19. What Is Love?

255 11 2
                                    

UMUULAN pa rin. Mga six thirty na siguro iyon. Nasa room pa rin kami—room ko. Si Prince, tinamad na yatang lumipat sa room niya. Nasa isang bed pa rin kami, nakatalikod sa isa't isa. Si Prince nakaharap sa empty bed, ako naman sa bandang pintuan.

Hindi na ako magugulat kung tulog na naman siya. Nagre-recover yata talaga ang katawan niya kaya nagde-demand ng full rest. Ako naman, gusto ko lang humilata talaga. Kung mag-isa lang ako sa Sagada sa ganoong weather, malamang, flat lang ang likod ko sa kama at tutok sa kisame ang titig. Babangon lang ako kapag nagutom pa.

Ang presence ni Prince sa biyahe na iyon, dagdag spice. May kausap ako. May kasamang kumain, may ka-share sa bed—ka-share lang, literal iyon. Hindi ka-sex. Naisip ko bigla, kung hindi siguro ako lumaki sa konserbatibong lola, baka nagse-sex na kami ni Prince nang mga oras na iyon.

Pero hindi ko gustong tingnan ang sex na mababaw na 'sex lang'. Kung gagawin ko man iyon sa labas ng matrimony, sisiguraduhin ko na sa taong mahal ko talaga. Na hindi lang para sa physical pleasure, na hindi lang dahil sa init ng katawan na kailangan ng release.

Sige na, ako na ang old soul na naligaw sa henerasyon ng mga millennials.

Ano'ng masama do'n?

Hindi ako in?

Eh, ano ngayon?

Hindi ako sumasabay sa galaw ng crowd?

Bakit, hindi ba puwedeng mag-iba ng way?

Eh, gusto ko ng ibang way. Nakakabawas ba ng pagkatao? Hindi naman, 'di ba? Maglalakad nga lang akong mag-isa. Walang puwedeng sabayan, walang puwedeng makausap, walang makakapitan sakaling mapagod. Pero sa pag-iisang iyon ay mas tahimik. Walang distraction. Wala ang dikta ng iba. Walang pressure na dahil nasa iisang crowd kami, kailangan ko nang makipagsabayan. Kailangan ko nang maging gaya rin nila. Kailangan ko nang gawin rin ang mga ginagawa nila.

Puwede naman na maging iba.

Puwede naman na maging komportable sa pag-iisa.

Basta hindi ko lang makikita ang mga 'reminder' sa newsfeed na hindi na talaga ako kasama sa 'crowd'.

Lakas maka-down, eh!

"Princess?"

"O? 'Kala ko tulog ka?"

"Ano'ng iniisip mo?"

"Social media pa rin at love. Ikaw?"

"What is love?"

"Ikaw muna?"

"Pain."

"Aw!"

"What is love?" balik niya akin.

"Facebook status!" bigla kong sabi, hindi pinag-isipan. Hindi na kasi private talaga ang mga relationship. Nasa Facebook status na ang mga hugot, diga, photos, videos at kung ano ano pang may kinalaman sa relasyon at pag-ibig. Ang mga couple, parang required nang may happy at 'feeling in love' post na maraming likes at comments.

Na-curious ako sa sagot ni Prince.

"Bakit pain? Ayaw mong i-share?"

Author's Note:
Release na po ang Pag-ibig 1: Pag-ibig Now.  Nasa Precious Pages store, Precious Pages online, ebook, and online sellers na ang copies. :)

Sa #MIBF, September 15, 2019, 1 pm onwards, may book signing po kami. Sa mga gusto magpa-sign, wait ko kayo. Kita-kita tayo!

Thank you. :)

 :)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
#Pagibig 1 (Pag-ibig Now)PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon