Mahaba haba to. 😁
------------
Vice's POV
Kakawrap up lang ng photo shoot at nasa harap kaming lahat ng monitor para matignan yung mga shots. Infairness sa photographer na to, ang gaganda ng mga kuha.
"Walang tapon sa mga shots mo, I mean it. Ano nga palang name mo? Para sa kasal ko, ikaw ang kukunin ko."
Pabirong sabi ko. Nagtawanan naman lahat ng andun pero si Bella eh napalingon lang saakin at mukhang nagtataka. Natawa ako sa itsura niya. Wala na siyang make up nun at naka-tank top na lang ulit siya gaya nung kanina.
"JP po sir. Part time photographer part time writter din sa wattpad."
Sabi nung photographer sabay nakangiting nakipag shake hands saakin. Natawa ako ng kaunti sa sinabi niya bago ako tumango.
"As I was saying, maganda lahat ng shots at kung pupwede lang eh lahat yan gamitin. Bells? Ano sa palagay mo?"
Tanong ko kay Bella sabay patong ng kamay sa balikay niya. Nakaupo kasi siya nun sa harap ko habang nakatayo naman ako sa likod niya. Malakas niyang iginalaw yung balikat niya, dahilan para maalis yung kamay ko doon. Napansin kong nakahalukipkip na din siya.
"Kaw na bahala. Imbitahin mo na lang ako sa kasal mo na ngayon ko lang nalaman."
May bahid ng inis na sabi niya. Natatawa ko naman siyang tinuktukan ng pabiro bago nagsalita. Alam na alam ko kasi ang ugali niya, madali talaga magtampo.
"Baliw. Biro lang yun. Serious much?"
Biro ko. Nilingon niya ako at tinignan na parang bata. She even batted her eyelashes na lalong nagpatawa saakin.
"Telege? Pramis?"
Maarteng sabi niya. Napansin ko naman na pibagtitinginan na kami ng mga kasamahan namin at mukhang iniisip nila na may something kami. Tumango na lang ako ng tipid bago binaling ulit sa screen yung mga mata ko.
"About these shots though? Ang ganda lahat."
Ulit ko nanaman habang nakatingin sa screen. Narinig kong humagikgik si Bella.
"Oo naman. Ako ang model mo eh. Next time, ikaw naman photographer ko."
Biro niya. Alam kong biro lang yun pero nakaramdam ako ng init sa mga pisngi ko kaya yumuko ako ng kaunti para hindi mahalata. Ilang minuto din kaming nagbbrain storming bago kami nakapili ng 4 shots na gusto namin.
"Okay. I guess that's it? See you sa bahay mamaya ha? Ipapasundo ko na lang kayo sa driver ko."
Nakangiting sabi ko bago ko kunin yung coat ko sa sofa. Palabas na sana ako ng pintuan nung maramdaman kong pumulupot ang mga braso ni Bella sa bewang ko at parang batang tumingin saakin habang nakapout.
"What?"
Natatawang sabi ko. Sanay na ako na ganito kami kaya kumportable ako sakaniya. Sumiksik siya sa dibdib ko na parang anak na iiwan ng tatay sa first day of school.
"Sabay na ako sayo. Tulungan kita magprep. Isa pa, andami mong utang na kwento saakin, Viceral."
Sabi niya. Bumuntong hininga na lang ako bago tumango. Tama nga naman siya, kulang yung isang gabi nang kwentuhan sa dami ng nangyari sa buhay ko.
"Fine. Lika na. Buern, pasundo kita mamaya ha?"
Paalam ko sa manager niya. Tumango naman ito at nakangiting kumaway pa saamin. Hyper na hyper naman si Bella habang nasa biyahe kami, parang hindi na mauubusan ng kuda.
BINABASA MO ANG
Maldita Kong Boss
RomansaDala lang ito ng imahinasyon ng nagsulat. May pagkakatulad man sa tunay buhay. Lahat ng pangyayari sa kwentong ito ay kathang isip lang.