17. Invitation

223 14 3
                                    

"LUCKY pa rin tayo," sabi ko kay Prince. Paakyat na kami sa second floor ng guest house. Si Manong Ombet, nagpaiwan. Naghahanap ng space para manigarilyo. Hindi na natuloy ang plano naming maglakad lakad pagkatapos ng lunch na lampas na sa lunchtime—umulan na.

Nauna na kami ni Prince na umakyat sa second floor. Susunod na lang daw si Manong Ombet na na-convince na naming mag-overnight na lang. May dalawang rooms for two sa second floor at may dalawa rin sa ibaba.

"Umulan man ngayon, ready na tayo sa tour bukas," sa tourism office kami dumeretso kanina para sa registration. Sa office na rin kami humingi ng recommendation para sa safe tour at legit tourist guide. Nakausap na ni Prince through cell phone ang magiging tour guide namin kinabukasan. Ready na rin ang service van na maghahatid sa amin sa Kiltepan Viewpoint. "Rest na lang talaga tayo ngayon. Ayaw makisama ng universe sa gala," dagdag ko. "Gala is life but tulog is lifer!"

"Sa dinner na ako gigising nito," sabi ni Prince. "Naging favorite bigla ng katawan ko ang kama—" napatigil siya nang bigla kong dinama ang noo niya. Nakaawang pa ang bibig, obvious na hindi inaasahan ang biglang hawak ko.

"Okay ka na, eh," sabi ko. "Gusto lang ng katawan mo siguro ng dagdag pahinga. Malamig kasi talaga, masarap matulog. 'Tapos medyo bugbog pa sa biyahe. Masakit din ang katawan mo?"

"Mag-o-offer ka ng massage?"

"Hindi po. Tinanong ko lang talaga. Masakit katawan ko, eh."

"Massage kita?"

"'Wag na, 'no? Tulog ka na lang. Mabinat ka pa diyan. Maaga tayo bukas. Gising tayo ng dinner time, rest a little 'tapos tulog uli. Whole day ba tayo sa labas bukas?"

"Whole day."

"Ang aga natin sa Kiltepan. Four AM ang call time. Kaya mo ang lamig? Galing ka lang sa sakit, eh." Nasa tapat na kami ng pinto ng room ko. "Ano'ng oras ka lalabas?"

"Text kita." At inabot niya sa akin ang phone niya. "Save your number." Napatitig muna ako sa kanya. Na-realize ko, parang ang haba na ng tatlong araw na lumipas. At ngayon, number ko na ang kinukuha niya.

Dapat ba? Pangalan nga namin, hindi binigay sa isa't isa. Bakit kailangan ng cell phone number?

Tinanggap ko ang gadget, ilang seconds din na tumingin lang ako sa screen. Hindi ako nag-store ng number ko. "Katok ka na lang," sabi ko kay Prince. Kung real names nga, parehong hindi pa namin alam, bakit pa ako magbibigay ng personal number?

Kung pang-one week lang ang sharing game, wala dapat maiwang bakas pagkatapos ng isang linggo. Wala dapat link na magko-konek sa amin uli pagkaalis namin sa huling lugar.

Nag-half smile si Prince nang hindi ako nag-save ng number sa cell phone niya. "Takot ka na agad na ma-reach after a week?"

"Wala dapat extension ang sharing game."

"Bakit wala dapat?"

Nagtama ang mga mata namin. Bukas na ang pinto pero hindi pa ako nakapasok agad. Si Prince naman, parang gusto pang tumambay sa room mo.

"Basta, wala dapat..."

"Marami ka bang balak gawin na gusto mong kalimutan din agad?"

"Mabilis akong mag-share—lalo na ng mga hanash ko sa mundo. Ang nega ko pa minsan. Ampalaya girl pa! Let's put it this way, kung nag-decide kang maghubad at ipakita sa isang tao lahat ng imperfection sa katawan mo—na may ugly scars ka, unwanted na moles, dark spots, kamot at kung ano ano pang hindi maganda—comfortable ka pa bang kasama siya kung alam mong lagi ka nang hubad sa mga mata niya?"

Hindi na umimik si Prince. Napatitig lang sa akin ng ilang seconds 'tapos simpleng tango lang. "Pasok ka na."

"Matutulog ka na agad?" tanong ko. Gusto kong ibagsak sa kama ang katawan ko pero hindi pa naman ako inaantok.

"Ikaw?"

"Hindi pa naman."

"Lipat ako?"

Ngumiti ako. "Wait kita."

#Pagibig 1 (Pag-ibig Now)PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon