<REN'S POV>
Ilang araw ang lumipas simula nung pangyayari sa ilog, sa ngayon nag iinsanyo si Kia at Cheska kung pa'no ang tamang pag gamit ng kani-kanilang kapangyarihan.
Madaling nagagamit ni Kia ang kanyang kapangyarihan dahin present ang hangin san man kami magpunta, samantalang si Cheska naman ay nagagamit pa rin nito ang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpapalabas nito ng hugis bolang tubig at kung matamaan ka ay parang asido na nakakatunaw pero depende pa rin ito sa kanya kung ordinaryong tubing lang ang kanyang ipapalabas.
Higit itong mas makapangyarihan kapag may malaking bahagi ng anyong tubig ang malapit sa kanya dahil kahit ano mang gustuhin nyang imahe ang ganito rin ang nagiging anyo nito.
Andito lang ako nakatanaw sa kanila, hindi ko pa alam pa'no gamitin o palabasin ang kapangyarihan ko. Pero hinihiling ko na sana, magamit ko na ito nang makatulong naman sa kanila. Napatigil ang pag – iisip ko ng tawagin ako ni Cheska.
"Ren, Kia, tingnan nyo oh, ang galing ko noh. Hehehe" sabi nito habang ang bolang tubig ay paiba-iba ng hugis ayon sa gusto niya.
"Mas magaling ako sayo!" pakikipagdebate ni Kia kay Cheska
"Hay naku, kung sunugin ko kaya kayong dalawa dyan?" agad naman silang nagtigil sa sinabi ko
"Sige nga subukan mo at papatayin ko apoy mo gamit ang tubig ko hahaha" pagmamayabang ni Cheska sa kapangyarihan nya kahit alam naman nila na hindi ko pa nagagamit ang kapangyarihan ko.
"E kung ilipad kaya kita? hahaha" pagbabara na naman ni Kia, ang hilig talaga magbangayan ng dalawang to, ewan ko ba sa mga to
"Anong sabi mo!?"
"Aaaaahhhhhhh!!!! Ibaba mo'ko Kiaaaaaaaaa!!!!! Lagot ka sa akin ngayon"
"Ahahahahah anong magagawa ng tubig mo sa hangin ko? Wahahaha"
"Anak ka ni medusa!!! Sabing ibaba mo'ko!!! Ayaw mong makinig ha? Itong sayo! Pektush waterish!" pagganti ni Cheska sa ginawa ni Kia, tinapunan niya ito ng tubig ngunit sa kasamaang palad, hindi si Kia ang nabasa kundi si
"Potakte!!!!" galit na sigaw ni Rowan, agad namang nahinto ang dalawa at si Cheska na kaninay pinalilipad ni Kia ay nahuhulog na
"Aaaaaaaaaahhhhhhhh!!!! Kia walangya ka, tulungan mo ko!!!" sigaw ni Cheska habang mabilis itong nahuhulog, napatingin naman si Kia sa dako niya at natataranta, di niya alam ang gagawin.
"Gotcha!"
"Oh Romeo, you're my savior" wika nito sabay halik sa pisngi ni Rome
"At ikaw na babae ka! Pano kung wala ang Romeo ko? Siguradong mas pino pa ako sa asukal kapag nagkataong di ako nasalo ng prince charming ko!" panenermon ni Cheska kay Kia, samantalang si Kia naman ay nakayuko lang
"Hoy!!" sigaw ni Rowan
"Ay!! Romeo darling, slay that dragon dali na, baka kainin ako sa galit nyan"
"Hep. Hep. Hep. wag mong sabihing papatol ka sa babae? Bakla ka ba? Hahaha" panunukso ni Kia kay Rowan palakad na kasi ito papalapit kay Cheska na nakatago sa likod ni Rome
"Ano!!!" galit na sigaw nito
"Hahahahha" pagtawa ni Rome sa reaksyon nito
"Anong baklang pinagsasabi mo dyan?"
"Bakla, as in gay... hahaha" tawang sabi ni Kia
"Ah ganun..."
"Kasi naman papatulan mo si Che---" natigilan sa pagsasalita si Kia ng biglang siniil ng halik ni Rowan ang mga labi nito, maski kami ay napatulala sa ginawa ni Rowan
"Oh? Natigilan ka? Sinong bakla ha?" naka-smirk na sabi ni Rowan habang si Kia naman ay namumula na ang pisngi dahil sa ginawa nito
*Splasssshhhh*
Pagbato ni Cheska ng tubig kay Rowan
"Shit!!!! Lagot ka sa'kin! Hoy! Rome hawakan mo yan at puputulan ko yan ng kamay!" ayun naghahabulan ang dalawa, luging-lugi naman si Rowan sa kanya kasi binabato niya ito ng tubig, habang si Rome naman tawa ng tawa sa kanila, samantalang si Kia, tulala pa rin.
"Oi! Okay ka lang dyan?" tanong ko kay Kia nang makalapit na ako sa kanya, agad naman siyang nanumbalik sa kaniyang katinuan
"Waaaaaaaahhhhh!!!!... Namanyak labi ko!!!!!!" sigaw nito na parang batang inagawan ng candy
"Bumalik ka rito, hinayupak na lalaki!!! At tatapusin natin ang sinimulan mo... ay este tatapusin kita!.." pagsigaw nito sabay takbo.. Parang mga bata lang na naghahabulan, si Cheska na hinahabol ni Rowan, at si Rowan na hinahabol ni Kia.. O diba ang saya nila
"Hahahha tara makisali tayo dun" pangungulit ni Rome sa'kin
"Ba't naman ako makikisali, sino naman hahabulin ko?" pagkokontra ko sa sinabi niya
"E di ako..." sabi ni...
"Claude!!!!!! Bumalik ka rito... Langya ka ba't mo'ko binasa!!!" sigaw ko habang habol-habol ko siya na may dala-dalang balde
"Hoy!!! Kayo na sweet!!! Iniwan niyo ko rito!!!" sigaw ni Rome ng maiwan siyang mag-isa
"Hahaha habol... ang bagal mo tumakbo!"
"Mabagal pala ha? Itong sayo!" sabay bato ko ng malalaking bato sa kanya pero tawa parin sya ng tawa habang tumatakbo habang ako namumulot na naman ng bato para ihagis sa kanya, hindi ko pa kasi alam pa'no gamitin o palalabasin ang kapangyarihan ko, kung magagamit ko siguro, naku! Naletson ko na sya.
"Excuse me po, may liham po kayo" sabi ng kartero habang namumulot ako ng bato.
"Sino namang magpapadala ng sulat sa'kin, wala naman akong kamag-anak dito." Nasabi ko nalang sabay tiningnan ang sulat, at nagulat ako sa nakalagay.
To: Ren
From: Kuya Leo
BINABASA MO ANG
She's A Book Character (revised)
FantasíaWhat if one day, you became a book character that would make the story change itself due to your appearance, then it happens that you love being one of them. Will you remain as a book character or go back to the world were you belong? (Revised versi...