Chapter 16: Doubt

9 1 0
                                    


<CLAUDE'S POV>

"Rome, kumusta si Cheska?" tanong ko ng papasok ito sa library.

"Okey naman na sya"

"Rome?"

"Claude, alam ko ang iniisip mo. Hindi si Cheska ang pumatay sa magulang mo at alam mo yun."

"Alam ko, pero bakit ganun? Kamukha nito ang mga dragon na nakita ko nung araw na mamatay si ama at ina. Pero ang pinagkaiba lang nito ay nagliliyab ito ng apoy na syang pumatay sa magulang ko."

"Isa lang ibig sabihin nun Claude" sabat ni Rowan sa pagitan ng usapan naming ni Rome

"Anong ibig mong sabihin?" pagtatakang tanong ni Rome

"Hindi sa nangbibintag ako at nagdududa, pero diba ang kapangyarihan ni Ren ay apoy?" tahimik lang kaming nakikinig sa kanya

"Posible kayang si Ren ang bat-"

"Ano bayang pinagsasabi mo?" pagputol ko sa kanya

"Hindi taga rito si Ren, kaya imposible yang sinasabi mo" pagpapaliwanag ko sa kanya

"Pero paano kung –"

"Tama si Claude Rowan, imposibleng si Ren ang batang yun, hindi sya taga rito at nasaksihan natin yun."

"Siguro nga, pasensya na kung ano-ano nalang pinag-iisip ko" sagot nito.

Lumabas si Rowan ng silid aralan, akma namang papalabas na si Rome ng pigilan ko ito

"Rome"

"Hmm?"

"Pwede mo bang itanong kay Cheska kapag nagising sya kung paano niya napalabas ang kapangyarihan niya?"

"Okay" sagot nito at lumabas na ng kwarto

Andito parin ako sa library naghahanap ng sagot sa mga tanong ko. Pumunta ako sa isang shelves at naghahanap ng libro ng marinig ko ang pinag-uusapan nila Kia.

"Kia, magsabi ka nga ng totoo? May dapat ba kaming malaman kay Ren?"

"Ha? Ano ba gusto mong malaman?"

"Nung araw na nakikipagtunggali kami kay Dark Lord, andun kayo ni Cheska, kayo ang nakasaksi ng lahat."

"O, tapos?"

"Sabihin mo sa'kin, nagamit ba ni Ren ang kapangyarihan niya?"

"Ah? Hindi ko alam"

"Anong hindi mo alam?"

"Ganito kasi yun, umatras ang kupunan ni Datk Lord pati na rin ito dahil nagsidatingan ang mga kawal sa karating palasyo, tapos tumakbo si Ren papunta kay Claude ng bigla itong madapa, at yun nauntog."

"Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo?"

"Oo naman! Ba't ba kasi tanong ka ng tanong?"

"Kasi ang taong pumatay sa ma-"

"Rowan! Kia!" pagtawag ko sa kanila para maputol ang sasabihin ni Rowan. Ayokong pagdudahan si Ren, gusto kong itigil na ni Rowan ang pag-iimbestiga sa kanya.

"Clau-Claude" utal na sagot ni Rowan

"Gising na ba si Cheska?" nakangiting tanong ko sa dalawa

"Ah, oo! Kagigising lang niya. Kaya kami nagpunta rito para sabihan ka." Sagot ni Rowan

"Tara puntahan natin siya, namiss ko bunganga nun eh, hahaha" natatawang sabi ni Kia at nag unang lumakad.

"Rowan,itigil mo na kung ano man yang iniisip mo, Please?" pagmamakaawa ko sa kanya.Tumango lang ito bilang tugon.    

She's A Book Character (revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon