More Than Words

503 23 6
                                    

Jaki's POV

Nakatulala ako sa harap ng salamin. Katatapos ko lang mag-ayos para sa engagement party ni Vice at Bella. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin mamaya after I drunk textes him last night.

"Tsk. Nakakaloka ka Jaki."

Bulong ko sa sarili ko bago ako tumayo para sipatin naman sa full body mirror yung suot ko. I am wearing a red dress na sleeve less at red din na high heals. I looked like the devil lalo na dahil nakatali yung buhok ko in a clean bun.

*knock *knock

Napalingon ako sa pintuan malamang si Tom na yan. Agad akong naglakad para pagbuksan siya.

"Tom, ang aga mo naman. Diba usapan...."

Napahinto ako nung makita kong hindi si Tom yung nakatayo sa harapan ko. Namutla ako na parang nakakita ng multo. He was smiling at me. He looked raggedly handsome like how I remembered him. Nakasuot siya ng white shirt na pinaibabawan ng leather na jacket at itim na pantalon with black riding boots. Mahaba ang buhok niya na nakapusod sa likuran niya.

"J-Jack!?"

Halos mautal utal na sabi ko. He opened his arms to me at agad naman akong yumakap sakaniya. Inikot ikot niya ako habang mahigpit na yakap. Wala na akong nagawa kundi umiyak.

"Litte sis! Look at you! All grown up."

Sabi niya saakin pagkatapos niya akong ibaba at matamang tignan. Hinawakan ko yung braso niya para siguraduhing totoo siya at hindi aparisyon lang.

"Jack. Jacinto Gabriel. Totoo ba to??"

Usal ko habang nagpupunas ng mga luha ng kaligayahan na pumatak mula sa mga mata ko. Ngumiti siya at marahang tumango saakin. Tinitigan ko siya, gwapo pa din ng kuya ko pero halatang madaming pinagdaanang hirap. There were wrinkles on his forehead at dark circles around his eyes.

"Handsome as ever. Where have you been?"

Nakapout na sabi ko sakaniya. I opened the door for him at sumenyas na pumasok siya. Naupo kami sa sofa.

"I've been everywhere. Alaska, Pero, Egypt, Hawaii, Fiji, Nepal, Japan, China, Turkey, Damascus, Cambodia... Thailand. Madami pang iba."

Sabi niya. He smiled at me pero may lungkot sa mga mata niya. Hinaplos niya yung braso ko at marahang nagsalita.

"Jaki, I know hindi ako nagging mabuting kuya sayo these past years. I left you alone for selfish reasons. Please, forgive me."

Malungkot na sabi niya. Napailing na lang ako bago ako yumakap ulit sakaniya at sumubsob sa dibdib niya. He was my favorite brother and I was his princess.

"I'm just so happy that you are back. I missed you so much, Kuya. Akala ko wala ka na talaga..."

Humihikbing sabi ko. Hinagod niya lang yung likod ko at hinalikan ako sa tuktok ng ulo, katulad ng ginagawa ni Vice saakin pag malungkot ako.

Naudlot ang moment namin ni Kuya nung biglang sumulpot si Tom sa may pintuan. Naka-Navy blue siya na suit at natuod nung makita kami ni Jack na nagiiyakan sa sofa.

"Tom! Look! Jack is here."

Sabi ko sakaniya. Nagaalangan siyang lumapit saamin at kinamayan si Jack. Kilala niya si Jack and Jack knew him. He actually hated Tom kaya natawa ako nung inisnob ni Jack yung hanshake ni Tom.

"C'mon Jack. Galit ka pa din saakin hanggang ngayon?"

Nakangiting sabi ni Tom. Tinignan lang siya ni Jack mula ulo hanggang paa bago tinaasan ng kilay. Sinulyapan muna din ako ni Jack.

Maldita Kong BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon