Vice's PoV
Masamang masama ang mood ko, umagang umaga palang. Bigla kasing nag transform si Jaki kanina.
"So? Anong kailangan nating gawin? I suggest isara na natin entirely yung Mindanao. Mas malaki na ang gastos kesa sa kita. Ilipat na lang natin sa Luzon at Visayas yung mga para dun."
Nakakunot noo kong sabi sa head ng sales. Nagtinginan naman silang lahat na parang hindi makapaniwala sa suhestyon ko.
"With all due respect Sir. Baka pwedeng bigyan niyo naman ng chance yung site? Madami pong empleyado na mawawalan ng trabaho."
Sabi niya. Lalong nangunot yung noo ko sa sinabi niya. Napatayo ako at namulsa. Now I get it, kung bakit halos gunawin ni Jaki kanina tong coference hall.
"With alldue respect too, Mr. Navarro, we are doing business here and not charity. We are encountering loses that you can't even imagine. I will do what is best for this business. Now, any contentions or violent reaction, you can directly go to the CEO."
Sabi ko sabay sarado ng folder na naglalaman ng reports nila. Walang kumibo sakanila habang nagaayos kami ni Anton ng gamit. Pagkalabas na pagkalabas ko ng room ay napahapyawan ko yung usapan nila sa loob.
"Sino ba siya sa akala niya? Secretary lang yan dati ni Ms. Gonzaga eh. Bakit ba siya ang ginawang President. Totoo ba yung balita na may relasyon sila?"
Napakuyumos ako ng kamao pero hindi ko sila pinansin. Mamayang gabi na lang ako gaganti sa mga baklang yun. Kunot na kunot ang noo ko nung pumasok ako ng opisina ko kaya hindi ko kaagad napansin si Bella na nakaupo sa sofa.
"Ton, pakicheck yung sunod kong appointment at pakiprepare ako ng status report. Gagawa ako ng request for closure mamaya."
Sabi ko kay Anton na nagtetake down notes habang kasunod ko. Umupo ako sa swivel chair ko napasapo sa ulo. Saglit pa ay may naramdaman akong mga kamay na nagmamasahe sa mga balikat ko. Napalingon ako.
"Bells? Hi. Why are you here?"
Gulat na tanong ko habang ninanamnam yung ginagawa niya. Nakakarelieve ng stress eh.
"I need to tell you something. About... Ehem.. Something personal."
Sabi niya sabay tingin kay Anton na mukhang nagets naman kaagad yung gustong mangyari ni Bella.
"Ahh. Sige. Vice, gagawin ko muna yung pinapagawa mo."
Sabi niya sabay ngingiti ngiting lumabas ng office ko. Inikot ko naman yung swivel chair ko para makaharap kay Bella. Nagdekwatro ako habang pinapanood siyang naglalakad papunta sa harap ng floor to ceiling window ng opisina. Itinaas niya yung blinds, dahilan para mapuno ng liwanag yung loob.
"I messaged Jasmine. Guess what? Nakikipag meet siya. Mamayang lunch."
Nakangising sabi niya saakin. Napakunot ako ng noo bago ako tumayo to join her. Pinanood namin yung mga kotse sa baba at mga taomg naglalakad sa kalsada.
"Why? Is this still about Jaki?"
Sabi ko sabay pamulsa. Nagkibit balikat siya at humalukipkip.
"I just want to know if the rumors are true."
Sabi niya saakin. Napaisip naman ako.
"I don't know if... If I want to know and I'm not sure kung ready ako sa pwedeng malaman ko."
Sabi ko sakaniya. Tumingin lang siya sa mga mata ko bago kinuha yung kamay ko at marahang pinisil.
"Kaya mo yan. Besides, kung ikaw nga napagbago niya di ba? Meaning, siya din pwedeng magbago para sayo."
BINABASA MO ANG
Maldita Kong Boss
RomantizmDala lang ito ng imahinasyon ng nagsulat. May pagkakatulad man sa tunay buhay. Lahat ng pangyayari sa kwentong ito ay kathang isip lang.