Vice's POV
Nakasakay na kami ng kotse pabalik ng hotel nung biglang may tumawag kay Jaki. Nasilip ko ng kaunti. TD yung name.
"Hello, Tom? Ano nanaman?"
Iritableng sabi niya. Hindi ko naman narinig yung sagot nung nasa kabilang linya pero nakita kong kumunot yung noo niya.
"No. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko kailangan...."
Sabi niya na mukhang pinutol kaagad nga kausap. Base sa expression ng mukha niya eh hindi niya gusto yung takbo ng usapan.
"May nakuha na kaming investors from Europe. May imemeet pa akong isa bukas. So, ko kailangan yang merger na yan."
Inis na sabi niya sabay baba ng telepono. Napahilot siya sa sentido niya kaya alam kong naistress na siya. Inalis ko yung kamay niya at ako ang nag-masahe sa ulo niya. Napapikit lang siya.
"Masugid din yung Tom na yun no? Yung kumpaniya ba talaga ang interes niya, o ikaw?"
Tanong ko. Natawa naman siya ng kaunti at si PSG eh napalingon saamin. PSG ang tawag ko kasi hindi ko maintindihan yung pangalan niya.
"Selos ka naman."
Biro ni Jaki. Huminto ako sa pagmamasahe sa ulo niya tapos natawa.
"Lakas din eh. Iba din. Curious lang ako, bakit niya pinupush."
Sabi ko. Sasagot sana siya kaso naunahan siya ni PSG.
"Gusto niya si Jaki at yung kumpaniya. Alam niyo ba na yung tatay niya ang utak kaya nagkaroon ng Gonzaga Co? Brain child niya yung company pero lumago dahil sa tatay ni Miss Jaki."
Sabi niya. Nagtinginan kami ni Jaki.
"Ano pang alam mo PSG? Alam mo ba kung bakit misteryoso ang Bermuda Traingle?"
Biro ko sakaniya. Lakas maka Kuya Kim nito eh. Parang magkahawig pa sila ah.
"Naloka ako sa PSG mo ha. Pero tama siya. Ako at ang kumpaniya ang gusto ni Tom. Ganda ko no?"
Sabi ni Jaki. Tumango lang ako sabay hawak sa kamay niya.
"Sorry na lang siya. Gusto din kita at ang kumpaniya mo."
Biro ko. Nahampas niya muna ako bago siya natawa.
"Pero kung totoo yung mga chika nitong si PSG, magiinvest ako sa company mo."
Sabi ko habang tinitignan yung kamay namin na magkahawak. Bagay na bagay pala oh. Hinalikan ko yung kamay niya. Nagulat naman siya pero nakarekober kaagad.
"Kaya mong bilhin kahit yung buong kumpaniya nila. Barya lang yun para sayo."
Sabi naman ni PSG. Natawa ako sa sinabi niya. Ayaw kong maniwala pero baka totoo nga. Tinignan ko si Jaki.
"Wag kang magalala, hindi ko kukunin sayo yung company. Ang tanging gusto ko lang eh alagaan ka at ang mga bagay na mahal mo."
Sabi ko. Natulala naman siya sa sinabi ko at hindi nakapagreact.
"Galaw galaw."
Biro ko na nagpabalik sakaniya sa huwisyo. Napangiti siya at yumakap saakin. Idinikit ko yung ulo niya sa dibdib ko at ilang minuto lang ay nakatulog kami pareho.
Kinabukasan.
Maagang natapos yung meeting with the investors kaya nag-empake kami kaagad para makabalik na ng Manila. Andami kasing kuda nitong si PSG.
"Nagmamadali ka. Eh yung flight namin 4 hours from now pa. Mababaliw ako sayo."
Biro ko sakaniya habang pababa kami sa looby. Naka-simpleng pull over lang siya na sweater na kulay itim tapos maong pants at rubber shoes tsaka dark na shades.
"Sino bang nagsabing sa regular na flight niyo kayo sasakay pabalik? Sir, may private jet ka at may sarili kang piloto. Kailangan pa kasi natin ipaayos yung passport mo."
Sabi niya saakin. Nagtinginan naman kami ni Jaki.
"Para akong nananaginip."
Bulong niya saakin. Natawa ako bago ko kinuha yung kamay niya at naglakad kami ng magkahawak kamay.
"Uy uy uy. Namimihasa na ha. Panay hawak."
Biro niya pero hindi naman niya binawi yung kamay niya.
Nagcheck out kami at dumeretso na sa airport. Kinausap lang ni PSG yung airport security tapos deretso na yung kotse sa tarmac lung saan nagaantay ang isang 10 seaters na private jet.
Pareho kaming napamaang ni Jaki pagbaba ng kotse.
"Mas malaki pa to kesa sa eroplano ko."
Sabi ni Jaki na natatawa. Nilingon niya ako.
"Gagawa ako ng proposal para sayo kung talagang gusto mong maginvest."
Sabi niya saakin. Inalalayan ko na siya paakyat ng eroplano.
"Alam ko na lahat ng pasikot sikot ng kumpaniya. Secretary mo ako di ba. Contract na lang."
Biro ko sabay upo sa isang lazy boy. Tumabi saakin si Jaki habang si PSG naman ay dumeretso sa cockpit at mamaya pa ay lumabas na yung piloto at co pilot niya.
"Sir ito po ang piloto niya, si Mr. Navarro at ang co-pilot niya si Mr. Crawford."
Pakilala ni PSG sa mga kasama. Kinamayan ko naman sila pareho bago sila bumalik sa cockpit. After a few minutes ay lumilipad na kami sa himpapawid.
Nagusap kami ni Jaki about business buong biyahe. Tinuruan niya ako ng mga dapat ko pang malaman at nakikinig lang ako. Parang hindi ko makita sakaniya yung 24 year-old na babae, sobrang galing niya. Kaya napapatulala na lang ako.
"Vice? Nakuha mo ba?"
Tanong niya saakin after niyang magexplain about sa outsourcing at marketing strategies ng company.
"Yes Mam. Naintindihan ko po. Tiwala yung loob ko sa pagpapatakbo mo sa kumpaniya. Kaya magiinvest ako. Pati nga feelings nagiinvest na ako sayo eh."
Sabi ko habang nakangiti. Natawa ako nung mapansin na namumula siya.
"Good investment."
Biro niya kaya lalo akong natawa. Tumango lang ako.
"Sana wag malugi."
Biro ko. Napapout siya sa sinabi ko bago sumagot.
"Basta bantayan mo at alagaan, hindi yan malulugi. Walang silbi ang investment kung mapapabayaan mo din."
Makahulugan niyang sabi. Nagsmile ako tapos kiniss siya sa noo.
"Oo naman. Ito yung pinakaimportanteng investment ko eh."
Sabi ko.
Paglapag namin ng Manila eh hindi pa kami nakababa kaagad ng eroplano dahil sa lakas ng ulan.
"Sir, katatawag lang saakin ni Ms. Tatlong-hari yung finaceé niyo."
Sabi ni PSG. Para akong nabingi.
"Ano??"
BINABASA MO ANG
Maldita Kong Boss
RomanceDala lang ito ng imahinasyon ng nagsulat. May pagkakatulad man sa tunay buhay. Lahat ng pangyayari sa kwentong ito ay kathang isip lang.