Vice's POV
Maaga pa lang ay ginising na ako ni PSG para paghandain. Kailangan daw namin agad tumulak papunta sa Dubai dahil inaantay kami dun ng mga abogado ng namayapa kong tatay.
"PSG, kailangan kong sabihan si Jaki dahil secretary parin niya ako. Hindi pa ako nagreresign."
Sabi ko sakaniya. Napaisip siya saglit at mukhang napagtanto niyang may point ako.
"Well, sila na lang ang papapuntahin ko dito. Ipasundo na lang natin ng private jet."
Sabi niya. Nakahinga naman ako ng maayos. Sabado pa naman madaming activities si Jaki ng sabado.
Naligo na ako at nagbihis. Simpleng puting long sleeves na dress shirt lang tapos moose green na slacks na sininturunan ko ng kulay itim na tumugma naman sa itim ko ding leather shoes at neck tie.
"Sir, ihahatid na kita sa opisina mo."
Sabi ni PSG sakin pero tinanggihan ko.
"Adik ka. Secretary ako ni Jaki tapos ihahatid mo ako gamit yung Ferrari 488 mong pula pa talaga?"
Sabi ko. Natawa naman siya sa sinabi ko. Humarap ako sa salamin para ayusin yung buhok ko.
"Magtataxi na lang ako gaya ng isang normal na empleyado. Or mag eLRT ako o MRT. Ako na bahala."
Sabi ko sakaniya. Aapela pa sana siya pero hindi na niya ginawa. Tumango na lang siya at tumalikod saakin. Kinuha ko yung leather ma sling bag ko at lumabas na.
"Hon! Good morning. You look good."
Bati ni Karylle saakin na nasalubong ko sa hallway. Nagsmile lang ako.
"Morning. Work lang ako. Sige bye."
Sabi ko sabay mabilis na naglakad papasok ng elevator. Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataong sumagot.
Pagdating ko sa opisina ay andun na si Jaki. Inabot saakin ni Ms. Rax yung schedule niya bago ako pumasok sa loob. Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok sa loob. Inabutan ko si Jaki na nakatayo sa harap ng floor to ceiling window at mukhang malalim ang iniisip.
"Ehem! Mam, good morning po."
Sabi ko. Napalingon siya saakin tapos saglit na tumingin ulit sa labas ng bintana.
"You're fired."
Maiksing sabi niya. Napakurap ako habang nakatingin sa kaniya at naghahanap ng senyales na nagbibiro lang siya. Pero wala.
"WHAT?? Pero... Bakit?"
Nagugulungan tanong ko sakaniya sabay upo sa upuan na nasa harap ng table niya. Napalunok ako at napatingin lang sakaniya. Seryoso siyang nakatingin saakin.
"You do not need this job anymore. Mas mayaman ka pa saakin. Besides nakausap ko na si PSG, i will draft the contract if you are still interested."
Nakakapanibago siya. The way she speaks to me, parang isa lang ako sa mga businessmen na pumupunta dito. Tumayo ako.
"Jaki, ako to. Si Vice. Hindi ako isa lang sa mga businessmen na nakikipagtransact sayo tapos aalis din after."
Nakatingin kong sabi sakaniya. She smirked at me. May sinabi ba si PSG sakaniya na hindi ko nalalaman. Nakakainis.
"No. Hindi na ikaw yan, Vice. PSG made it very clear to me na ikaw yung dating Vice. So, I will be talking to you soon about business."
Sabi niya saakin sabay lahad ng kamay for a shakehands. Napalunok ako. May kaunting inis akong naramdaman para sakaniya. Kinuha ko yung kamay niya para kamayan. Naptiim bagang nalang ako bago tumalikod.
"Thank you for your time, Ms. Gonzaga."
Seryoso kong sabi sakaniya bago ako lumabas ng office niya. Lumabas ako at nagpaalam kay Ms. Rax tapos ko tinawagan si PSG para magpasundo.
"Anong sinabi mo kay Jaki?"
Seryosong tanong ko sakaniya habang nagmamaneho siya. Nagkibit lang siya ng balikat bago sumagot.
"I just said na hindi ka na pwedeng magtrabaho para sakaniya dahil magiging isa ka na sa pinakamalalaking pangalan sa business world in a few days."
Sabi niya. Nasapo ko yung ulo ko sa sinabi niya.
"Dalhin mo ako sa apartment namin."
Sabi ko. Kailangan ko ng kausap na normal na tao.
"Boss, wala ka ng apartment dun. Dadalhin kita sa bahay mo kung gusto mo. Andun na din siguro ngayon yung dalawa mong kaibigan."
Sabi niya. Lalong nangunot yung noo ko. Hind na ako sumagot at tumango na lang. Habang nasa biyahe ay nakatulala lang ako ng tingin sa labas ng bintana. Ayoko nang makipagusap kay PSG.
"Nasan na yung mga lawyers ko? Kailangan ko silang makausap tungkol sa kasal namin ni Karylle at kung may pwede pa akong gawin para mapigilan yun."
Sabi ko. Papaliko na kami nun sa isang napakalawak na driveway.
"Bukas ng umaga boss, ready na po sila."
Sabi niya saakin sabay hinto sa tapat ng napakalaking oak door na nun ko lang napansin. Napanganga nalanga ako sa laki ng bahay na yun. Kasiya dun yung buong bahay ampunan na tinirahan ko baka sobra pa nga. Bumaba ako ng sasakyan at agad naman akonb sinalubong nung dalawa kong kaibigan.
"Meme!! Jusko! Nanalo ka ba sa lotto? Paanong nahuziehrhidoskwmje.."
Sabi ni Negi na hindi na naituloy ang sasabihin dahil tinakpan ni Anton ang bunganga nito.
"Pasensya na, Vice. Alam mo naman itong kaibigan nating ko may pagkabalahura din minsan."
Sabi niya. Natawa naman ako. Sawakas, something normal. Pumasok kaming tatlo sa loob ng bahay at sabay na namangha. Sa mga home magazines lang namin noon nakikita yung mga ganitong kagagandang bahay.
"May swimming pool pa, bakla!"
Sabi ni Negi habang naglalakad kami sa garden. Sobrang luwang nun pwede nang pumasang resort. Nung mapagod na kami ay umupo kami sa loob ng gazebo kung saan may isang wooden na coffee table.
May nagdala na din ng meryenda namin dun.
"Lakas! May kasambahay ka pa."
Sabi ni Anton habang kumakain ng cake. Uminom naman ako ng juice bago bumuntong hininga.
"Kung alam niyo lang ang kapalit ng lahat ng ito."
Bulong ko na halos para sa sarili ko lang. Nagtinginan naman sila. Sensing na may pinoproblema ako. Bumuntong hininga ako at nagsimulang magkwento.
"Ha? Ikakasal ka na? Pero... Si... Bakit.... Hala!"
Sabi ni Negi na hindi din makapaniwala sa narinig. Tumango lang ako at uminom ulit ng juice dahil biglang nanuyo ang lalamunan ko.
"Pano si Jaki?"
Taas kilay na tanong ni Anton. Tanong na paulit ulit ko ding tinatanong sa sarili ko. Nasapo ko yung ulo ko sa kakaisip.
"Hindi ko nga din alam eh. Paano si Jaki. Bukas makakausap ko yung mga lawyers ko. Akalain mo may lawyers na ako.... Pars humanap ng paraan na maiwasan ang kasal."
Sabi ko habang nakatanaw sa malayo. Gagawin ko ang lahat para lang hindi makasal.
Kahit pa talikuran ko lahat ng yaman na sinasabi ni PSG. Hindi ako mapapasaya nun.
Si Jaki..
Siya ang kaligayahan ko.
BINABASA MO ANG
Maldita Kong Boss
RomansaDala lang ito ng imahinasyon ng nagsulat. May pagkakatulad man sa tunay buhay. Lahat ng pangyayari sa kwentong ito ay kathang isip lang.