<REN'S POV>
Dalawang linggo na ang nakakalipas pero hindi parin gumugising sina Claude. Wala akong maalala sa mga nangyari dahil pati ako ay tatlong araw rin daw na natulog sabi nila Cheska. Hindi na rin ako nagtanong kasi may pumipigl sa isip ko na alamin ito.
"Ren? Tulala ka na naman, ano iniisip mo?"
"Gusto ko ng makabalik sa mundo natin Kia. Saan nga pala si Cheska?"
"Andon sa Romeo niya, in-love yata si Juliet. Hahaha"
"Sira! Kia may itatanong lang sana ako kung pwede?"
"Hindi ka pa ba nagtatanong sa lagay na yan? Hahaha"
"------" Hindi nalang ako umimik. Seryoso kaya ako tapos pagtawanan lang ako.
"Nagbibiro lang, ang seryoso mo kasi. Ano ba yun? Basta kaya ko lang sagutin"
"Okay ka na ba dito? What I mean is, gusto mo pa bang bumalik sa mundo natin?"
"Ang hirap ng tanong mo ha? Pang the buzz lang. Hahaha... Hmmm pa'no ba to, kung ako tatanungin, oo, ok na ako sa mundong to. Hindi ako outcast di katulad sa school. Hindi creepy tingin nila sa akin dito. Kasi nga porket, mahilig ako sa itim ibubully na ako? Simply lang din ang pamumuhay dito. Dito rin kasi, pinapahalagahan nila tayo, dito may pamilya ako, hindi mo ba ramdam yun? Hindi mo ba nakikita na sa araw-araw nating pag iinsayo eh nakangiting nakatingin sa atin si Claude? Isang araw nga may sinabi si Claude." sabi niya na pinutol niya muna
"Anong sinabi niya?" –pagtatakang tanong ko
"Sabi niya gagawin niya ang lahat para di tayo madamay sa digmaan nila, hindi niya hahayaan na masaktan tayo. Kaya ganun nalang ang pag-aalala niya nung nagpresenta tayong sumama sa kanila. Gumagawa na nga rin sya ng paraan para maibalik tayo sa mundo natin. Sabi niya pa, kapag nakikita ka raw niya, parang kung may anong kumakabog sa dibdib niya na di niya alam. Kaya ganun nalang sya kaingat sa'yo. Kaya lang, hindi raw pwede iyong nararamdaman niya, dito" sabi niya sabay turo sa dibdib ko malapit sa puso. At agad akong may naalala.
FLASHBACK
"Ren?" sabi ni Claude at tiningnan ko lang sya
"Hindi ka na naman nagsanay? Gusto mo ilibot kita rito sa palasyo?" nakangiting sabi niya
"Ba't ang saya mo? Ililibot mo rin ba ako sa buong Neo Verona? Gusto ko makakita ng ibang tao. Nakakasawa kasi yang pagmumukha mo. Hahaha" sabi ko na may pang-aasar
"Ipapasyal kita sa tamang panahon, wag muna ngayon, Okay lang ba?" seryosong sabi niya
"Hmmm..Okay."
Inilibot niya ako sa buong palasyo, pati narin sa mga tanawing nakapalibot dito. Ngayon ko lang nalaman na ang laki pala ng palasyo niya, hindi ba sya nababagot rito? Hindi ko kasi sya nakikitang lumalabas ng palasyo at pumupunta sa baryo nito. Wala rin syang pamilya, ang tanging malapit lang sa kanya ay sina Rowan at Rome.
"Claude?"
"Hmmm?" –Claude
"Saan pamilya mo?" tanong ko sa kanya na nagpalungkot ng pagmumukha niya
"Ah? Sorry kung nata—"
"Wala na sila Ren, pinatay sila sa harap ko. Sila Rowan at Rome nalang ang pamilya ko." malungkot na pagkasabi niya
"Wala ka bang balak bumuo ng pamilya?"
"Meron, kapag handa ka ng pakasalan ako hahaha." ah okey, kanina lang ang lungkot ng mukha niya, tapos ngayon hindi maipinta ang sayang nararamdaman niya.. loko-loko din.
BINABASA MO ANG
She's A Book Character (revised)
FantasiaWhat if one day, you became a book character that would make the story change itself due to your appearance, then it happens that you love being one of them. Will you remain as a book character or go back to the world were you belong? (Revised versi...