<REN'S POV>
Araw-araw kami nagsasanay sa paghawak ng espada, ganito ang naging buhay namin simula nung napadpad kami sa lugar nato. Ni hindi man lang nila kami pinasyal. Ilang buwan narin ang nakalipas, nababagot tuloy ako, gusto ko kasi ng break. Hindi rin mawala sa isip ko yung narinig kong pinang-usapan nina Claude.
"Kyaahhh... humanda ka Kia.. Ahahaha!!!" sigaw ni Cheska habang nag-eesparing sila ni Kia. Buti pa tong dalawang to, nag-eenjoy sa mga nangyayari. Ano na kaya nangyari sa mundo namin? Nag-aalala na siguro si mama at si kuya.
"Tulala ka dyan?" sabi nong lalaki na nagpabalik ng ulirat ko.
"Ikaw pala Claude, may iniisip lang ako." sabi ko na nakatingala sa langit
"May hinahanap ka sa kalangitan?" sabi niya at lumingon ako sa dako niya
"Baka kasi makita ko yung daan pabalik sa amin dyan sa langit" sabi ko na may ngiti dahilan para magbago ang ekspresyon niya
"Gusto mo na talaga makabalik sa inyo?" seryosong pagtatanong niya
"Ou, ayaw kong pag-aalalahanin si mama at kuya. Talaga bang wala ng paraan para makabalik kami? Hindi naman kami sanay sa mga ganito. Tingnan mo nga yung dalawang yun." sabi ko sabay turo kina Kia, tiningnan niya rin ito at ngumiti sya ng napakalapad.
"Nakangiti ka dyan?"
"Hindi nga kayo sanay humawak ng espada. Ganyan din ako noon, sampung taon rin akong nangsanay, dahil yun sa pagmamahal ko sa lupain ng Neo Verona. Araw-araw akong nagsasanay para pag dumating ang mga panahon ng pananakop ng taga ibang palasyo ay maipagtatanggol ko ito laban sa kanila." Seryosong sabi niya
"Gusto mo ipasyal kita sa buong lupain?" sabi niya at agad napalingon ako sa dako niya at ngumiti.
"Talaga!? Ipapasyal mo ko?"
"Ou, pero talunin mo muna ako." sabay hatak niya sa akin at hinagis ang espada. Umiwas ako ng ihagis niya ito, hindi naman ako magaling sumalo noh.. Hinamon pa ako ng kumag eh wala naman akong kaalam-alam nito.
"Baliw ka ba!? Bat mo hinagis? Pano kung natamaan ang maganda kong mukha!?" galit kong sabi
"Tss. Nakailag ka naman eh, at tsaka, hindi ko papayagan na matamaan yang mukha mo? Ayaw kong magpakasal sa taong walang mukha. Hahaha" pang-aasar niyang sabi. Nag init tuloy tong mukha ko. Kumag nato, nalala pa pala yung sinabi ko. Binabawi ko na yun... ayokong mamalagi rito.
"Tutulala ka nalang ba dyan o susugod ka?" sabi niya, my gosh.. ba't ang lapit lapit niya sa mukha ko, hindi ko namalayan yun ah. Ilang sentemetro nalang yata ang pagitan ng pagmumukha namin sa isa't isa.
fx *Boogsh....
"Ay sorry Be---" sabi ni Cheska ng makita kami ni Claude na...
"Manyak!!!" sigaw ko, at agad na bumangon.
"Anong manyak na naman pinagsasabi mo? Ikaw nga tong nanghalik tapos ako pa sasabihan mo ng manyak" sabi niya. Wala talagang matinong sasabihin ang pangit nato kaya ang ginawa ko
PAAAKKKK
Namumuro na sya sa pangmamanyak sa akin kaya nararapat yan sa kanya, hindi ba pangmamanyak tawag sa kanya kahit nakahawak sya sa dalawang hiyas ko, ou guys hawak niya dibdib ko habang ako nakapatong sa kaniya, and worst...naglapat ang mga labi naman...arghhh!... hindi na virgin ang lips ko.
O_O ganito ang reaksyon niya
-__- Kia
OoO Cheska
BINABASA MO ANG
She's A Book Character (revised)
FantasyWhat if one day, you became a book character that would make the story change itself due to your appearance, then it happens that you love being one of them. Will you remain as a book character or go back to the world were you belong? (Revised versi...