24. Friends

344 14 3
                                    

Kung sa gasgas na kuwentong pag-ibig...

(MGA TAO SA PALIGID NIYA)

SELF TALK: 'Yung journey n'yo na pinag-usapang may period sa dulo pero nakikilala mo na paisa-isa ang mga taong malapit sa kanya? Nakaka-tempt i-change sa comma ang period, beshy!

SA MGA unang minuto, wala akong problema sa pagbaba. Basang lupa lang talaga na dumidikit sa sapatos. Pero mayamaya, natakot na ako. Pababa kasi nang pababa ang way. Feeling ko, sa maling hakbang ko, gugulong ako pababa. Ang proof na may problema ako sa pagbaba, pahaba nang pahaba ang distansiya namin ni Prince.

"Prince!" tawag ko para bumagal man lang ang mga hakbang niya. "'Jogging na lang ba tayo papunta sa church?" Mga twenty to thirty five minutes sigurong deretsong takbo ang distansiya ng lugar na iyon kung nasaan kami at ng simbahan. Marami ang napansin kong naglalakad at safe naman ang lugar. Marami nga na mga foreigners ang lakad lang nang lakad, naka-sleeveless at shorts pa at may mga sukbit na malalaking backpack.

Lumingon si Prince—na nagtaka pa yata sa distansiya namin. Tama lang pala na binasag ko ang katahimikan. Napansin niyang naiiwan na ako. "Okay lang, 'wag ka nang bumalik," pigil ko nang hahakbang sana siya pabalik. "Wait mo na lang ako diyan." Ingat na ingat ang sumunod kong mga hakbang. Wala namang problema sa akin ang mag-trek or mahabang minuto ng jogging, pero sa madulas, makitid at pababang way na sa gulayan sa ibaba ako babagsak kapag nagkamali ng apak, wala akong masyadong tiwala sa sarili ko. Kailangan ng extra ingat. Automatic na naghahanap ng makakapitan ang kamay ko sa bawat hakbang—wala nga lang kaya parang may slight panic akong nararamdaman.

Hinintay ako ni Prince. Umatras siya at hinayaan akong mauna. Nagtakang napatingin ako sa kanya.

"Mas okay kung ako ang naiiwan," sabi niya. "Ingat. Medyo madulas—" hindi na natapos ni Prince. Dumulas na nga ang paa ko. Salamat sa maagap niyang pag-alalay, hindi ako napaupo sa nagpuputik na daan.

"Thanks. Muntik na 'yon, ah." Mahigpit at magaang hawak ang naramdaman ko—sa braso at sa baywang. Hinayaan muna niya akong makatayo nang maayos bago ako inalalayan. Naulit pa ng dalawang beses ang muntik kong pagkadulas. Feeling ko, may invisible na kaaway na nagjo-joke or asar sa akin kaya itinutulak ako. Ingat na ingat naman kasi ako sa paghakbang. Pinipili ko pa ang aapakan, 'yong hindi masyadong maputik. Pero sa kung anong joke ng universe, saka naman ako nadudulas. O siguro, hindi lang talaga ako sanay sa ganoong way. Sa bawat pag-apak ko, automatic talaga na naghahanap ng handrail ang kamay ko.

Pinigilan ni Prince ang braso ko. Na-freeze ang susunod kong hakbang. Wala nang isang hakbang ang pagitan namin paglingon ko. "Hindi ka aabot sa kubo na safe," sabi niya, parang nagpipigil ng ngiti. Naglahad siya ng kamay. Napatitig ako ng ilang seconds sa bare hand niya, at naalala kong suot ko pa rin ang gray gloves niya. "Ako na muna ang handrail mo," dagdag niya.

Napangiti ako. "Napansin mo?" Halatang halata pala naghahanap ako ng mahahawakan sa bawat hakbang. Kasi naman, feeling ko, gugulong talaga ako pababa anytime.

"'Kapit ka sa akin. You'll be safe."

"Sure ka?"

Hindi siya sumagot, mas inilapit lang ang kamay.

"Baka sabay tayong gumulong pababa, ah?" Inabot ko ang kamay niya. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak, at hayun na naman, naisip ko na namang fit na fit ang maliit kong kamay sa hawak niya.

Naglakad na uli kami—una ako, nakaalalay naman si Prince sa bawat hakbang ko. Tama nga siya, naghahanap lang ako ng 'handrail'. Nang hawak ko na kasi ang kamay niya at nararamdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa bawat paghakbang ko pababa, hindi na ako nagkamali ng apak or nadulas. Naging smooth na ang pagbaba namin. Naisip ko tuloy, hindi talaga ang makitid at matarik na daan pababa ang problema ko—ang isip ko. Takot ako sa bawat paghakbang kasi wala akong makapitan. Hindi ako panatag. Nasa panic mode. Pero kung may handrail, confident akong hindi malalaglag, kaya iyon ang hinahanap ng kamay ko unconsciously.

#Pagibig 1 (Pag-ibig Now)PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon