulak pasara ang pinto—na pinigilan ng kamay niya. "Wala pang foreplay, break na agad?"

"Seryoso ako, Kuya!"

Nawala na ang hindi buong ngiti niya. "Usap lang, Ate."

"Okay." Hinila ko na uli pabukas ang pinto at tinalikuran ko na siya. Naramdaman kong ginulo niya ang buhok ko bago niya ako nilampasan. Mas nauna pa siyang nag-dive sa kama ko.

Ngayon, heto na kami. Magkatabi sa kama. Ako nakaupo at nakasandal lang, siya naman, nakahiga. Hindi ko alam kung bored siya o inaantok na. Ako, okay lang. Naaaliw akong panoorin siyang ganoon lang. Okay nga lang na hindi na kami lumabas, eh. Okay lang din na matulog siya—panonoorin ko pa rin siyang matulog.

"Cute pala ang ganitong moment, 'no?" ang opening line ko. "Sa couple siguro, sweet moment 'to. Sa 'tin, cute lang..." Cute, kasi wala akong ibang maisip na term. Kaswal kong inabot ang buhok niya at magaang hinagod. Ginulo din naman kasi niya ang buhok ko kanina, ibinabalik ko lang.

Nagmulat si Prince ng mga mata. Tumingin sa akin. Wala akong mabasang visible emotion sa mukha at mga mata niya.

"Ginulo mo naman kanina ang hair ko, eh. Gumanti lang ako. Bawal touch ba?"

"Simple touch could lead to sex."

Bigla kong binawi ang kamay ko. "Nakaka-tempt ka lang hawakan. Cute mo 'pag ganito, eh," honest na sabi ko. "Pero added na sa rule. No touching—"

"Touch me all you want," putol ni Prince. "I don't mind."

"Ah, so gusto mong magpa-touch? Safe naman ang touch ko, sa buhok lang, o!"

"Hindi naman cute puppy ang tingin mo sa akin niyan?"

"Parang gano'n actually," ibinalik ko ang kamay ko sa buhok niya. Balik ako sa maingat na haplos. Baka nga kung aso or pusa siyang nasa tabi ko, ganoon din ang ginagawa ko. Feeling ko may something warm na effect sa puso ko ang ginagawa kong paghagod sa buhok niya. "Prince?"

"Hmn?"

"'Yung mga strangers na nagmi-meet 'tapos parang ganito—magkasama na sa short journey...'tapos, nagse-sex na 'pag game sila both, 'di ba? Nabasa ko somewhere, everybody do it daw—casual sex. Parang exercise na lang nila. Gagawin whenever they feel like doing it. Buhay naman nila 'yon kaya no one has the right to dictate how they should live their lives 'di ba? Happy naman sila do'n so, go lang. Deadma na sa opinyon ng iba sa tama at mali," nag-pause ako. "Ilang taon ka na?"

#Pagibig 1 (Pag-ibig Now)PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon