Part 9: Firsts

353 16 7
                                    

Rewind tayo sa past. He was my firsts—firs love and first heart break. Friend-to-lovers ang story namin. At parang gasgas rin na kuwento, third party ang reason ng break up. Nag-cheat si Geof—Gregor Alfonso Mitran ang name niya. Pagkatapos ng break-up, sumama na siya sa Lolo niya sa province nila sa Mindanao. Ang alam ko, temporary lang ang pag-stay niya sa Lolo. Nasa New Zealand ang mommy niya at ang plano, susunod talaga siya. Kung nasa Mindanao pa o New Zealand na, hindi ko alam. Gusto ko kasing mapadali ang pag-move on ko kaya in-unfriend ko siya agad at in-unfollow sa social media. Immature move daw? Wala akong pakialam sa opinyon ng mundo sa akin. Eh, sa pang-a-unfriend mapapadali ang pagputol ko sa sinira niyang first ever relationship ko.

In-unfriend pero ini-stalk pa rin ang profile, akusa ng iba sa mga ex girlfriend na gaya ko. Sila lang 'yon! Ako, hindi na. Naisip ko pero never ko nang ginawa. Kaya wala na akong alam tungkol kay Geof.

Na-realize ko, hindi pala dapat ako pumasok sa relationship sa ganoong age. Legit voter na ako, oo, pero sa relasyon, hindi lang age dapat ang mature—mas dapat utak. Hindi magwo-work out ang relasyon na kilig-kilig lang.

Nag-focus na ako sa sarili pagkatapos ng break up namin ni Geof. And after graduation, sa work naman at bago kong responsibilities.

Na-realize ko ngayon lang, millennial old soul akong naiwan sa bilis na pagbabago ng mundo.

Sa modernong mundo ngayon, hindi pa rin pala ako game sa one-night stand. Hindi pa rin ako willing mag-engage sa casual sex. At kung sa sex ang start ng #PagibigNow at iyon ang laro ni Prince, nasa maling lugar ako.

Sa maling tao ako nag-start ng friendly conversation.

MGA nasa mid-fifties na babae ang sumalubong sa amin ni Prince pagkababa ng sasakyan. Bibitbitin ko sana ang mga bagahe ko pero maagap si Mang Joaquin. Siya na lang daw ang magpapasok.

"Misis ko, Sir," narinig kong sabi ni Mang Joaquin kay Prince. "Si Sefa."

Sa mga naisip ko kanina habang nasa backseat kami ni Prince, hindi na ako lumapit sa kanya para umalalay. Baka maling message pala ang nase-send ko nang wala akong ideya. Gusto kong mag-try ng mga bagay na hindi ko pa nagawa dati; mag-start ng conversation sa lalaking hindi ko kilala, yes, pero ang ini-expect kong result ay new friendship, hindi bed partner!

Mga two steps na ang layo ni Prince sa akin, medyo gumiwang siya. Napalapit ako. Hindi ko rin natiis na tingnan lang siyang bumagsak. Umalalay na naman ako. Sa sarili, iniisip kong umalis na pagkahatid ko sa kanya sa kuwarto—hindi, sa living room na lang. Makikisuyo na lang ako kay Mang Joaquin na ihatid ako sa place na madaling sumakay ng taxi. Nakakahiya naman kasi kung magpapahatid pa ako sa city proper.

"Sa taas ang kuwarto, Sir, Ma'am," sabi ni Manang Sefa. "Nakahanda na rin ang mesa." Kumilos siya para tulungan si Mang Joaquin sa mga gamit namin.

"Lunch na muna tayo," sabi ni Prince sa akin. Ang baba ng boses, sing-bagal ng mga hakbang niya. Halatang hindi na talaga maganda ang pakiramdam.

Paglingon ko kina Mang Joaquin at Manang Sefa, bitbit na nila ang mga gamit namin. Bigla naman akong naalarma. Napagkamalan yata ng dalawa na magkasama talaga kami ni Prince. Ang mas malala, baka naisip pa nilang girlfriend ako!

"Ah, diyan...diyan na lang po ang things ko," sabi ko kay Manang Sefa. Siya kasi ang may bitbit sa mga gamit ko. Sa living room ang sinasabi ko. Baka maipasok pa sa kuwarto ni Prince, mahirap na. "Aalis din po ako—ahm, after lunch." Nakakapit ako sa braso ni Prince kaya huminto rin siya nang huminto ako.

"Hindi mo gustong dito na lang mag-stay?" si Prince sa akin. "Sabi mo short ka sa budget?"

"Okay lang," sabi ko naman agad. "One night lang naman. Maghahanap ako ng mura—"

#Pagibig 1 (Pag-ibig Now)PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon