Chapter 14: Wind Element

9 1 0
                                    


<KIA'S POV>

"Ba't nasali na naman pangalan ko dito? Ewan ko sa inyo! Bahala kayo dyan!" sigaw na sabi ni Rowan sabay alis ng silid aralan

"Oh!? Ano nangyari dun?" may halong mapang asar na ngiti ang pagtatanong ni Cheska

"Pasensya na kayo dun, susundan ko lang, hintay lang sandali"

"Rome!" sigaw ko ng aakmang palabas na si Rome, sabay namang lingon nito

"Ako nalang kakausap sa kanya" malumanay kong pagkasabi

"Ah??? O sige, sigurado akong andun sa training ground yun"

"Go-go Kia, kaya mo yan tiiir hihihi" panunuksong sabi ni Cheska

"Tumahimik ka nga.., ahmm Ren, okay lang bang puntahan ko muna si Rowan? Kakausapin ko lang sandali" saad ko kay Ren at pumayag naman ito.

Nagmadali naman akong pumunta sa training ground, at tama nga si Rome. Agad naman akong lumapit at nagsalita

"Rowan, ano ahmm kas---" natigilan ako ng bigla niya tinuon ang patalim ng espada sa leeg ko

"Ahh?? Kia?? Ikaw pala yan? Ano ginagawa mo dito?" gulat na tanong nito

"Ahmm... nag-aalala kasi ako sayo"

"Nag-aalala? Bakit?"

"Kasi... kasi ano.."

"Kasi??"

"Ahmm... ang totoo gusto lang kita makausap at makasama na tayo lang" hindi ito nagsalita sa sinabi ko at napaghahalataan na nagulat ito

"Ahhh... don't get the wrong way ha? May sasabihin lang kasi sana ako sayo" pagdedepensa ko sa sarili ko

"Okay... ano ba yun" sabay talikod niya at nagsisimula na namang e wave yung espada niya

"Formal ba yang ginagawa mo? Kasasabi ko lang na may sasabihin ako tapos tatalikuran mo ko?" galit na sabi ko.

Natigil naman siya at humarap sa'kin at agad nilapit ang mukha niya. Konting distansya nalang at konting galaw ko lang mahahalikan na ako ng manyak na lalaki sa harap ko..Huhuhu virgin pa lips ko..Wag po

"Ba't ka nagagalit ha, yan ba pinunta mo dito?? Yan na ba yung sasabihin mo" malapit pa rin ang mukha namin sa isa't isa ng sinabi niya yun... ang bango ng hininga niya.. Hmmm ayy.. wait.. Pinapantasyahan ko yata ang kumag nato. erase----

"Oh? Kala ko may sasabihin ka? Kung wala, babalik na ako sa training" saad nito sabay talikod at lakad. Ito namang si ako, dahil hindi pa naka get over sa bango ng hininga niya, eh tulaley pa rin etesh..

"Hoy!! Bahala ka nga dyan" sigaw niya bago naglakad palayo, at dun bumalik ang ulirat ko.

"Sandali! Sigaw ko sabay takbo.. at dahil tanga ang peglalu, nadapa ang lola niyo... at sa di ko malaman ang dahilan, parang nagslow-mo ang lahat, parang dahan-dahan lang na lalapat ang mukha ko sa lupa at maya maya ay may mga kamay na sumalo sa akin at bwalah....

"mag-ingat ka naman.." sabi ng prince charming ko...

"pinag-alala mo ko.." dagdag nito, nga-nga pa rin ang lola nyo, di ako makapagalita..

"Paano nalang kung may nangyari sayo, paano kung di kita nasalo? Tiyak madadapa ka.. Paano nalang mukha mo? Wala pa namang mabibili na mukha dito sa Neo Verona. Sa inyo ba meron?"

Loading------

Wait? Ano raw!?

Okay na sana eh...

Dinugtungan pa.. Shetness...

"Heh!!!!" sigaw ko sabay tulak sa kaniya

"Saan mo ba nilalagay yang kasweetan mo sa katawan?? O meron ka man lang ba niyan?!" galit na pagkasabi ko at tinalikuran siya at naglakad palayo. Nahinto ako ng bigla niya akong hilahin at yakapin

"Sorry?? Di ko kasi alam sasabihin ko kapag kaharap kita. Napipipi ako" ano raw? Am I hearing it right? Si Rowan nag sorry sa'kin?

"Kia, Mahal na yata kita... mali pala, MAHAL NA KITA" shetness overload...waaaaaaaaaahhhhh kinikilig ako... I feel like flying.. oha oha...

"Oi.. oi.. Kia..." yup prince charming ko?.. sabi ko sa isipan ko..Syempre noh..Pakipot muna ang peg ko..Hahaha

"Kia... maghulos dili ka" ha? Hulos dili?? Ano na naman sasabihin nito...

Naramdaman kong humigpit lalo ang pagkakayakap ni Rowan sa'kin mula sa likod... syempre feel na feel ko.. hihihi kaya humarap ako sa kaniya at..

"Kia!!!!!" nang humarap ako sa kaniya, napabitaw siya sa'kin, at sabay kaming nahuhulog mula sa himpapawid..

"Ahhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw naming dalawa

"Kia!!!!!!!" Sigaw ni Rowan.. O.M.G ako pa yata dahilan ng pagkatigok namin... ano ba nangyari at umabot kami sa himpapawid...

"Kia tulong!!!!!" wait.... I did this... alam ko na!... concentrate... concentrate...

"Rowan?"

"Patay na ba'ko?" nakapikit niyang tanong

"Hahaha hindi ah" tawang sagot ko.

"Imulat mo mata mo"

"Woahhh...."

"Di ba? Pang wonderwoman lang?" sabi ko sabay ngiti. Hawak ko kasi siya habang dahan-dahan kaming lumalapat sa lupa

"Wonderwoman?" pagtatakang tanong niya

"Ayy.. Di mo pala siya kilala.. hihihi superhero yun dun sa mundo naming, fiction nga lang." agad naman niya akong niyakap ng lumapat kami sa lupa

"Para sa akin ikaw ang superhero ko.. I Love You Kia" wala na... hinigop niya lakas ko..

"Ahmmm...at ikaw naman ang kryptonite ko, ang tanging kahinaan ko" saad ko at kumalas sayakap niya sabay inangkin ang mga labi nitong mapupula.    

She's A Book Character (revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon