One Night Only

781 21 3
                                    

Vice's POV

Dinala ko si Jaki sa isang garden restaurant na mejo malayo sa kabihasnan para makapagsolo kami. Nalaman ko din kasi na ilang tables lang sa isang gabi ang available dito, ibig sabihin ay kakaunti lang ang tao.

"Ang ganda naman dito."

Manghang sabi niya habang tinitignan yung paligid. Napangiti ako dahil kahit anong ganda ng lugat na to eh mas nangingibabaw pa din ang ganda niya.

"Mas maganda ka."

Sabi ko sakaniya na nagpalingon sakaniya. Napayuko siya ng kaunti para takpang ang namumula niyang mukha na hindi nakatakas sa mga mata ko. Ewan ko ba, bawat kilos niya ay pinapanoodw ko. Bawat reaction niya eh gusto kong kabisaduhin.

"Why did you bring me here? Alam ba to ng fiancee mo?"

Tanong niya saakin na ikinatawa ko. Kanina pa siya paulit ulit sa salitang yun at kaunti na lang talaga eh maniniwala na ako na nagseselos siya.

"Selos..."

Pangaasar ko sakaniya kaya inirapan niya ako. Magsasalita pa sana ako kaso dumating na yung order naming food kaya saglit na naibaling namin dun ang mga atensyon namin.

"Hindi ko naman siya kailangan pagpaalaman eh. Besides, mga tatay namin ang nagdecide nun."

Sabi ko bago sumubo ng medium rare na piraso ng steak. Hindi siya sumagot kaagad, umabot muna siya ng baso niya ng red wine at uminom mula dun. Tsaka nagsalita.

"Kahit na, fiancee mo pa din siya. Hindi maganda na nakikita kang may kasamang iba."

Mejo may inis sa boses niya. Lumunok muna ako bago nagsalita.

"Alam naman niya na ikaw ang gusto ko at alam niya na kung may way para wag matuloy yung kasal namin eh ginawa ko na. Pero hanggang ngayon wala pang mahanap na butas yung mga abugado ko. Bakit naman kasi ginawa pang contract yun ng mga tatay namin eh."

Mahabang litanya ko habang naghihiwa ng steak tapos sumubo. Uminom ulit siya mula sa baso niya at nagisip kaunti.

"Pag both parties naman ang umayaw di ba puwede na icancel yun."

Sabi niya habang mukhang malalim na nagiisip at naghihiwa ng steak. Napangiti naman ako sabay subo. Napatingin siya saakin at napansin na nakatitig lang ako sakaniya habang nakangiti.

"Oh, bakit?"

Tanong niya saakin. Umiling lang ako bago umabot ng wine at uminom.

"Baka matulungan mo ako. Para naman maprepare na natin yung kasal natin."

Biro ko sakaniya. Halos masamid siya sa sinabi ko at napainom ng wine ng derederetso. Natawa naman ako sa reaksyon niya.

"Oh, hinayhinay lang. Masyado ka naman naexcite."

Biro ko nanaman sakaniya. Pailing iling lang siya habang nakatingin saakin.

"What made you think na pakakasalan kita?"

Taas kilay niyang sabi saakin. Sumimangot naman ako kunwari bago nagsalita.

"So ayaw mo sakin?"

Nakapout kong sabi sakaniya. She was taken aback. Matatawa na sana ako pero pinigilan ko. I saw confusion and then realization flashed on her face bago siya nagsalita.

"Viceral, hindi mo ako madadaan sa ganyan mo."

Masungit niyang sabi sabay inom ng wine. I chuckled softly. Hindi talaga papatibag tong babaeng to kaya mahal na mahal ko to eh.

Maldita Kong BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon