Meet The President

609 26 4
                                    

Vice's POV

Kabado ako habang nagbibihis sa loob ng walk in closet ko. Officially, first day ko bilang president ng Gonzaga Co. Kanina pa ako papakit ng suot. Naka white na dress shirt ako ngayon at royal blue na suit at gold na cufflinks. Tinatali ko na yung royal blue ko din na tie na may gold dots nung mak kumatok.

"Vice! Mr. President!"

Si Anton. Agad ko siyang pinagbuksan dahil alam kong nasend na sakaniya ni Rax yung schedule ko. Lumabas na din naman ako ng walk in closet at sinipat niya muna ako mula ulo hanggang paa bago nag thumbs up.

"Uy. Pogi ah. Baka pwede mo naman akonh ipagshopping din ng ganyang wardrobe. Since secretary mo naman ako."

Nakangisi niyang sabi. Natawa naman ako at tinapos na yung pagtatali ko ng neck tie bago nagsalita.

"Oo naman. Sa weekend. Ano schedule ko today."

Sabi ko habang nagaayos ng buhok sa harap ng salamin. Binuksan niya kaagad yung ipad niya at tinignan yun.

"Okay. First thing in the morning, breakfast with your CEO. I think business breakfast to. Wag kang assuming. Tapos 10am meron kang formal introduction. 11am meron kang launch sa Taguig tapos 2pm meron nasa pictorial ka. With CEO."

Sabi niya. Napakunot naman ako noo sa narinig bago nagsimulang maglakad palabas ng kwarto. Naabutan ko si nanay sa sofa na nakade kwatro at nagbabasa ng diyaryo. Humalik ako sakaniya.

"Good morning, nay. Anything interesting sa balita?"

Nakangiti kong tanong. Binaba niya yung newspaper na hawak niya at ngumiti saakin bago kinurot pa ang pisngi ko. Natawa nalang ako, pakiramdam ko bata ako na nilalambing ng nanay ko. Nakakataba ng puso.

"Well, ito. Interesting. Gonzaga Co. appoints prince to be its new President."

Basa niya sa headline. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Tinignan ko yung nrwspaper, totoo nga. Natawa naman si nanay sa reaction ko. Kinuha niya yung kamay ko at pinisil ng kaunti.

"Anak, ito bang CEO na ito ang dahilan kung bakit ayaw mong magpakasal kay Karylle?"

Deretsahang tanong ni nanay saakin sabay turo sa picture ni Jaki na nasa front page. Naubo ako ng kaunti bago humalik sa noo niya at kunwaring tumingin sa relo.

"Naku, nay! Malelate na pala ako oh. Naku. Hayaan mo, ipapakilala kita sakaniya. Pag sinagot na niya ako."

Sabi ko sabay lalakad palabas. Narinig kong tumawa siya pero hindi ko na nilingon. Tinaasan naman ako ni Anton ng kilay bago kami sumakay sa kotse. Si PSG ang nagdrive.

"Nasaan nga pala si Negi? Parang hindi ko nararamdaman ang aura niya?"

Tanong ko kay Anton. Nagroll lang siya ng mata bago naglabas ng cellphone. May kung ano siyang hinahanap dun at nung makita niya eh pinakita din niya saakin. Picture yun ni Negi habang may kasamang lalakeng mukhang foreigner sa beach. Napailing na lang ako.

"Rumampa ni hindi nagsabi?"

May tampong sabi ko sakaniya. Natawa na lang din siya at napailing.

"Naku, nagtext nga lang saakin nung nakasakay na ng eroplano at nasa runway na eh."

Sabi naman ni Anton. Umiling na lang ako at nagsimula nang ibrief si Anton ng kaunti tungkol sa kumpaniya. Mabuti nalang talaga at part ng research project namin tong kunpaniya na to noon.

"Itong si Tom, bakit ba katingkati na makipag merge?"

Kunot noong tanong niya nung mapagusapan namin yung merger na ipinipilit ni Tom kay Jaki. Bumuntong hininga ako habang inaalala yung gabi na kinausap niya ako sa bar.

Maldita Kong BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon