22. Closer

281 14 3
                                    

Kung sa gasgas na kuwentong pag-ibig...

(KILIG)

SELF TALK: May view na parang nagsasabing ang ganda ng paparating na bagong araw. Ang perf talaga! Ang saya sanang mangarap ng future mo kasama siya. Kaya lang, na-realize mo, wala ka palang boyfriend. Saklap, bes!

"Princess? Princess..."

Hindi ako si Princess. 'Antok pa ako. Hu u ka sa akin.

"Hey, wake up."

Ayoko pa. Ang lamig...

"Nasa 'baba na ang sundo natin. C'mon, sleepyhead. Gising na."

Safe touch 'yung tap sa arm ko at sa cheek pero 'yung hindi inalis agad ang kamay kaya na-feel ko 'yung warmth? At 'yung naging haplos 'yung tap lang? Nagising talaga pati inaantok pang kaluluwa ko, beshy!

"Okay na. Gising na ako. Okay na, Prince."

"Parang hindi pa."

"Gising na nga, eh. Shhh!"

"Bangon na."

"Two minutes pa—"

"Male-late tayo sa sunrise."

"Gising na ako. Babangon na talaga—Prince!"

Wala na akong nagawa pa. Hindi rin ako na-save ng unan, blanket at kama na super comfortable at warm. Binuhat na lang ako bigla ni Prince at dinala sa banyo. Hindi na enough na sapilitan akong inalis sa comfort ng kama, inihilamos lang naman niya sa mukha ko ang basang kamay!

Na inulit pa talaga.

Nagising na ako—at natawa na lang nang makitang nagpipigil siya ng tawa habang nakatingin sa akin. "You're cute," ang sinabi bago ako iniwan sa banyo.

Pagtingin ko sa salamin, #shookt ako sa sariling reflection. Sobrang gulo ng buhok ko!

Saka ko naalalang ginulo niya ang buhok ko kagabi. Saka ko naalala ang back hug. Saka ko naalalang hindi ako nag-react o kumilos man lang. Saka ko naalalang nag-enjoy ako sa warmth na galing sa kanya kasi malamig talaga. Saka ko naalalang ilang minuto lang, nakatulog na siya. Saka ko naalalang mga twenty minutes pa sigurong hindi muna ako kumilos. Saka ko naalalang hinintay ko pa na maging malalim na ang tulog ni Prince. Saka ko naalalang noon lang ako kumilos at maingat na umalis sa yakap niya.

Saka ko naalalang lumipat ako sa kabilang kama. Saka ko naalalang humiga ako nang nakaharap kay Prince. Saka ko naalalang ang tagal na pinanood ko lang siyang tulog na. Saka ko naalalang pinapanood ko pa rin siya hanggang naging malabo na lang ang mukha niya sa mga mata ko...

Wala na akong naalala pagkatapos—nakatulog na kasi ako.

WALA pa yatang five AM iyon, nasa Kiltepan Peak na kami. Wala kaming kasamang ibang tourist sa van. Kami lang ni Prince at ang driver slash tour guide na si Kuya Mabli—matangkad, dark skinned at medyo payat, mga thirty seven o forty years old sa hula ko. Sa simula pa lang ng biyahe, halatang halata na pamilyar na pamilyar si Kuya Mabli sa lugar. Nakuwento rin niya ang laking tulong daw ng Turismo sa lugar sa kanilang mga locals. Ang ang mga businesses daw sa Sagada, mga Igorot ang may-ari. Hindi ko na naitanong kung lahat ba ng business establishment, owned and managed ng mga kababayan niya. Kung oo, mas maganda. Deserve nila iyon. Deserve nila ang lahat ng magandang bagay na maibibigay ng lugar sa mga locals.

Kanya kanyang puweso ang mga tourist na naghihintay ng sunrise. May mga nagka-kape sa small store, may mga nagkukuwentuhan sa dilim, may grupong malakas ang tawanan, may mga couple na nagyayakapan, mas marami ang nasa tabi ng apoy, nagpapainit—kasama kami ni Prince na nakaupo nang magkatabi kaharap ang apoy.

"'Buti na lang talaga hindi na umulan," ako na naman ang nag-start ng conversation. Kasama yata talaga sa talent ni Prince ang makatagal ng buong araw na hindi magsalita. Parang best friend talaga niya ang katahimikan. Katahimikan na kung hindi ko babasagin, lagi lang kaming sasakupin.

"Mukhang good weather. Makikita natin ang sunrise."

"Mukha nga. Magpapakita 'yang perfect view na 'yan, tiwala lang." Pinagkiskis ko ang mga kamay at inilapit sa apoy. Ang lamig talaga. Balot na balot ako pero parang nanunuot pa rin ang lamig.

Napatingin ako kay Prince nang hinawakan niya ang kamay ko. Isang kamay na lang niya ang may guwantes. Hinubad na pala ang isa para isuot sa akin. Wala akong nasabi. Parang nag-blank bigla ang utak ko. Ang na-feel ko na lang, ang warmth ng kamay niya na nagkulong sa malamig at maliit kong kamay. Hindi ko gusto ang naisip ko that moment—na parang saktong sakto ang maliit na kamay ko sa malapad na kamay niya.

Isinuot ni Prince ang isa pang guwantes sa kaliwang kamay ko.

"Better?"

Napalunok muna ako, na wish kong sana hindi halata. "T-Thanks..."

Katahimikan.

Ang comforting ng warmth ng guwantes ni Prince pero na-guilty ako. Ang lamig talaga. Si Prince naman ang walang proteksiyon ang kamay kasi nag-let go siya ng guwantes.

Kinalabit ko siya. "Akin na'ng kamay mo," magaang sabi ko. "Hawakan ko na lang para share tayo sa warmth ng gloves mo."

Bumaba lang ang tingin niya sa nakalahad kong kamay. Hindi siya kumilos. Hindi ginawa ang gusto ko.

"Magi-guilty ako—"

Inakbayan niya ako at kinabig—maingat lang, napahilig na ako sa katawan niya. At mula sa braso ko, dumulas ang kamay niya sa right hand ko. Kasunod kong naramdaman na hinahawakan na rin niya ang isa pang kamay ko.

"Okay lang or let go?" halos bulong na lang na tanong niya. May mga katabi kami malapit sa apoy pero feeling ko, ako lang ang nakarinig ng boses niya.

"Aarte pa ba ako?" magaang balik ko. Ayokong maging awkward moment iyon. Gusto kong maging komportable. "Ang lamig kaya..."

Hindi na siya umimik. Huminga lang nang malalim.

"Thank you..." sobrang hina na lang na nasabi ko. Sa malamig na paligid na may nag-o-offer ng warmth, ang hirap magpakatatag. Mas madaling bumigay na lang. Mas sumandal ako kay Prince. Sayang naman ang moment. Ang moment na iyon na kung couple kami, ang sweet. Hindi man dapat, nag-feeling girlfriend muna ako sa yakap ni Prince.

Bakit ba? Free naman mangarap, ah?

Right there, nag-decide na ako agad. Wala nang isip isip pa—sasama ako kay Prince sa Corazon.

#Pagibig 1 (Pag-ibig Now)PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon