23. Hope

306 14 2
                                    

"O, BAKIT? 'Di puwedeng mag-change mind?" nakatitig sa akin si Prince na parang duda sa sinabi ko—na gusto ko na lang mag-stay sa guest house kaysa mag-trek. "Gusto ko na lang matulog after natin sa church, bawal ba?" Nag-decide akong sa simbahan na lang pumunta. Wala rin naman sa list ko ang pumunta sa sementeryo at sa mga hanging coffins. Trekking sa echo valley game ako pero dahil umulan ng nagdaang gabi, naisip kong baka maputik or madulas ang daan.

"Kung ang way ang worry mo, sasabihin naman ng guide kung hindi tayo safe. Okay ang weather ngayon."

"Sa church na lang ako after breakfast," sabi ko. "Kung may iba kang gustong gawin, go lang. Lalo kung caving, ikaw na lang. Kaya mo na 'yon."

"Saan mo gustong mag-breakfast?"

"Ano 'yan, wish list?" balik ko. "Yoghurt House or Lemon Pie house—wish ko lang 'yan. Sa malapit na lang at mura," at tinawanan ko ang sarili. Sa totoo lang, medyo #shookt ako sa presyo ng pagkain sa Sagada. Mahal, mga beshy! At sa ordinaryong Filipino na gaya kong tipid na tipid ang budget sa travel, ang three times a day na pagkain ng mahal, lagas na lagas sa limited budget!

Malapit na kami sa van. Si Kuya Mabli, nasa labas lang ng sasakyan. Bukas na rin ang van.

Na-witness namin ang perfect view ng sunrise na mapapabuntong-hininga ka na lang talaga sa ganda. Hindi ako nagsising Sagada ang napili kong puntahan sa biglaang 'Independence Week' ko. Sa pagtanaw ko sa sunrise, feeling ko, sinasabi sa akin ng Universe na 'hey, drama queen, life is beautiful! Stop the dramas! LIVE!

Naisip ko, ang dami kong nakikitang kulang sa buhay ko. Ang dami kong hinahanap na wala ako—kami ng mga kapatid ko—na mayroon ang iba. Ang dami kong gustong gawin, gustong abutin, gustong marating—nang sabay sabay at mabilis kasi pakiramdam ko, ang dami ko nang sinayang na oras. Pakiramdam ko, lahat ng mga batchmates, classmates at barkada at kakilala, nagagawa ang mga gustong gawin, naabot na ang gustong abutin. At ako, naiwan na.

Sa pagtitig sa perfect view ng sunrise, na-realize ko, hindi lang ganda ng bagong araw ang ipinapangako ng sunrise, fresh start din. Naisip ko, ang sunrise, constant reminder sa atin na laging may bagong araw. Na laging may bagong simula. Na kahit gaano kahirap ang natapos na araw o kadilim ang gabi, laging matatapos at sisilip ang bagong umaga. Laging may chance na magsimula uli ang bawat tao.

Ang sunrise proof ng pag-asa. Synonym ng chance. Chance na laging nasa bagong umaga. At ang mga hindi ko nagawa, ang mga hindi ko pa naaabot na pangarap, magagawa at maaabot ko pa. Kung hindi ngayon, bukas, sa susunod na bukas o sa mga susunod pa. Hindi pala ako dapat nada-down. Hindi pa naman end of the world eh, ibig sabihin may chance pa. Hindi naman race ang buhay ko. Wala rin naman na naghahamon sa akin. Kasalanan ko pala na pressured ako at stress lagi. Kasi gusto ko gawin lahat at gusto ko gawin nang sabay sabay at agad agad—na imposible. Hindi ako dapat makipagsabayan sa mga tao sa paligid ko kasi iba ang journey nila. Iba rin ang timeline. Ang sa akin, may tamang panahon rin. Kung hindi pa ngayon, baka sa mga susunod na bagong araw. Kung nasa picture ang kuwento ng buhay ko, malalaglag rin sa mga tamang lugar ang pieces ng puzzle at mabubuo rin perfect image—sa tamang panahon.

May perfect time para sa akin.

Slow down. Live one day at time, paalala ko sa sarili habang kinukuhanan ng picture ang sunrise. Na-miss ko bigla ang mga kapatid ko. Sana kasama ko sila at nakikita rin ang super gandang view na iyon.

"Sa Yoghurt house na lang," sabi ni Prince. "Then take out na lang tayo ng lemon pie—"

"Okay na ako'ng mag-cup noodles lang, Prince," agaw ko. Iniisip ko ang budget ko hanggang sa Corazon. Hindi puwedeng sa Sagada pa lang, ubos na. Ang kapal naman ng mukha ko kung dedepende ako kay Prince sa expenses. "Sa guest house na lang. Go ka na sa plan mo for the day. Ako na'ng bahala sa sarili ko."

Umandar na ang van paalis sa viewpoint. Si Kuya Mabli, busy nang mag-recommend ng mga puwede naming gawin. Isa isa na rin niyang binanggit ang mga restaurant na kilala sa Sagada na masarap daw ang pagkain. Ni-recommend din niyang tikman daw namin ang Pinikpikan at iba pang pagkain na dinadayo ng mga turista.

Tango at ngiti lang ang reaksiyon ko sa mga sinasabi ni Kuya Mabli. Wish ko lang, kaya ng budget kong tikman lahat ng binanggit niyang pagkain. Pero hindi. Mahal kasi. One fifty to five hundred per meal—pang turista talaga! Deleted na agad sa list ko ang food trip. Hindi kaya, beshy!

At ako na 'to breathe' lang talaga ang sadya sa Sagada at hindi talaga turistang may sapat na budget, sa simpleng karenderya lang ang bagsak. Pero simpleng karenderya na nga lang, mahal pa rin talaga. Ang abusada ko naman kung magpapalibre ako nang magpapalibre kay Prince. Hindi ko naman siya sugar daddy!

"May friend akong bibisitahin," ang sinabi ni Prince. "Samahan mo ako, sagot ko na ang breakfast."

Kung may kapalit na favor ang free food, hindi ako magi-guilty.

"Game ako diyan," ngiti ko. "Saan kita sasamahan?"

"Mabli," tawag ni Prince sa atensiyon ng driver slash tour guide namin. "Kilala mo ang mga Callanta?"

"Si Andoy, Sir? Boyfriend ng bunsong apo ni Don Alfonso Banal? Sa shop ka ba pupunta o sa bahay?"

"Hindi si Lex. Si Pacifico Callanta."

"Ah! Kilala ko. Kilala ko, siyempre. Kaibigan siya ng Don. Saan ba tayo? Sa bahay o sa kubo?"

"Sa kubo."

"Sige, Sir. Nasa kubo nga si Sir Ico nang ganitong oras."

HANGGANG sa main road lang ang van. Ang kubo ni Pacifico Callanta nasa gitna ng gulayan. Mula sa main road, ilang minutong lakaran pa sa hindi pantay na daan pababa.

Si Kuya Mabli, naghintay na lang sa van. Itinuro lang sa amin ang kubo na natatanaw sa main road. Mababa pa ang araw kaya ramdam na ramdam ang lamig. Foggy pa at nasa mga halaman ang hamog.

"Ingat, Ma'am, Sir, medyo madulas at nagpuputik ang daan pababa." Si Kuya Mabli pagkalabas namin ng van. Sumunod na ako kay Prince—na huminto pagkatapos ng mga apat pa lang na hakbang palayo sa van.

"Mabli," si Prince sa tour guide namin. "Okay na kami. Cancel na ang trek. Sa sunset na lang tayo sa Lake Danum."

"Ah, gano'n ba, Sir? Sayang naman ang bayad n'yo sa buong araw na tour." Full payment na kasi kami sa whole day tour. Split by two. Half-half kami ni Prince. Naka-less ako ng half dahil sa presence niya. Kung ako mag-isa, shoulder ko lahat ng payment.

"Ayos lang. 'Kuha ka na lang ng ibang tourist group. Walang problema kung may kasabay kami sa van sa afternoon tour."

"Talaga, sir?" si Kuya Mabli na obvious sa mukha na natuwa. "Ayos lang din ba kay Ma'am?" Nalipat sa akin ang tingin niya.

Agad na ngumiti ako. "Oo naman, Kuya Mabli!" Magaang balik ko. "Go na po, 'tuloy na ang raket habang maaga pa."

Ngiting-ngiti si Kuya Mabli na nagpasalamat uli. Kinuha agad niya ang cell phone at may tinawagan. Hula ko, nag-arrange na ng morning tour sa contact niya. Hindi ko nga lang naintindihan ang usapan. Dialect yata sa lugar ang gamit niya. Sayang nga naman ang oras kung hihintayin lang niya kami. Paid na ang whole day tour namin kaya hindi man kami natuloy sa echo valley, walang nawala kay Kuya Mabli. May extra kita pa siya.

"Princess," saka pa lang bumalik ang tingin ko kay Prince. "'Baba na tayo," at itinuloy na niya ang pagbaba sa maliit lang na daan papunta sa kubo ni Pacifico Callanta. Tumango ako at sumunod na. Sabay lang kaming napalingon nang bumusina ang van, nakangiting kumaway si Kuya Mabli bago umalis.

#Pagibig 1 (Pag-ibig Now)PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon